GORGY RULA
May mga haka-hakang magsasanib-puwersa sa pelikula sina Enteng Kabisote at Petrang Kabayo.
Nang makachikahan ng SPEEd and friends si Vice Ganda noong Abril 27, 2026 sa Romulo Cafe, Sct. Dr. Lazcano St., Quezon City, ayaw niyang itanggi o kumpirmahin na si Bossing Vic Sotto ang pasabog na ka-collab niya para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2026.
Matapos maging best actor sa MMFF 2025 for Call Me Mother, mas may pressure ba sa entry ni Vice sa 52nd MMFF?
Ang sabi ng Asia’s Unkabogable Superstar: “Ahhh parang it’s gonna be easier this year. Hindi ako pressured na gumawa ng drama.
“Hindi ako pressured na maging ano, critically acclaimed yung pelikula.
“Hindi kami pressured na magka-award. Hindi iyon ang goal namin.
“Kasi, yung last two [And The Breadwinner Is…, Call Me Mother] talaga, gusto naming mabigyan ako ng award.
“Gusto kong manalo ako ng award. Gusto nilang magka-award ako. Oo, gusto nila. ‘Kailangan magka-award ka na dito,’ yung ganun.
“Kaya Jun Lana talaga yung binigay nila sa akin [na direktor] kasi feeling nila, si Jun Lana yung makakatulong sa akin.
“So ako din, parang… parang it’s about time. Parang yun naman ang award na gusto kong makuha.
"So I worked hard for it. We all worked hard for it.
“And we were able to achieve the goal. So now, parang, ‘O, na-achieve na natin yon. Balik tayo sa fun-fun lang.’
“And I think it’s what the audience needs right now. Yung something na magpapatawa sa kanila.”
Read: Vice Ganda, may "pasabog na collab" para sa MMFF 2026
JERRY OLEA
Inilunsad ng mag-asawang Dennis Trillo at Jennylyn Mercado ang Brightburn Production noong Hulyo 2024.
Nakipag-joint venture ang Brightburn sa GMA Pictures at GMA Public Affairs para sa MMFF 2024 official entry na Green Bones, kung saan bida sina Ruru Madrid at Dennis.
Sa Beautederm mediacon noong Mayo 6, 2026, Miyerkules, sa Solaire North, Quezon City, inamin ni Jennylyn na merong ikinakasang movie ang Brightburn para sa MMFF 2026.
Bida muli roon si Dennis, at hindi raw kasama si Jennylyn sa cast.
Usap-usapan ding magtatambal muli ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera sa pelikula.
Yung MMFF 2023 entry nilang Rewind ang pinakamalakas ang kinita sa kasaysayan ng Metro Manila Film Festival.
Hopia at asado tayong may mga official entry na primarily pambata, pampamilya o pambarkada.
MMFF 2026 DEADLINES
Ang MMFF 2026 deadlines:
May 15, Friday — deadline for letter of intent via email.
June 15, Monday, 5:00 P.M. — deadline for script submission
September 30, Wednesday, 5:00 P.M. — deadline for finished film submission
Read: Kim Domingo hard-launches boyfriend of three years
NOEL FERRER
Marami tayong nababalitaang prospective entries.
Andiyan ang possible DongYan project na co-prod nila sa Star Cinema (kung hindi ito magno-November playdate).
May Piolo Pascual entry.
May gustong mag-submit ng animation.
We encourage as many genres and as many submissions talaga para may pagpipiliang magagandang pelikula para sa Kapaskuhan.
Yung Juday-Ryan na Asawa, Asiwa, Asalto ay ipapasok lamang kung hindi matutuloy ang Vic-Vice.
Kasi, nag-usap na sina Ryan at Bossing Vic, at meron sa kanilang bigayan.
Sa panahon ngayon, talagang tulungan tayong lahat para mapabalik ang audiences sa mga sinehan.
Kailangang-kailangan yan ng ating industiya!
Read: Ryu Seung-ryong, Yoo Hae-jin win Daesang at 62nd Baeksang Arts Awards
