JERRY OLEA
Iwo-workshop ng Academy Award-winning actress na si Melissa Leo ang 20 Filipino young stars umpisa ngayong Mayo 6, 2026, Miyerkules, sa isang hotel sa Quezon City.
Ito ang ibinalita sa amin ni FDCP Chairman Jose Javier Reyes nang makatsikahan namin kagabi, Mayo 5, matapos ang premiere screening ng Regal movie na Almost Us sa SM Megamall, Mandaluyong City.
Hanggang Mayo 10, Linggo, ang acting workshop kung saan participants ang mga baguhang talent ng ABS-CBN Star Magic, GMA Sparkle, at TV5 Star Worx (dating Media Quest Artist Agency).
“Ang naalala ko lang pangalan, si River Joseph at si Robbie Jaworski. Yung iba kasi, pasensiya na, mga dating PBB na bagong labas,” sabi ni Direk Joey.
“Pinakamarami sa Star Magic…”
MELISSA LEO, OSCAR WINNER
Ang 65-anyos na si Melissa ay itinanghal na best supporting actress sa 83rd Oscars para sa pelikulang The Fighter (2010).
Kinabog niya noon ang co-star sa The Fighter na si Amy Adams, maging sina Helena Bonham Carter (The King’s Speech), Heilee Steinfeld (True Grit), at Jacki Weaver (Animal Kingdom).
Oscar nominee rin si Melissa bilang best actress para sa pelikulang Frozen River (2008).
Read: Vice Ganda admits giving own money as jackpot prize in It's Showtime

GORGY RULA
Ipinakilala ang Block 1 ng Star Worx nitong 5-5 (Mayo 5) sa TV5, sa MVP Media Center sa Mandaluyong City.
Labing-anim ang kasama sa Block 1.
Pito ang boys — sina Adam Buck, Amo Wilding, Chan Martin, Nico Matugas, Patrick Ballesteros, Spencer Capistrano, at Wayne Leonard.
Siyam ang girls — sina Carmela Lorzano, Celyn David, Kaitlyn King, Keisha Serna, Marthena Jickain, Nathalie Apollo, Rahil Gatali, Selina Griffin, at Steph Razon.
Present sa launch ang OG Star Worx, sa pangunguna ng unang talent na pinapirma nila, si Cedrick Juan.
Andoon si Direk Rahyan Carlos, na pasimuno sa acting workshop ng Star Worx gamit ang Chubbuck technique in acting.
Mga OG na Star Worx ang ipinadala sa acting workshop ni Oscar-winner Melissa Leo.
Ang mga ito ay sina Abdul Raman, Gab Yabut, Dom Real, Julia Cinco, Kate Yalung, Lienel Navidad, at Vienne Luna.
Ang mga taga-Sparkle na kasali sa acting workshop ay sina Dom Pangilinan, Patricia Coma, Rein Hilary, Zonia Mejia, at Gelly Bea.
Read: TV5 launches premiere talent arm Star Worx under Mr. M
NOEL FERRER
Parang pagalingan ng mga baguhan pala ang magaganap sa workshop na ito ng Academy Award-winning actress na si Melissa Leo.
Sana, maraming matutunan sina Abdul Raman, Gab Yabut, Dom Real, Julia Cinco, Kate Yalung, Lienel Navidad, Vienne Luna ng Star Worx; sina Dom Pangilinan, Patricia Coma, Rein Hilary, Zonia Mejia at Gelly Bea from Sparkle ;at mga taga-Star Magic sa pangunguna nina River Joseph at Robbie Jaworski.
We shall be following and watching you!
Read: Vico Sotto wins $1M grant at Bloomberg's Mayors Challenge
