PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Karmina Constantino reveals aneurysm ordeal, runaway bride past

Karmina Constantino: from film major to broadcast journalist.
by PEP Troika
Published 5 hours ago
karmina constantino
From newsroom grit to personal battles, Karmina Constantino opens up about her aneurysm, past heartbreak, and 30 years of hard-earned success in media.
PHOTO/S: Instagram

NOEL FERRER

Nagpaunlak ng eksklusibong panayam ang ANC anchor na si Karmina Constantino, kaugnay ng kanyang 30th media anniversary, sa aming radio program na Level Up sa Radyo Katipunan.

Ito na yata ang pinakapersonal na interview ni Karmina, kung saan binalikan niya ang tatlong dekada sa industriyang hindi madaling nilakaran.

"Yung 30 years ko, walang padrino. Trabaho lang talaga," sabi ni Karmina.

Film major siya sa UP Diliman, at inakala niyang magiging daan ito papunta sa paggawa ng pelikula.

Pero dinala siya ng tadhana sa newsroom sa tulong ng boss niya noong si David Celdran.

Tatlumpung taon na ang lumipas, at mariin niyang sinabi — wala siyang padrino, walang backer, walang shortcut.

“Puro hard work,” ani Karmina.

Mula sa pagiging researcher, production assistant, hanggang naging isa sa pinakakilalang anchor sa bansa, bawat hakbang daw ay pinagpawisan niya.

Unbowed. Unbought. Uncompromised.

Tatlong salitang matagal nang ikinakabit ng mga tagasubaybay kay Karmina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mula sa aking post, inulit-ulit ni Karmina ang madalas niyang paninindigan: bias siya para sa bansa at para sa mga Pilipino.

Unang pagkakataon din niyang pinag-usapan nang mahabaan ang kanyang pagiging “runaway bride” noon, at ang kanyang aneurysm.

Maganda ang takeaway ko sa interbyuhan naming ito.

Mahalagang sinabi ni Karmina: “Stay in your lane. Yung thinking na it’s not about you… helped me a lot.

“I just competed not with anyone but myself, and I just made sure I was happy along the way because my husband will always step in and tell our kids that sana, when it’s your turn, you get to be like mom, who never worked a day in her life because she loved what she was doing.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Bida sa Arena: Ultimate Celebrity Showdown highlights and sidelights

GORGY RULA

Doon din sa Level Up — na tuwing Monday 3:00 P.M. na ang timeslot dahil sa four-day work week sa Ateneo ikinuwento ni Karmina sa unang pagkakataon ang pinakamatinding laban na hindi nakita sa TV: ang aneurysm.

Predisposed daw siya sa pagkakaroon ng aneurysm.

Tatlong araw raw siyang in coma at kinailangang mag-therapy para makapaglakad muli nang maayos.

Ang epekto nun sa kanya? Mas pinahahalagahan niya ngayon ang bawat sandali sa kanyang buhay.

TOUGH ON THE OUTSIDE, SOFT ON THE INSIDE

At sa tapang niya sa harap ng kamera kapag nagtatrabaho na siya, iyakin daw talaga si Karmina.

Humahagulgol siya every time may moving-up activity ang mga anak niya sa eskwela.

Pati ang pagpasok sa military ng idol niyang BTS ay iniyakan din niya.

Hindi niya idinetalye ang medikal na proseso, pero malinaw ang epekto.

Biglang nagbago ang pananaw niya sa oras, sa takot, at sa kung ano ang mahalaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kapag hinawakan ka na ng kamatayan sa balikat, hindi mo na kayang magpanggap,” sabi ni Karmina.

Di ba, Tito Noel?

Mula noon, mas naging matapang daw siya sa pagtatanong, mas naging mapagpatawad sa sarili, at mas naging malinaw kung bakit kailangan niyang manatili sa trabahong ito.

Tough on the outside, pero senti at pusong mamon kapag pamilya at importanteng tao na sa buhay niya ang pinag-uusapan.

Read: Vice Ganda on Mayor Leni Robredo: “Puwede bang i-share iyan sa buong Pilipinas?”

noel ferrer karmina constantino
Noel Ferrer and Karmina Constantino
Photo/s: Noel Ferrer
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

Ikaw ba naman ang maging apo ni Renato Constantino; anak ni RC Jr. at Lourdes Constantino; pamangkin ni Karina Constantino David; at pinsan ni Kara David, seryoso ba palagi ang pinag-uusapan at laging para sa bayan?

“Given naman yung bayan lagi, pero masaya ang mga Sunday get-togethers namin,” ani Karmina.

“Habang yung mga nakakatanda ay nagma-mahjong, kaming mga magpipinsan, gumagawa ng mga dula, at pagkatapos nilang maglaro, ipinapakita naman namin sa kanila ang pinagpraktisan naming presentasyon.”

THE RUNAWAY BRIDE

Hindi ba nate-threaten ang mga lalaking nais manligaw sa kanya dahil galing siya sa isang kilalang matatapang at makabayan na pamilya?

Sagot ni Karmina: “It’s not as if pinagwawagaywayan ko ang aking pamilya kahit saan. Kahit sa trabaho ko, tahimik lang naman akong namumuhay nang may sariling paninindigan.”

At ang prinsipyong yan ang nagdala kay Karmina sa pag-aming nagkansela siya ng nauna na sanang kasal nang maumpog siya sa maraming red flags sa isang nakaraang relasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero yun na lang yun. Hindi ko itinuloy at yun yung tamang desisyon.”

Ano ang natutunan ni Karmina sa episode ng buhay niyang yun?

“Yes, friends will say something, but most of them will keep quiet out of their respect and love for you.

“So, hindi mo talaga malalaman hangga’t gustuhin mong malaman. Hindi mo mapapakinggan yung mga gusto nilang sabihin kasi lulong ka sa kabaliwan.

"So it really has to come from you,” payo ni Karmina sa mga may parehong sitwasyon.

Buti rin, at dumating ang tamang panahon, at ang tamang tao para kay Karmina — si Noel Torres, isang business-finance person na bihirang-bihira magpakita sa publiko.

Walang mahabang talumpati.

Isang simpleng “proud ako sa iyo” at patuloy pa rin daw itong nag-aabang ng BTS tickets para sa kanilang pamilya.

Malaking bahagi talaga ang pamilya kay Karmina. Dito nakaikot ang kanyang schedule at buhay.

Ang masaya lang, supportive din sila sa mga gawain niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya’t bilang pagtatapos ng interview, nag-anyaya si Karmina sa kanyang mga tagasubaybay na dumalo sa kauna-unahan niyang Live Podcast Taping ng KC After Hours to celebrate her 30 years sa media.

Gaganapin ito sa May 9, Sabado ng 3:00 P.M., sa Linya Linya HQ sa 5th floor, Magnitude Building, sa may Libis near Eastwood.

karmina constantino 30th media anniversary
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Doon ipapakita ni Karmina na oo mataray siya, maldita, masungit. Pero higit sa lahat, mabait.

Happy 30th media anniversay, Karmina!

Read: FULL TRANSCRIPT: Miss Universe Philippines 2026 winning answer

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
From newsroom grit to personal battles, Karmina Constantino opens up about her aneurysm, past heartbreak, and 30 years of hard-earned success in media.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results