GORGY RULA
Hindi naimbitahan ang PEP Troika sa Bida sa Arena: Ultimate Celebrity Showdown na ginanap sa SM MOA Arena noong Linggo, Mayo 3, 2026.
Ayon sa ilang napagtanungan namin, last minute na raw nag-imbita ng entertainment press at vloggers para i-cover ang naturang celebrity basketball game.
Hindi namin alam kung ano ang problema, pero ayon sa ilang kaibigang nakapanood noong Linggo, hindi raw napuno ang SM MOA Arena.
Ito ay kahit big stars naman ang mga naglarong Kapamilya at Kapuso.
Ang The Th3rd Floor team ay pinangunahan ni Gerald Anderson.
Kasama niya sa team sina Richard Gutierrez, Vhong Navarro, Jameson Blake, Emilio Daez, RK Bagatsing, Johannes Rissler, Argel Saycon, Tristan Ramirez, Elysion De Dios, Binsoy Namoca, at mga content creator na sina Malupiton at Tommy Tiangco.
Sa Sparkle ay si David Licauco ang team captain.
Ang mga kasama niyang naglaro ay sina Will Ashley, Dustin Yu, Rayver Cruz, Mavy Legaspi, Paul Salas, Josh Ford, EA Guzman, Andre Paras, Anthony Constantino, Kimson Tan, Prince Carlos, at Mateo Monzones.
Ang tHE Th3rd Floor team ang nanalo.

Ikinumpara ng source namin ang Bida sa Aren sa Bench: Shoot of Asia, ang celebrity basketball game noong nakaraang taon na sold-out ang tickets dahil sa Korean superstars na naglaro.
Read: Here are the highlights of Bench: Shoot of Asia
BIDA SA ARENA 80% ATTENDANCE ONLY?
Itong sa Bida Sa Arena ay halos 80% lang daw ang audience, at ang iba pa raw roon ay nakakuha ng libreng tickets.
Mahal daw kasi ang presyo ng ticket: PHP8,500 ang nasa courtside at PHP800 ang pinakamura.
Bago ang araw ng event, binabaan na raw nila ang presyo ng ticket. Kung hindi kami nagkamali, nag-less 50% na sila.
Pero hindi pa rin daw pumalo ang bentahan ng tickets.
Hanggang sa nung Linggo ay ipinamigay na lang daw ang tickets.
May isang kakilala ang source namin na meron daw isang libong tickets na hawak para ipamigay sa mga tao sa labas. Pero hindi pa rin daw napuno ang MOA Arena.
Ewan ko kung hindi sila interesado sa mga artistang naglaro o maaring hindi rin ito na-promote nang lubos, kasi parang wala talagang ingay ang naturang event.
NOEL FERRER
Masaya naman daw ang fans na walang tigil sa katitili sa pakilig ng ibang artistang sumuporta sa kanilang mga naglarong dyowa.
Mapapansin daw agad ang presence ng kani-kanyang love-love-love.
All-out ang suporta at todo cheer si Shaira Diaz para kay EA Guzman siyempre.
Ganundin si Ashley Ortega kay Mavy Legaspi, at si Bianca de Vera kay Dustin Yu.
Nandoon din si Barbie Imperial para kay Richard; Shuvee Etrata para kay Anthony Constantino; at Mika Salamanca para kay Will Ashley.
Si AZ Martinez ang muse ng Sparkle team kaya nandoon si Ralph de Leon, na nanood kasama sina River Joseph at Vince Maristela.
Na-injure daw ang paa ni David Licauco, pero walang girlfriend para umalalay sa kanya. Pero nakapaglaro naman daw siya uli bago matapos ang game.
Nanalo ang The Th3rd Floor team ni Gerald Anderson with 96 points kontra sa 89 points ng Sparkle.
MIKA AND BIANCA, DEADMAHAN?
Samantala, marami sa mga nag-cover doon na napansin ang deadmahan nina Mika Salamanca at Bianca de Vera.
Tinutukan daw ng ibang vloggers sakaling magbabatian ang dalawa, pero waley raw talaga.
Sabi ng aming source, halatang nag-iiwasan daw sina Mika at Bianca.
Kung may gap silang dalawa, ano o sino kaya ang dahilan?
Read: Will-Mika, Dustin-Bianca, other kilig moments at Bida sa Arena: Ultimate Celebrity Showdown
JERRY OLEA
Dagdag pang kuwentong nakarating sa PEP Troika, may isang magandang aktres daw na pinalabas ng security guard nang lumapit na ito sa boyfriend niyang kasama sa nanalong team.
Pagkatapos daw ng game ay naglapitan na ang ibang dyowa para i-congratulate ang nanalong team.
Itong si Magandang Aktres lang daw ang pinalabas ng guard dahil wala umano itong suot na access ID.
Nagpakilala pa raw si Magandang Aktres na artista siya, pero hindi pa rin daw ito pinapasok ng guard.
Nakiusap pa raw si Aktor sa guard na papasukin si Magandang Aktres, kahit wala itong ID.
Hindi rin kilala ni Guard si Aktor. Pero napakiusapan naman daw ang guard bandang huli.
May isang kilalang aktres naman daw roon na binash nang bonggang-bongga ng netizens.
Kung anu-anong bansag ang tawag sa kilalang aktres dahil sa pakikipagrelasyon niya sa sikat na aktor.
Malinaw namang hindi si Kilalang Aktres ang dahilan ng pakikipaghiwalay ni Sikat na Aktor sa kanyang dyowa.
Pero hindi pa rin nagustuhan ng netizens itong si Kilalang Aktres na karelasyon ngayon ni sikat na aktor.
Read: Frontrunner Bea Windorski crowned Miss Universe Philippines 2026
