JERRY OLEA
Ang ganda!
Napaiyak ako sa kilig kina JM Ibarra at Fyang Smith sa pelikulang Almost Us na napanood ko sa premiere night noong Mayo 5, 2025, Martes, sa SM Megamall, Mandaluyong City.
Tili nang tili ang fans sa maraming eksena nina Janine aka Bulots (karakter ni Fyang) at RR aka Pip (karakter ni JM), lalo na sa CPR scene at sa “happy ending.”
Bulots si Janine dahil “lots of beauty” raw?
Pip as in napagkamalang pipi si RR, hindi pipitsugin, huh?!
At dalawang eksena pala na hinampas ni Bulots ang crotch ni Pip?!
At hirit pa ni Bulots, nakita na niya ang private part ng BFF niyang si Pip kaya wala na itong maitatago sa kanya.
Ang husay ng pagkakalatag ni Direk Dan Villegas sa love story nina Pip at Bulots! Tama ang timpla.
Hindi nakakainsulto sa mga intelehenteng manonood.
Special participation dito si Dustin Yu bilang Kenzo, pero ramdam ang presence niya hanggang sa sukdulan ng kuwento.
Sakto ang “pagkaasungot” ni Sue (Yukii Takahashii) na trigger kay Bulots. Every inch an a-SUE-ngot!
May pakilig din ang dynamics ng classmate-friend ni Bulots na si Jess (Sam Samarita) at ng katropa ni Pip na si Otep (JM Salvador).
Palabas ang Almost Us sa 165 cinemas nationwide kahapon, Mayo 6.
Highly recommended ko ito sa Pinoy moviegoers.
Read: Blake Lively, Justin Baldoni settle It Ends With Us legal battle before trial

NOW SHOWING IN CINEMAS
Ayon sa Facebook post ng Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP), kasabay nito ang showing today ng foreign movies na Hokum, The Sheep Detectives, Mortal Kombat II, The King’s Warden, Billie Eilish: Hit Me Hard and Soft - The Tour Live in 3D, Speak No Evil, at David.
Ni-reissue rin kahapon ng Viva ang Pinoy adaptation ng Miss Granny (2018) na tinampukan nina Sarah Geronimo, James Reid, Xian Lim, at Nova Villa, sa direksyon ni Joyce Bernal.

Teka! Ano na ang nangyari sa horror movie na Rosario starring Aubrey Caraan, Jairus Aquino, and Lance Carr; ganoon din sa Neophyte ‘26 ni Derrick Monasterio?
Ang tagline ng Rosario: “Putulin ang sumpa this April 22 exclusively in cinemas.”
Parehong Abril 22 ang playdate ng Rosario at Neophyte ‘26, kasabay ang 3 Words.
Ayon sa CEAP, yung 3 Words lang ang Pinoy movie na nag-showing noong Abril 22.
DEVIL WEARS PRADA 2 BOX-OFFICE PERFORMANCE
Noong Abril 29 playdate ay ang FranSeth movie lang na She Who Must Not Be Named ang Pinoy movie na nakipagbanggaan sa The Devil Wears Prada 2 nina Meryl Streep, Anne Hathaway, Emily Blunt, at Stanley Tucci.
Pahayag ng source ng PEP Troika, naka-P107M ang The Devil Wears Prada 2 sa first five days nito sa Pilipinas.
Nanguna rin sa takilya ng North America last weekend, May 1-3, itong The Devil Wears Prada 2 with the domestic gross na $76.7M.
According sa Box Office Mojo, ang worldwide gross nito ay pumalo agad sa $239M, at pampito na ito agad sa pinakamalalakas na pelikula, so far, ngayong 2026.

Tingnan natin kung raratsada pa rin ang The Devil Wears Prada 2 on its second weekend, at kung makakaapekto ito sa Almost Us.
Pero ayun na nga, ayon sa CEAP, waley pa rin ang Rosario at Neophye ‘26 sa lineup ng movies na nag-open sa local cinemas today.
Read: REVIEW: The Devil Wears Prada 2 has more heart
GORGY RULA
Maganda ang feedback sa Almost Us.
Muling bumalik ang pagpapakilig ni Direk Dan Villegas na ginawa niya dati sa English Only Please, Walang Forever, All of You, at marami pa.
Pero malaking bagay ang galing ng mga artista, at na-achieve ito nina JM Ibarra at Fyang Smith.
JOEY REYES ON JM AND FYANG
Nakatsikahan namin ang FDCP Chairman na si Direk Joey Reyes pagkatapos ng screening sa premiere night nito, at bumilib siya sa dalawang bida.
Noong napanood daw niya si JM sa Cinemalaya 2025 topgrosser na Child No. 82 (Anak ni Boy Kana) ay nagalingan na siya sa naturang aktor.
Aniya: “I’m a big fan of JM ever since. When he did the workshop with Meisner under FDCP about a year ago, siya yung isa sa pinakamagaling doon sa workshop.
“Tapos nung napanood ko siya sa Child No. 82, I realized that he’s a major star. He can be a major star, moreso a really good actor.”
Pagdating kay Fyang, ang sabi ni Direk Joey, “Ngayon ko lang nakita si Fyang na acting like this, OK. Ahhh at ang sabi ko, ‘She reminds me of a very young Maricel Soriano.’
“Yung same feisty na… parang the young Maricel Soriano.”
Ang sabi nga ni Direk Joey, hindi nakitaan ng pag-iinarte ng dalawa, kundi magaling talaga silang umarte, at napaka-natural.
“The combination of the two, the chemistry is good. I’m so happy for them.
“At sana, ang wish ko sa kanila is, they’re not becoming only stars, they become actors for a long career.
“Not only working always together, but working separately. Para mapatunayan nila yung galing nila individually.
“But I think, they’re the two of the best actors of this batch. At saka ang gusto ko sa kanila, may sincerity yung pag-arte. Hindi sila umaarte, inilalabas nila yung ano.
“Hindi sila nag-iinarte, umaarte sila. Yun ang importante,” saad ni Direk Joey.
Ayon sa aming reliable source, base sa performance ng Almost US sa takilya ngayong araw, posibleng maka-PHP2M ang first-day earnings nito.
Puwede pang humigit kapag may mga block screenings pa ang fans ngayong gabi.
NOEL FERRER
Facebook post ng kaibigan nating Direk Joey Reyes na FDCP Chair patungkol sa Almost Us: “There are two very good reasons to see this movie. These are Fyang and JM.
“Far from perfect, the heart and soul of this film is the endearing chemistry of two of the best young actors we have gracing our big and small screens.
“Together, they light the screen with fondness, fun and innocence. Individually they can... if they set their minds to it ... become important actors in a showbiz that is full of mere celebrities.
“In that final dramatic confrontation, JM and Fyang prove that they are more than just reality show finds — they are acting discoveries.”
Sa susunod na Miyerkules ay showing na sa local cinemas ang Midnight Girls nina Jodi Sta. Maria, Loisa Andalio, Jane Oineza, at Sanya Lopez, kasabay ang reissue ng Bagets (1984) nina William Martinez, JC Bonnin, Herbert Bautista, Raymond Lauchengco, at Aga Muhlach.
Coming soon na rin ang Love, Ngo ni Jerald Napoles, at Project Baby nina Sue Ramirez at Rico Blanco.
Read: Bida sa Arena: Ultimate Celebrity Showdown highlights and sidelights
