JERRY OLEA
CEO na si Jennylyn Mercado ng sarili niyang skinline products, pero hindi siya pinakawalan ng Beautederm CEO na si Ms. Rei Anicoche Tan.
Pumirma muli si Jennylyn ng kontrata sa Beautederm noong Mayo 6, 2026, Miyerkules, sa Solaire North, Quezon City, para mag-endorso ng Reverie air & fabric freshener.
Kuwento ng Asia’s Ultimate Star: “Alam naman natin last year na ano, e, di ba, Cristaux skincare. So, kinabahan ako nung…
“Sabi ko, ‘Patay! Si Ate! Ano kayang sasabihin ni Ate, baka mamaya, pag nagpaalam ako sa kanya… Ate, may business ako na io-open, skincare, baka magkaroon ng conflict.’
“Ang kaba ko talaga! Dyusko, baka hindi ako reply-an, magalit sa akin. Pero grabe ang suporta.
“Kasi talagang, ‘Bebe,’ sabi niya sa akin, ‘Bebe, OK lang yan, susuportahan kita kahit ano pa yan.’
“At ang laki ng pasasalamat ko na si Ate, very understanding. At nandiyan pa rin para suportahan ako. Inilipat lang ako sa Reverie, di ba?
“Sabi niya, ‘Bebe, gusto ko pa rin na nasa Beautederm ka.’ ‘Ako rin naman, Ate. Gusto ko sana, kaya sana huwag kang magalit.’
“Hindi talaga siya nagalit at unexpected na sinuportahan pa rin ako. Talagang sabi niya…”
“Kween supporting kween!” sambot ni Ms. Rei.
Natawa si Jennylyn.
Dagdag ni Ms. Rei, “Saka ano, sabi ko nga sa kanya, ‘Alam mo, siyempre, anong edad na rin natin. Kailangan talaga, magnegosyo na rin. Mag-ipon.’
“Kaya sabi ko, ‘Suportado kita.’ Parang gaya ni Maja [Salvador], di ba? Ang Majeskin natin.
“Ibinigay na rin natin nang buo kay Maja yung Majeskin natin para magkaroon siya ng sariling negosyo, at ngayon naman, ang Bebe Jen ko.
“Sila ang mga kapatid ko na mga anak-anakan ko. Kung saan sila maggu-grow, nandito kami as pamilya.
“So, walang maghihiwalay as long as mahal namin ang isa’t isa. I appreciate that gesture na talagang sinabi ko, ‘Be, renew na tayo.’ Sabi niya, ‘Ate, paano yan?’ Gumanun siya.
“Sabi ko, ‘Walang problema.’ Di ba? Kasi, walang kontra-kontrata na ano. Pamilya tayo. Yung kontrata, ano lang naman yan, e. Papel lang yan!
“I-crumple ko lang yan. Sunugin. Ang importante, yung pagkakaibigan namin. Basta’t happy siya!
“Saka maganda talaga si Jen, bagay na bagay sa kanyang maging CEO.”
Nasa Beautederm din ang husband ni Jennylyn na si Dennis Trillo.
At ninang si Ms. Rei ng four-year-old daughter nina Dennis at Jennylyn na si Dylan Jade.
Read: Karmina Constantino reveals aneurysm ordeal, runaway bride past

JENNYLYN ON HAVING ANOTHER BABY WITH DENNIS
BTW, sa anim na scents ng Reverie air & fabric freshener — Cafe Aroma, First Embrace, Pure Serenity, First Nostalgia, Lily Lush, at Cloud Whisper — alin ang favorite ni Jennylyn pag nagla-loving-loving sila ni Dennis?
Napahalakhak ang multi-awarded actress: “Teka! Romantic na scent natin diyan? Hmmnn puwedeng yung ano, e.
“Ay! Alam mo dapat, Cafe Aroma yan para talagang buhay na buhay kami! Ha! Ha! Ha! Ha! Energized kami, di ba? Ha! Ha! Ha! Ha!”
Susog ni Ms. Rei, “Susundan ba natin si Dylan? Bata ka pa. Bago mag-40.”
Pagmamatuwid ni Jennylyn, “Magpo-40 na nga ako, ano, ate. Di ko pa alam. Pero kung ibibigay, bakit hindi?”
Gusto ba niyang sundan na si Dylan? Pinaplano na ba nila ni Dennis?
“Sa mga nakakaalam nung story ko tungkol sa pagbubuntis, meron pa talaga akong isang boy na buo na, nasa Texas.
