GORGY RULA
Isa sa mga bagong mukhang ilulunsad sa Star Worx ng TV5 ay si Celyn David.
Kae-18 lang ni Celyn noong Linggo, Mayo 3, 2026.
Nagpa-debut party siya noong Biyernes, Mayo 1, sa Stella Suites Events Place sa Quezon City.
Naimbitahan doon ang PEP Troika, at doon namin nakita ang iba pang mga kasamahan ni Celyn na ilulunsad ng TV5 ngayong Martes, Mayo 5.

Dumalo rin sa debut party sina Eric Quizon, Vandolph, Boy2 Quizon, Ms. Wilma Galvante, at ang mag-inang Roselle at Keith Monteverde ng Regal Entertainment.
Si Celyn ay dating nasa Star Center Artist Management ng NET 25.
Inilipat siya sa TV5, at isa siya sa napiliing ilunsad ng Star Worx.
Nagagandahan kami kay Celyn, na parang ang dami niyang kamukhang artista.
May mga nagsasabi raw sa kanyang kamukha siya nina Bea Alonzo, Liza Soberano, at Yasmien Kurdi. Pero morena naman siya.
May nagsasabi rin daw sa kanyang kamukha niya si Bianca Umali o si Kris Bernal.
FIRST BIRTHDAY PARTY
Sobrang tuwa ni Celyn dahil ngayon lang daw niya naranasang magpa-party para sa kanyang kaarawan.
Hindi raw siya ganun ka-privileged nung bata siya kaya simple lang ang pagdiriwang ng kaarawan niya kasama ang kanyang ina at lola.
“Ganito pala yung birthday mo. Nasa yo yung atensiyon lahat,” bulalas niya.
“Marami ang nagsasabing ‘happy birthday,’ ganun. Sobrang saya. Napapa-thank you lang talaga ako.
“Kanina sa elevator, non-stop praying lang talaga ako. Sabi ko, ‘Lord, thank you na binigay Mo sa akin ito.’
“I know na wala pa ako sa stardom. Pero for me, yun na yung napi-feel ko.
“The blessings are there. The opportunites are there, and even really like happy…you guys are interviewing me,” sabi ni Celyn nang nakatsikahan namin bago nagsimula ang kanyang party.
Hindi ikinahiya ni Celyn na nirenta lang daw niya ang gown na suot nito sa kanyang debut. Mas practical pa raw yun.
“Funny story. Rent lang din po ito,” bulalas niya.
“Ako naman yung first na susuot nito. Kaya, I own it!
"Biniro ko pa po yung nagpapa-rent, ‘Wow! Ako naman pala yung una, baka puwede babaan pa natin yung presyo,’” natatawa niyang kuwento.
Read: Bida sa Arena: Ultimate Celebrity Showdown highlights and sidelights
NOEL FERRER
Excited si Celyn David dahil napabilang siya sa Star Worx at, finally, si Mr. M pa raw ang magma-manage sa kanila.
Aniya: “Kaya ang tawag po sa amin ay Star Worx, kasi stars put in the works. It’s not just something na bigla mong makukuha.
“Example, me, ang dami na ding napagdaanan. Each and everyone of us has a different stories.
“Hindi lang naman po ako may ganitong buhay. Ibang batch din po, which is for sure… kaya nakita po ni Mr. M potential namin.
“Kasi ano, we are ano, putting the work, kaya maging star. Yun po yun.
“Kaya Star Worx ang naisip niya, kasi pinaghihirapan namin para kami maging star,” sabi pa ni Celyn.
Hinding-hindi raw niya makakalimutan ang laging bilin sa kanila ni Mr. M:“If you don’t have anything good to say, don’t say anything.”
“Yun ang pinakalaging natatandaan ko sa kanya. Ang dami niyang advices, pero yun ang nasa utak ko,” saad ni Celyn.
Maliban kay Celyn, ang 15 pang kabilang sa first batch ng Star Worx sina Adam Buck, Amo Wilding, Chan Martin, Nico Matugas, Patrick Ballesteros, Spencer Capistrano, Wayne Leonard, Carmela Lorzano, Kaitlyn King, Keisha Serna, Marthena Jickain, Nathalie Apollo, Rahil Gatali, Selina Griffin, at Steph Razon.
Read: Cita Astals regrets telling public about mental health disorder
JERRY OLEA
Naging close si Celyn kina Roselle at Keith Monteverde dahil kinuha siya para sa Shake, Rattle & Roll: Evil Origins nung nakaraang MMFF.
Ngayon ay part din siya sa reunion movie na Home Along Da Riles: Da Reunion.
Sobrang nagpapasalamat siyang kinuha siya para sa pelikulang ito.
Sabi pa ni Celyn: “Siyempre, sobrang exciting lalo na nung nagso-shoot kami.
“Hindi siya parang work, e. Parang family bonding na ang saya nilang katrabaho. Lalo na si Sir Smokey Manaloto.
“All the veteran actors and actresses, ang saya nilang katrabaho.”
Proud siya sa pelikulang ito na tiyak na maiiyak daw sa pam-Father’s Day na io-offer ng Riles Productions nina Boy2 at Vandolph Quizon.
“I’m the new character there. I can assure, lahat kayo, iiyak. Grabe, nakakaiyak!
“Ang ganda, lalo na sa Father’s Day. I think they’re gonna release on Father’s Day. It’s about father’s love, and of course the comedy legend, Sir Dolphy,” dagdag ni Celyn.
Read: Home Along Da Riles: Da Reunion set as Father’s Day tribute film
