JERRY OLEA
Kailan kaya mag-i-streaming ang high-profile project nina Pogilicious Actor at Renowned Actress?
First time magtambal ng dalawang kilalang artista, kaya super-excited ang kani-kanyang ardent fans.
Last quarter ng 2025 nag-umpisa ang kanilang shoot, at napabalitang Marso 2026 mapapanood ang kanilang project.
Anong petsa na?!
Wala pang linaw kung kailan ang streaming niyon.
KAILANGANG MAG-RESHOOT?
Someone told us na may mga eksenang kailangang i-reshoot, kaya hindi umabot sa target date ang streaming.
May mga eksena raw na nagmumukhang tita ni Pogilicious Actor si Renowned Actress, how true?!
E, sa totoong buhay, mas matanda nang slight si Pogilicious Actor kesa kay Renowned Actress.
Hindi kaya tina-timing-an sa feng shui ang streaming?
Harinawang huwag sakupin ng Ghost Month (Agosto 13-Setyembre 10, 2026) ang pagpapalabas niyon, hane!
Read: Cita Astals regrets telling public about mental health disorder
NOEL FERRER
Balita ko ay hindi pa nakakaalagwa masyado ang shoot ng teleseryeng ito. Pero sana, maganda ang kalabasan.
Kasi, malalaking artista ang tampok, at experimental ang cast.
Hindi naman daw mukhang tita si Renowned Actress. Talagang super fit at payat lang talaga si Pogilicious Actor.
In due time, huhusgahan kung puwedeng mag-work ang ganitong story kahit alam ng mga taong may sari-sariling partner ang dalawang bida sa totoong buhay.
Sana, maiarte talaga nila ito effectively!!!
GORGY RULA
Excited na raw si Pogilicious Actor dahil matagal na siyang hindi napapanood na umaarte, e magaling naman siyang umarte.
Pero hayaan muna natin si Renowned na naglulumablayp muna sa ngayon.
Ang hindi lang natin sure, kung kasing-init pa rin ba ang pagsuporta ng mga fans sa project na ito. Lalo’t bagong tandem ito.
Nilinaw ng aming source na walang love angle ang kuwento ng palabas.
Eepek kaya yun? Well, depende siguro sa kuwento.
Abangan na lang natin.
Read: Inah de Belen, Rosmar Tan clash online over "look-alike" comment