“So, kung maisipan ko man, siguro siya na lang. Kasi, sabi niya, ‘Ano ba yan, napag-iwanan na ako?! Nauna pa si Dylan sa akin. Nauna ako sa kanya.’ Ha! Ha! Ha!
“So, yun. Baka… i-consider ko na… Hindi natin masasabi. Well, kung talagang ibibigay, makakapagdesisyon… kung buo na ang desisyon namin, ‘Sige, puwede pa ang isa.’
“Pero sa ngayon, ine-enjoy pa kasi namin si Dylan. Gusto pa namin siyang tutukan. Mas maganda, naka-focus kami sa kanya.
“Kasi yung mga kuya niya, mga binata na. May sariling ano na. Buhay. Ha! Ha! Ha! Hindi naman buhay.
“May mga alam mo yun, medyo ano na sila, bihira na namin silang nakikita. Yan, so sa ngayon, kay Dylan naka-focus.
“Kung ibibigay ni Lord, bakit hindi?”
Ang dalawang kuya ni Dylan ay sina Jazz (17-anyos na anak nina Jennylyn at Patrick Garcia) at Calix (18-anyos na anak nina Dennis at Carlene Aguilar).
Read: Vico Sotto wins $1M grant at Bloomberg's Mayors Challenge
GORGY RULA
Ipagdiriwang ang Mother’s Day sa Mayo 10, 2026, Linggo.
Ano ang wish niyang ma-receive na gift?
“Wala na akong hinihiling pa kundi maging malusog, ahhmm humaba pa ang buhay ko para makasama ko pa ang mga anak ko,” tugon ni Jennylyn Mercado.
“Huwag kaming magkakasakit dahil napakaimportante ng health para magawa ko pa lahat ng mga kailangan kong gawin para sa sarili ko, sa trabaho ko, at sa pamilya ko.”
JENNYLYN'S BIRTHDAY WISH
Pagkatapos ng Q&A ay may surpresa ang Beautederm na birthday cake para kay Jennylyn.
Sa Mayo 15, Biyernes ang kaarawan ng aktres. Sabi ni Jennylyn, “Ate Rei, maraming salamat! Thank you po sa napakagandang surpresa. Nagutom ako bigla! Nakita ko yung cake. “Thank you po sa lahat ng kumanta, naki-celebrate sa birthday ko. Thank you po!
“OK, wish… siyempre, mas mahaba pa sana ang pagsamahan namin ni Ate Rei at ng Beautederm family. Good health para sa iyo at para sa ating lahat.
“Sana mas marami pa tayong matulungang mga tao na nangangailangan. At good health para sa akin, sa pamilya ko.”
NATURAL PREGNANCY OR THROUGH IVF
Nag-follow-up question ako kay Jennylyn kung kailan niya ipagbubuntis ang naka-store nilang embryo sa Texas, U.S.
“Yung naka-store namin na embryo, hindi pa namin alam sa ngayon. Pero sana. Sana. Sana hindi pa ako ganun katanda pagka…” natatawa niyang pahayag.
If ever ba, mas gusto niya na sa natural na pagbubuntis ang kasunod na anak, o mas OK yung embryo na nasa Amerika?
“Galing naman po sa amin yun na binuo lang ng siyensiya. Pero… kahit anong ibigay,” sagot ni Jennylyn.
“Kasi si Dylan naman, isang malaking blessing yun na hindi namin inaasahan. So, kahit ano po.”
Read: Vice Ganda admits giving own money as jackpot prize in It's Showtime
NOEL FERRER
Nakakatuwa na nanay na rin si Jennylyn kay Calix.
Thankful si Carlene sa maayos na trato ni Jennylyn kay Calix. Naging magkaibigan na sina Jennylyn at Carlene.
“May communication kami. Once in a while, nagme-message kami,” sabi ni Jennylyn.
Kumusta yung ganoong blended family?
Si Dennis Trillo, tumatayo ring dad kay Jazz.
“Feeling ko, mas maganda dahil dalawa yung mommy ni Calix, di ba? Ahhmm si Jazz naman, dalawa yung daddy niya,” tugon ni Jennylyn.
“So, nakakatuwa na pareho silang naaalagaan, at tini-treat din ni Dennis si Jazz na talagang sa kanya galing.”
OK naman yung dalawang daddy? Tumawa lang si Jennylyn.
Read: Carlene, thankful sa support nina Dennis at Jennylyn kay Calix
