PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Whispers From Heaven prod team clarifies Bea Alonzo’s taping sked

Will Vincent fight for his love for Bea amid the challenges they are facing?
by PEP Troika
Published 1 Hour ago
bea alonzo taping
The production team of Whispers From Heaven clarifies that Bea Alonzo informed ahead of time about dates she would miss for an out-of-country trip, amid ongoing speculation surrounding her planned wedding with Vincent Co.
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA

Nag-react ang kampo ni Bea Alonzo sa inilabas ng PEP Troika tungkol sa stop taping ng upcoming drama series niya sa GMA-7, ang Whispers From Heaven.

In-assume ng ilang nakausap namin baka itong recent na nangyari sa balak na pagpapakasal nina Bea at Vincent Co ang dahilan.

Mainit na pinag-usapan ito, at ilan sa mga napagtanungan namin ay may ambag base sa mga narinig nila.

Ipinarating ng ilang sources namin sa PEP Troika na nag-stop taping ,at sinabi ngang baka itong pinagdadaanan ngayon nina Bea at Vincent ang dahilan.

Wala kasi kaming nakausap sa mga taga-produksiyon ng Whispers From Heaven, kaya hindi ito agad nalinaw sa amin.

Dahil sa naiinis ang kampo ni Bea sa isinulat namin sa PEP Troika, nilinaw na namin ito mismo sa ilang taong involved sa produksiyon.

BEA ALONZO GAVE ADVANCED NOTICE

Nakausap ko ang mismong in-charge sa production, at kinlaro niya sa amin na tuloy pa rin ang taping ng Whispers From Heaven.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-taping pa raw sila ngayong linggo, pero hindi nga lang kasali si Bea.

Dagdag niyang paglilinaw sa amin, nang inilatag daw ang schedule ng taping ni Bea sa Whispers From Heaven, nagpasabi na raw ang handler ng Kapuso actress na hindi siya makakapag-taping ng mga ganitong araw.

Ang sabi raw, nasa out of the country siya, kaya may mga araw na hindi siya makakapag-taping.

Hindi naman daw nila inalam kung anong gagawin ni Bea sa out of the country. Maaring ito na ang pinag-uusapang kasal sa Spain.

Hindi isyu kung nagte-taping ba si Bea sa Whispers From Heaven o hindi. Wala naman daw problema si Bea sa production ng drama series na ito.

Ang isyu raw talaga rito ay kung tuloy ba ang kasal o hindi.

Ang dami nang mga kuwentong naglalabasan, at wala pang pahayag si Bea o kahit ang kampo ng engaged couple.

Read: Bea Alonzo-Vincent Co wedding faces delays amid prenup, family issues

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

JERRY OLEA

Curious kami kung ano raw itong ipinadagdag sa prenup agreement kaya hindi ito pinirmahan ni Bea.

Nakakapanghinayang daw ang relasyon ng dalawa, dahil nakikita ng mga taong malapit sa kanila na masaya sila at mahal nila ang isa’t isa.

Dahil sa problemang ito, sobrang lungkot daw ng dalawa dahil gusto naman sana nilang maganda at positibo ang pagsisimula ng kanilang buhay bilang mag-asawa.

Ipaglalaban kaya ni Vincent ang pagmamahal niya kay Bea sa gitna ng mga balakid na hinaharap nila?

NOEL FERRER

Marami nang naglabasang balita at mga opinyon sa naging desisyon ng Classmate Bea ko.

Ang concern ko lang talaga ay sana, at peace siya sa kanyang desisyon dahil ang look out ng mga kaibigan niya ay talima siya sa kanyang pinili sa buhay.

At kung saan siya maligaya, suportado namin siya!!!

Go, go, Classmate Bea!!!

Read: WHAT PEP KNOWS. Bea Alonzo-Vincent Co Wedding: Is it on or is it off?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The production team of Whispers From Heaven clarifies that Bea Alonzo informed ahead of time about dates she would miss for an out-of-country trip, amid ongoing speculation surrounding her planned wedding with Vincent Co.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results