JERRY OLEA
Sultry. Sensuous. Seductive.
Ganyan ang Asia’s Diamond Soul Siren na si Nina kapag umaawit sa entablado.
Pero kapag offstage na siya, at wala nang manonood sa harap niya — bumabalik siya sa pagiging mahiyain. Hindi siya pakalat-kalat kung saan-saan.
Ang routine niya ay bahay-kotse-venue. Venue-kotse-bahay. Homebody.
“Yes. Up to now po talaga,” mabining pagngiti ni Nina nang makatsikahan ng PEP Troika kamakailan sa 22 Prime Restaurant, Discovery Suites, Ortigas Center, Pasig City.
“Kasi siyempre, yung live scene po kasi, medyo as it is, medyo magulo rin siya. So behind the scene, like after the show, siyempre gusto mong mag-relax and unwind lang with your family.
“Yun lang talaga ang gusto kong ginagawa. Sa bahay lang, wala lang.”
NINA: FROM BEING A HOMEBODY TO SOUL SIREN
Larger than life siya kapag nasa stage. Paano siya nagta-transform?
“Siguro I get the energy from the people, from the audience,” malumanay na tugon ni Nina.
“Kasi pagpasok ko pa lang, yung mga sigawan nila, ‘Ay! Wala na!’ Kahit maysakit ka or whatever, yun nga, you’d like to perform for them talaga.
“Kasi they came there for you. So talagang ibibigay mo yung best mo.”
Naranasan na niya yon, na masama ang kanyang pakiramdam bago siya mag-show.
Pagtatapat ni Nina: “Parang I was close to having a flu, ganyan. So, parang ang lamig ng kamay ko. So, talagang parang feeling ko, nanginginig na ako.
“But after nun, after ng show, nawala siya talaga…
“Feverish na ako. But talagang I had to go on with the show, and after that, parang amazingly, miraculously, nawala talaga.”
Natakot ba siyang baka lumala ang pakiramdam niya kapag nag-show pa rin siya?
Mabilis na sagot ni Nina: “Hindi po. Kasi every time, ganun naman talaga ako, e. Kunyari may sakit ako, I just go on with the show and after that, parang OK na.”
Gaganapin ang sold-out concert niyang NINA XX: The Anniversary Celebration bukas, Mayo 9, 2026, Sabado ng 8:00 P.M. sa Newport Performing Arts Theater sa Pasay City.
Panauhin dito sina Jay Durias, Thor, at Kris Lawrence.
Read: Vice Ganda admits giving own money as jackpot prize in It's Showtime

NOEL FERRER
Paano siya nagsa-shuttle between family life at sa kanyang career ngayon? Paano niya binabalanse?
“Kasi, yung family life ko, yun talaga siya, e. Parang very real, very raw. Magkaiba talaga siya,” saad ni Nina.
“So, parang I love being with my family, and I love being on stage as well. Kasi magkaiba siya, e.
“So ito, parang… ito yung parang the live scene, yung career. Pagdating sa bahay, they don’t treat me naman as Nina the performer.
“They treat me as the mom, wife. So magkaiba. Magkaiba talaga. Kumbaga, I change my roles.
“Hindi yung parang I go home and be Nina as well. No.”
Paano siya nag-a-adjust? Automatic na kapag nasa bahay siya, hindi siya yung singer o performer?
“Automatic siguro. Kasi, pagdating sa bahay, iba ang role ko. Mommy, wife.”
Advantageous siguro sa kanya ang ganoong set-up o sistema. Nagbibigay ng kapanatagan. Kaya mala-vampira siya na youthful-looking pa rin!
Natawa si Nina, “Ha! Ha! Ha! Siguro. Kasi parang nag-iiba yon, oo nga. Feeling ko, parang ganun.”
Bukas na pala ang 20th anniversary concert niya. All the best, Nina!
Ang ganda lang, both Nina and Kyla, may milestone concerts na matagumpay!!!
Sana, magsama ulit sila sa isang concert soon!!!
Read: Johnny Manahan finally reveals reason why he left GMA-7
GORGY RULA
Sampung taon nang kasal si Nina, at pinapahalagahan niya ang privacy ng kanyang pamilya.
“Kasi nga, private po talaga. If it’s private, I don’t wanna make it public. Like minsan lang, kunyari, may mga interviews sa mga talk shows.
“Hindi rin naman mapipigilan na to show their faces,” mahinay na pahayag ni Nina.
Hindi naman niya inililihim sa publiko…
“As much as I want to make it private, I will try to do that.”
Naiiwasan niya ang toxic environment sa showbiz.
“Yes, naihihiwalay ko talaga. Iba ang showbiz,iba ang private. Kasi, private talaga sila.” At masaya siya?
“Yes, masaya talaga.”
Naiintindihan ng kanyang pamilya ang kanyang trabaho. Kahit merong may birthday sa pamilya, nauunawaan ng kanyang pamilya kung wala siya at nasa isang show.
“I will celebrate with them naman eventually. Kumbaga, kahit late iyong pag-celebrate, at least nag-celebrate,” sambit ni Nina.
Hands on si Nina sa kanyang pamilya. Nagluluto siya ng breakfast. Nagbe-bake. At nae-enjoy niya yon.
“That’s what keeps me sane, yung mga ganyang bagay na mga gawaing-bahay. Grounded and sane!” bulalas ni Nina.
“Ako naman, thankful na I get to do what I want to do with people I love… as much time as I want to.
“So for now, I’m just so thankful. Nothing else to ask for, but I’m just very thankful for the present.”
Read: VMX director Sigrid Polon, actor VR Relosa expose scammer asking for nude online auditions
