PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angeline and Erik react to primetime move of ASAP, ABS-CBN issue

ASAP Natin 'To stars excited over move to primetime as show becomes ASAP XP.
by PEP Troika
Published 10 hours ago
angeline erik asap xp
Angeline Quinto and Erik Santos share their excitement over the new primetime timeslot of ASAP Natin 'To, which officially rebrands as ASAP XP beginning May 17.
PHOTO/S: Facebook

GORGY RULA

Simula Mayo 17, Linggo ay 5:30 P.M., na mapapanood ang ASAP Natin ‘To na naging ASAP XP na.

Hiningan namin ng reakisyon ang regular performers sa ASAP na sina Angeline Quinto at Erik Santos na nakapanayam namin sa event ng Swiss Proli na Heroes of Home.

Isa si Angeline sa pinarangalan nina Pinky Tobiano, kasama ang mga anak niyang sina Pianne at Karell, na Heroes of Home para sa Mother’s Day celebration.

Sabi ni Angeline, hindi na sila nagtanong kung bakit nabago ang timeslot ng kanilang programa.

Aniya: “Actually, nung nalaman namin yun, lahat naman na-excite.

“Wala naman pong masyadong naging question.

"And siguro sa trabaho po namin, talagang maraming pagbabago.

"And lahat naman po kami, happy na naging primetime naman po ang oras ng ASAP.”

Read: WHAT PEP KNOWS. Bea Alonzo-Vincent Co Wedding: Is it on or is it off?

FROM NOONTIME TO PRIMETIME

Nandoon din sa event si Erik Santos na nagbigay ng song number sa mga nanay na awardees, kaya tinanong din namin siya tungkol dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Noontime talaga siya for 31 years,” bulalas ni Erik.

“So I think, this is new to us, and mas na-excite kami. Kasi parang… siyempre mas parang mas na-excite kami dun sa mga production numbers pa gagawin namin, since primetime na nga siya.

“Para kaming may bagong tahanan, parang ganun. So, yun po yung feeling.”

Aware sila sa mga pagbabago sa ASAP XP, at isa rito ay hindi na sila sa studio kundi sa iba’t ibang lugar sila magtatanghal.

Ang ibig daw sabihin ng XP sa titulo ng kanilang programa ay "Experience."

Sabi pa ni Erik: “Nung una, yun nga po, medyo na-surprise po kami.

"Pero ang ganda, kasi po after 31 years, parang lahat naibigay na ng ASAP, e. Parang sobrang laki na ng naiambag ng ASAP sa industriya.

“So, this time, parang… since bago na yung oras niya, bago na yung timeslot namin, parang nagkaroon kami ng panibagong excitement, parang ganun.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Kasi parang mas nagkaroon kami ng… yung kumbaga, yung mga creative juices namin, ang artists and production parang pinagsama-sama, kasi na-excite po talaga kami.”

Read: TV Updates: Sang'gre finale week, ASAP XP new timeslot

JERRY OLEA

Alam nina Angeline Quinto at Erik Santos ang pinagdadaanan ngayon ng ABS-CBN, at nalulungkot daw sila.

Kaya nandiyan daw sila para sumuporta at kasama sa ipinaglalaban ng kanilang home network.

Ani Angeline: “Sa totoo lang, kahit medyo maraming nangyayari ngayon sa network namin, ang maganda po dun, lahat ng mga bosses namin talagang hindi kami pinababayaan. Lahat po pinapaalam sa amin.

"And lahat naman kami, talagang bilang isang pamilya, e. So, lahat kami alam namin na safe.”

Nalulungkot daw sina Erik sa nangyari. Kaya nandiyan lang daw sila para umalalay sa ABS-CBN.

“Actually, bilang Kapamilya po at bilang nag-stay talaga, nalulungkot po sa mga nangyayari.

“Pero ako, personally, sobra po akong nagpapasalamat sa mga boss namin na talagang kahit napakalaki nung challenge na kinakaharap ng kumpanya, since nung pandemic at nawalan po ng franchise, parang hindi siya nawawala, parang hindi humihinto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero they keep fighting for everyone expecially dun sa mga empleyado na natitira sa ABS.

“So, alam mo talaga na at the end of the day, it’s really for the service of the Filipino people, na dito talaga namin napatunayan sa pagsubok na ito kung gaano kami katatag bilang Kapamilya, bilang magkakapamilya.

"At talagang minahal namin ang isa’t isa, mas minahal namin yung kumpanya, mas minahal namin yung ABS-CBN.”

Malaki raw ang utang na loob nila sa ABS-CBN, kaya kasama raw sila sa ipinaglalaban ng network.

Saad ni Erik: “So, fight lang. Since yung mga boss namin, hindi naggi-give up, bakit kami maggi-give up, di ba?

“Kasama po ako, kasi sobrang laki po ng gratitude ko, ng utang na loob ko sa ABS-CBN.”

Read: ABS-CBN addresses Piki Lopez's SEC complaint vs network

NOEL FERRER

Bilang isa sa mga nasa OG na ASAP prod, nagulat ako noong una nang ilipat sa (halos) primetime na ang slot nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero naiintindihan ko naman… malaki ang cost para i-mount ang ganitong show.

At kung tutuusin, premium namang concert experience ang napapanood sa ASAP noon pa, at ibang-iba na ito sa nakasanayang smorgasbord na noontime shows.

With this, na balita ko’y paiba-iba na ang venue ng concerts at may on ground revenue na, may TV airing pa ito kung sakali...

Tiyak na mas mataas ang ad rate kapag primetime na.

Sana, makasunod ang audience sa pagbabagong ito sa mahal nating ASAP.

Sana, mag-work ang bago nitong concert look sa ibang timeslot.

All the best, ASAP!!!

Read: Manilyn Reynes recalls heartbreak after Janno Gibbs reunited with Bing Loyzaga

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angeline Quinto and Erik Santos share their excitement over the new primetime timeslot of ASAP Natin 'To, which officially rebrands as ASAP XP beginning May 17.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results