JERRY OLEA
Ipinamimigay ni Vice Ganda paminsan-minsan ang mga premyo sa It’s Showtime.
Nagre-react ba ang management o production staff kapag ginagawa niya iyon?
“Hindi. Kasi most of the time, pera ko rin yon,” sambit ni Vice noong Abril 27, 2026, Lunes, sa Romulo Cafe, Sct. Dr. Lazcano St., Quezon City.
“Parang Everybody Sing, kaya hindi ko yan ginawa agad, kasi nga, maliit lang naman yung TF [talent fee].
“Kasi ano yun, e, pandemic yun, e. So siyempre, pandemic, walang franchise. So give support, para may ganap yung ABS.
“Tapos sabi ko, yung TF ko, mas malaki pa yung nabibigay ko sa ano, kaysa dun sa pumapasok. Mas malaki pa yung nilalabas ko.
“Kasi imagine mo, isang daan yung contestants. Kunyari, isandaang nasunugan yung contestants. Tapos mananalo sila ng PHP10,000. O PHP5,000, o minsan less.
“Parang… hindi naman kaya ng puso mo, di ba? ‘Ano ito?! Parang ginamit ko lang sila per episode?! Tapos wala naman silang makukuhang tulong?!’
“Ako mismo yung maglalabas. Kahit sa Showtime din. Parang… nasisita. Nasisita na parang…”
Minsan, andali-dali ng tanong niya, parang ipinamimigay niya talaga yung premyo!
Pagpapatuloy ng Asia’s Unkabogable Superstar: “At saka yung clue, yung super-bigay ako.
“Nakikipag-usap na lang ako sa staff. Nag-a-apologize ako. Hindi ko kaya, e. Hindi ko kaya talaga!
“Parang… hindi ko kaya, tapos pag hindi ko ginawa, baka mawala yung puso ko doon sa laro, doon sa ginagawa.
“Yung parang nagbibigay rin kasi ng kasiyahan sa akin yun, e. For me to be able to do my job effectively, I need to believe in the project.
“Secondly, I need to have fun. I need to really like it. I need to be happy doing it.
"So, pag hindi ako happy, kahit mataas pa yung bayad mo, hindi ko gagawin.
“So, yun din, nakapagbibigay sa akin ng labis na kaligayahan pag masaya yung contestant. Lalo na kung deserved niya ng tulong.”
Read: Vice Ganda almost quit It’s Showtime: “Parang na-overwhelm ako.”

EVERYBODY SING JACKPOT PRIZE
Siyangapala, naiuwi ng Songbayanan mula sa Calumpit, Bulacan, ang PHP1M jackpot prize sa pilot weekend ng bagong season ng Everybody Sing matapos nilang mahulaan ang 10 kanta sa jackpot round ng episode na ipinalabas noong Mayo 3, Linggo.
Sa huling limang segundo, nahulaan ng kalahok na si Leslie ang huling kantang “Pangarap Lang” ni Yeng Constantino.

Ayon kay Vice, malaking tulong ang nasabing premyo sa grupo, lalo na at patuloy nakararanas ang mga ito ng pagbaha sa kanilang komunidad.
Bukod sa jackpot prize, nadagdagan ng PHP60,000 ang kanilang napanalunan matapos silang tulungan ng celebrity guest na si Bela Padilla sa “Singko Blanko” round kung saan nakuha nila ng tama ang tatlong linya sa kantang Pare Ko.
Huwag palampasin ang bagong episodes ng Everybody Sing tuwing Sabado at Linggo, 8:30 P.M., sa ABS-CBN sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Channel, iWant, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment.
Read: Vice Ganda reflects on comedy, politics, and cancel culture
GORGY RULA
Kung wala siya ngayon sa showbiz, nasa anong larangan kaya siya?
“I don’t know,” pakli ni Vice Ganda.
“Alam mo, yun ang isa sa mga na-realize ko, hindi talaga natin alam kung saan tayo mapupunta. Hindi natin alam.
“Meron tayong mga gusto sana, di ba, pero hindi naman lagi nangyayari. Kung saan-saan ka dinadala, e.
“Minsan dina-divert ka. Minsan, dinadaan ka sa iba pero doon ka rin naman pupunta. Minsan totally iibahin ka ng direksyon. So, hindi ko talaga alam.
“Kasi ito, hindi ko naman alam na mapupunta ako ngayon dito, e, di ba? Never kong naisip na… na magiging ganitong artista. Katulad, ganyan, kasama ko kayo.
“Hindi, e! Hindi. Hindi ko siya nakita at all. So, kung hindi ako naging artista, siguro gusto kong magturo. Di ba?
“Gusto kong magturo, siguro gusto kong maging abogado. Pero hindi ko alam kung saan din ako napunta kung hindi nangyari sa akin ito.”
Paano ang politics, hindi pa rin niya nakikitang papasukin niya?
“Hindi, e. Hindi ko alam. Bahala na si Lord! Di ba?” mabilis na tugon ni Vice.
“Pero kung ako ang tatanungin nyo, hindi ko yun bet.”
Bet siya ni Direk Lav Diaz…
“Baka puyat si Direk!”
NOEL FERRER
Kung hindi siya kakandidato, puwede namang mag-advise na lang siya sa pulitiko?
“Actually, I do that,” pagtatapat ni Vice Ganda.
“May mga public official na nakikipag-usap sa akin from time to time. Kahit naman dati, noong panahon ni PNoy.
“Kahit ano siya, e, parang… parang staff niya si Paul Cabral dati. Parang siya [Paul] ang nag-aayos ng gamit niya [PNoy]. Stylist, personal ano niya si Paul Cabral.
“So, lagi niya akong pinapasama kay Paul. Kunyari, may… basta lagi niya akong pinapasama. Tapos tinatanong niya ako lagi. Lagi niya akong tinatanong.”
OK sa kanyang magkaroon ng official appointment sa gobyerno?
“Ayoko ng ganun!” mabilis na sagot ni Vice.
“Ang sarap ng showbiz, no. Ayoko ng mga ganun. Naa-appreciate ko yung ganun.
“Bukod sa kanya, maraming iba. Maraming humihingi ng opinyon.”
At maraming pulitiko ang nagpainterbyu sa kanya…
“Oo.”
Read: Vice Ganda reveals reason for recent break from It's Showtime
