GORGY RULA
Bahagi ng pagdiriwang ng Mother’s Day sa bukas, Mayo 10, 2026, Linggo, naisipan nina Julia Montes at chemist-philantrophist Pinky Tobiano na mamigay ng parangal sa mga ina mula sa iba’t ibang propesyon.
Sina Julia at Pinky ang nagmamay-ari ng Swiss Proli Natural na nag-sponsor ng awarding ceremony na tinawag nilang "Heroes of Home Award by Swiss Proli."
Ginanap ng awarding sa Avenue Bar ng Manila House Private Club sa BGC, Taguig, noong Huwebes, Mayo 6.
Labing-anim na mga nanay mula sa entertainment, medicine, politics, business at plain housewife ang pinarangalan nila.
Hindi nakadalo si Julia Montes dahil nasa taping daw siya ng Sigabo nila ni Coco Martin.
Masayang ikinuwento ni Pinky sa PEP Troika na kasama rin daw siya sa Sigabo, at type daw niya ang role niya sa teleseryeng ito.
THE AWARDEES
Kasama ni Pinky ang dalawang anak niyang sina Pianne at Karel na nangasiwa ng pamamahagi ng parangal.
Ang nasa entertainment na pinarangalan nila ay sina Janice de Belen, Via Antonio, Angeline Quinto, Moi Bien, at Teacher Georcel Dapat-Sy ng G Force.
Ang iba pang binigyan ng parangal ay ang entrepreneur at lifestyle personality na si Cat Arambulo, Dr. Janice Cheu, Nurse Grace Lagdaan, Noreen Geronimo, Dina Tantoco, Michelle Takijima, Patch Savellano Singson, ang maybahay ni Cong. L-Ray Villafuerte na si Lara Villafuerte, Charisse Tinio ng Nice Print, fashion advocate na si Genevive Yalung, at Ruth Nieto.

Sabi ni Pinky, naisipan nila ni Julia na dapat talagang bigyan ng pagpapahalaga ang mga ina.
“Gusto ko talagang bigyang pugay ang mga nanay sa kanilang mga sakripisyo. Kasi, iba talaga ang maging isang nanay, e.
“Ako single mom, at talagang itinawid ko ang mga anak ko,” bulalas ni Pinky.
Touching ang mga mensahe nila, at ang iba ay naging emotional nang ipinakita ang video message ng kanilang mga anak.
Read: Dani Barretto confronts stepdad Dennis Padilla: “Weren't you the abusive one?”
NOEL FERRER
Binanggit ni Janice de Belen sa kanyang acceptance speech na hindi na niya nakakasama ang kanyang mga anak, dahil bumukod na ang mga ito at may kanya-kanya na raw silang buhay.
Tinanong siya ng PEP Troika pagkatapos niyang tanggapin ang award kung kumusta ngayong empty nester na siya.
Dalawang taon na palang nakahiwalay ang kanyang mga anak. Pero nasa kanya pa rin daw ang bunso niya.
Abala rin kasi sa trabaho, at ganun din siya. Kaya hindi sila nagkakatagpu-tagpo.
“Hindi ko na lang nakikita palagi kasi nagtatrabaho,” bulalas ng aktres.
Hindi naman daw siya gaanong nakaramdaman ng pagkalungkot ngayong mag-isa na siya.
“Siguro kasi, may warning ako,” pakli ni Janice.
“Nagpasabi naman sa akin na, ‘Ma, in one year baka mag-ano na kami.’ So, ready naman ako.
“Iniisip ko na rin at some point, mangyayari yun. Whether I like it or not, mangyayari siya.”
Hindi biro ang mga pinagdaanan ni Janice nung itinaguyod niya ang kanyang mga anak. Pero hindi raw niya iniisip yun.
“Pero kasi habang pinagdadaanan mo, hindi mo kasi naiisip na, ‘Uy, grabe pinagdadaanan ko ito.’ Hindi mo naiisip yun e.
“Naiisip mo na lang, bakit sinasabi sa iyo? “Kunwari, sinasabi sa akin, ‘Grabe naman, ang galing naman, pinagdaanan mo.’
“Ah, oo ! Kasi habang pinagdadaanan mo, ginagawa mo kung ano yung kailangan. Hindi mo naiisip yun,” saad ng aktres.
Read: Bea-Vincent wedding faces delays amid prenup, family issues
JERRY OLEA
Talagang hindi nagkomento si Janice nang hiningan namin siya ng isyu ng anak niyang si Inah de Belen kay Rosmar.
“Hindi! No comment,” nakangiting sagot in Janice.
“Hindi na kailangang palakihin.”
Kumusta sina Kaila Estrada at Daniel Padilla?
“No comment,” uli ang sagot niya.
“Ako talaga? Hindi ka pa sanay.”
Read: Inah de Belen, Rosmar Tan clash online over "look-alike" comment
Kung ano man ang mga isyung haharapin ng mga anak niyang nasa showbiz ay alam niyang kaya na nilang harapin
Sabi pa ni Janice: “Alam na nila yan. Kasi lumaki na sila sa akin.
"Nakikita naman nila na halos lahat ng facets ng buhay bilang artista, kahit minsan hindi ko gusto sana. Pero nare-reveal, di ba?
“So, aware naman sila diyan. Basta handa sila, kaya nilang panindigan, alam na nila ang ginagawa nila. Matatanda na sila.”
Sa totoo lang, mas gusto na raw niyang magpaka-lola kesa magpaka-nanay.
“Mas lola. Parang dun na muna ako sa mga apo, para iba naman,” pakli ni Janice, na apat na ang mga apo sa panganay niyang si Luigi.
Read: Janice de Belen does not meddle in love life of children
