JERRY OLEA
Napahagulhol si Yeng Constantino nang malaman niyang sold out in less than six hours noong Mayo 1, 2026, Biyernes, ang 20th anniversary concert niyang Biyaheng Bente.
Gaganapin ang concert sa Agosto 28 sa Araneta Coliseum, Cubao, Quezon City.
“Everyone, sobrang pangit ko!” nguyngoy ni Yeng sa video na pinost recently sa Facebook habang pinapahid ang lumalagaslas ang luha.
“Pangit talaga akong umiyak. Pero kakatawag lang ng manager ko. Gusto ko lang sabihin na salamat sa inyo. Hu! Hu! Hu!
“Sobrang saya ko! Ahhh hindi ako makapaniwala, sinold out niyo, grabe kayo! Salamat! Sobrang salamat sa inyo!
“I’m so excited to celebrate with you all. Grabeee! Grabe kayo, sobrang salamat. Hu! Hu! Hu! Salamat sa inyo, Yengsters!
“Ahh chaka talaga. Whoaa, grabe! Yung ulo ko, para akong nala-lightheaded na… nakukulangan yata ako ng oxygen. Ha! Ha! Ha!
“Whoaaa! Yun ang gusto kong sabihin na maraming salamat. Yan, medyo kalma na yung puwet ko, whoa!
“I love you all, thank you so much… AHHHHHH!!!” tili pa ng Pop Rock Princess na kauuwi lang mula sa Hawaii.
Read: BINI announces Signals’ World Tour 2026 across Asia, US, Europe
YENG CONSTANTINO'S 20TH ANNIVERSARY CONCERT
Ang magdidirek ng kanyang 20th anniv concert ay si John Prats. Ang musical director ay si Ria Osorio.
Ang pahiwatig ni Yeng sa nasabing concert: “Ang pag-ibig, hindi parang cellphone. Kapag naluma, papalitan.
“Walang palitan dito dahil tuloy-tuloy lang ang biyahe ng PAG-IBIG! Magkasama tayo sa BIYAHENG BENTE concert!”

NOEL FERRER
Facebook message pa ni Yeng Constantino kalakip ng kanyang crying video, “OA ako sa cry! Salamat sa pa-SOLD OUT nyo sa Byaheng Bente!
“Para akong nananaginip right now, lutang ako sa kaligayahan. Salamat po Panginoon! Pag-iigihan ko po. Fighting! See you all sa Araneta sa August 28!”
Sa kasunod na Facebook post ni Yeng kalakip ang artcard na na-sold out in less than six hours ang kanyang 20th anniversary concert: “Salamat po!!! Umaapaw ang puso ko sa kaligayahan!!! SOLD OUT AGAD?!
“GRABE KAYO! Walang bakante sa BIYAHENG BENTE! Diretso na 'to, wala nang pa-para!”
Read: Wilbert Ross concert tickets, sold out sa loob ng 15 minutes
GORGY RULA
Matatandaang si Yeng Constantino ang Grand Star Dreamer sa inaugural season ng Pinoy Dream Academy na nag-umpisa noong Agosto 27, 2006.
Mahigit 70 parangal ang natamo ng Pop Rock Royalty sa dalawang dekada niya sa showbiz.
Kabilang diyan ang pagiging best supporting actress sa MMFF 2019 para sa pelikulang Write About Love directed by Crisanto Aquino.
Hindi kaya it’s about time na umakting muli si Yeng… kahit chararat siya pag umiyak?!
