GORGY RULA:
Sampung beauty queens ang ipinakilala ng ALV Talent Circuit at Viva Artists Agency sa entertainment media noong Huwebes, May 7, 2026, sa Viva Café, Cubao, Quezon City.
Ito ang unang partnership ng dalawang talent agency kung saan bibigyan nila ng pagkakataong ma-penetrate ang showbiz ng beauty queens na produkto ng iba’t ibang competition.
Kinabibilangan ito nina Zia Ainhize Arboleda, Nikkie Buenafe, Meredith Bobadilla, Beatriz Angela Ocampo, at Tracy Maureen Perez.
Kasama rin sina MJ Suarez, Carla Jane Torcido, Erika Marie Davis, Keylyn Pan Trajano, Alyssa Geronimo, at Margarette Briton.
Sa kanilang sampu, si Keylyn Pan Trajano ang nag-iisang transwoman. Nakatakda siyang umalis sa Mayo 16 patungong Thailand para lumaban sa Miss Grand International All Star.
VIC DEL ROSARIO ON CURRENT TRENDS IN SHOWBIZ
Maraming may potential at puwedeng pasikatin ng Viva at ALV, pero sa panahon ngayon ng social media, malaking challenge ba ito sa mga producers kagaya ni Boss Vic del Rosario?
Ani Boss Vic, “Iba lang ang sistema, pero I think sa popularity at sa kitaan, mas malaki ngayon.”
Umaayon si Boss Vic sa sinasabi ng iba na sa panahon ng social media, maiksi lang ang popularidad ng mga talents na pinapasikat. Kaya dapat daw na may talent para mas tumagal.
“Ang kaibahan ngayon, mabilis magbago. Yung loyalty ng mga dating artista, umaabot ng 30 years. Ngayon, minsan dalawang taon, tatlong taon. “
Yung mga kabataan, mabilis magsawa. Nasa talent na yun para magtagal sila,” saad ni Boss Vic.
Mahalaga pa rin daw ang talento, hindi iyung basta nag-trending o popular ka sa social media.
“Iyun ang importante ngayon, how to sustain sa career na abutin ka ng 10, 20, even 30 years,” sey ni Boss Vic.

Read: Love, Mom: Belle and Andrea Brillantes
JERRY OLEA:
Marami pa rin sa mga kabataan ngayon na kahit nakapagtapos ng pag-aaral, gusto pa rin nila mag-artista.
Ano ang maipapayo niya sa mga kabataang ito na pangarap talaga nilang mag-showbiz?
“Kung iyun ang hilig nila, dapat i-pursue nila. Kasi, kung saan ka masaya doon ka magiging successful, di ba?” tugon ni Boss Vic.

VMX CLUB
Padami nang padami na ang mga talents ng Viva, at ngayon ay nadagdagan pa ng mga talents ng ALV. May mga nakaplano si Boss Vic sa kanila.
Kagaya ng mga VMX stars, meron pala siyang ipinapatayo na club na puwedeng mag-perform doon ang mga VMX stars.
Sabi ni Boss Vic, “Puwede na natin i-announce na we will be opening VMX Club.
“It’s a 1200 square meters club. Remember the Girard Peters show before? Magkakaroon tayo ng ganun.
"We will open in August with [our] partner Megaworld.”
Sa “Featured Artists” ng VMX platform, nakahanay sina Aliya Raymundo, Margaret Diaz, Astrid Lee, Jenn Rosa, Ashley Lopez, Karen Lopez, Cheena Dizon, at Angeli Khang.
Naroon din sina Christine Bermas, Robb Guinto, AJ Raval, Micaella Raz, Azi Acosta, Angela Morena, Christy Imperial, Skye Gonzaga, Yen Durano, Apple Dy, Aiko Garcia, Rica Gonzales, Cess Garcia, at Sahara Bernales.
Patuloy ang pagratsada ng mga mapangahas na palabas sa VMX.
Kasado na ang streaming ng Hayok sa Mayo 15, Pinay Kamasutra hosted by Ataska sa Mayo 19, Monay sa Mayo 22, Palitan 2 sa Mayo 29, at Christine Bermas: All The Way sa Hunyo 2.
Read: Jennylyn Mercado has good ties with Carlene Aguilar
NOEL FERRER:
Doon pa rin sa Viva Café ay kinumusta ng PEP Troika kay Boss Vic del Rosario si Sarah Geronimo pagkatapos pinakansela ang partisipasyon nito sa Aurora Music Festival.
“Panay pa rin ang trabaho. Ano lang, nagkaroon lang ng konting sakit. Tuloy yung ibang shows niya. Magaling na,” pakli ni Boss Vic.
Duda ng iba, baka nagdadalantao si Sarah.
“Iyun ang hindi ko alam,” bulalas niya.
Excited na rin ba siyang magkaapo kay Sarah? “Dapat!” kaagad na sagot ng CEO ng Viva Entertainment.
