GORGY RULA
Mukhang inabangan ang finale ng Encantacia Chronicles: Sang’gre na nagtapos noong Biyernes, May 8, 2026.
Naka-11.5% ang rating nito.
Ang katapat nitong Blood vs. Duty ay 3.6%, at ang A Secret in Prague ay 0.8%.

Bago ito, ang 24 Oras ay 10.3%, ang TV Patrol ay 2.8%, at ang Frontline Pilipinas ay 1.1%.
Okay rin ang rating ng sumunod sa Sang'gre na Never Say Die, na naka-7.6%.
Ang The Alibi ay 2.7%, at ang My Bespren Emman ay 0.7%.
Ang The Secrets of Hotel 88, na malapit na ring matapos, ay 3.9%; at ang Queen Mantis ay 1.3%.
Sumunod ang Saksi na 1.8%.
MAY 8 AFTERNOON RATINGS
Mataas din ang panghapong programa ng GMA-7.
Ilang buwan ding nagpa-5%-plus lang ang It’s Showtime. Pero noong Biyernes ay naka-6.1% ito; habang ang Eat Bulaga! ay 2.8%.
Bongga rin ang Born To Shine na naka-6.3%, at ang Can’t Buy Me Love na replay ay 0.4%.
Ang House of Lies ay 6%, at ang High Street ay 0.3%.
Sumunod ang Apoy sa Dugo na 5%, at ang Kapamilya Gold Hits ay 0.3%.
Ang Fast Talk With Boy Abunda naman ay 3.7%, at ang The Sweetest Taboo ay 2.4%. Ang TV Patrol Express ay 0.7%.
Ang Family Feud ay 5.2%; ang Junior Mnute To Win It ay 0.9%, at ang Una Sa Lahat ay 0.6%.
Read: Love Is Never Gone tops Prime, The Master Cutter claims No. 1 on Netflix
JERRY OLEA
Mas mataas ang panghapon noong Huwebes, Mayo 7.
Mukhang bumabalik na ang viewers sa ganitong timeslot.
Ang bongga ng It’s Showtime na naka-6.8%, at ang Eat Bulaga! naman ay 3%.
Ang sumunod na Born to Shine ay 7.1%, at ang Can’t Buy Me Love ay 0.5%. Ang Frontline Express ay 1.7%.
Ang House of Lies naman ay 6.5%, at ang High Street ay 0.3%.
Ang Apoy sa Dugo ay 5.4%, at ang Kapamilya Gold Hits ay 0.3%.
Ang Fast Talk With Boy Abunda ay 4.1%, at ang sumunod na The Sweetest Taboo ay 2.5%.
Ang TV Patrol Express ay 0.7%, at ang Una Sa Lahat ay 1%.
Ang Family Feud ay 5.8%, at ang Junior Minute To Win It ay 0.9%.
MAY 7 PRIMETIME RATINGS
Pagdating sa primetime, naka-11.1% ang 24 Oras. Ang TV Patrol ay 2.7%, at ang Frontline Pilipinas ay 1.9%.
Ang Sang’gre ay 11.3%, ang Blood vs. Duty ay 3.6%, at ang A Secret in Prague ay 0.9%.
Sumunod ang Never Say Die na 7.2%, ang The Alibi ay 3.1 %, at ang My Bespren Emman ay 0.8%.
Mataas din ang The Secrets of Hotel 88 na 4.1%, at ang Queen Mantis ay 1.5%.
Ang Saksi ay 1.9%.
THE END OF ENCANTADIA 2025
Facebook post ng Kapuso headwriter/creative consultant na si Suzette Doctolero: “Tapos na ang Encantadia 2025.
“Tatlong dekada ng Encantadia (nagkakataon, every ten years ay napiproduce ang bawat saga).
“Salamat sa lahat ng Encantadiks mula pa 2005, 2016 at 2025-26!
Salamat sa bawat papuri, critique, bashing na may pagmamahal at hindi, sa bawat palakpak, sa bawat reviews (maganda man o hindi).
“Kayo ang produkto ng tatlong dekada, kayo ang mga napalaki ng Encantadia kaya intindi ko ang inyong passion for the show. Pinagmamalaki ko kayong lahat!
“Salamat sa lahat ng bumuo ng show mula 2005! At hanggang ngayong 2025-26! Napakarami mang challenges pero feeling ko, napanalunan nating lahat!
“Hanggang sa muli.”
Read: Bea Alonzo-Vincent Co Wedding: Is it on or is it off?
NOEL FERRER
Noong Sabado, May 9, ay okay pa rin ang rating ng It’s Showtime na 6.1%, at ang Eat Bulaga! ay 2.6%.
Ang Born To Shine ay 6.5%, ang Frontline Express ay 1.4%, at ang Can’t Buy Me Love ay 0.6%.
Sumunod ang Tadhana na 5.9%, at ang Cine Hit ay 0.7%.
Ang Wish Ko Lang! ay 4.5%.
Ang Farm To Table ay 3.3%, at ang SOCO ay 0.6%.
Sa primetime naman ay naka- 6.8% ang Magpakailanman, at ang Everybody Sing ay 2.7%.
Ang Heart World ay 3.4%, at ang sumunod na I-Witness ay 1.7%.
MAY 10 RATINGS
Mababa ang viewership noong Linggo, Mayo 10. Maaring nasa labas ang karamihan para i-celebrate ang Mother’s Day.
Ang All-Out Sunday ay 2.8% lamang, at ang ASAP Natin ‘To ay 1.2%.
Iyon ang huling tanghali ng ASAP. 5:30 P.M. na ang timeslot nito sa darating na Linggo, Mayo 17, at ASAP XP na ito.
Ang Regal Studio Presents ay 2.4%, ang Cine Astig ay 0.6%, at ang Sunday Blockbuster ay 0.8%.
Ang Resibo naman ay 2.3%.
Ang FPJ sa GMA ay 2.9% at ang My Puhunan ay 0.5%.
Ang Kuan on One ay 0.3%, at ang Kuwentong Marc Logan ay 0.3%.
Sa primetime naman, naka-3.9% ang 24 Oras Weekend, ang Frontline Weekend ay 0.5%, at ang TV Patrol Weekend ay 0.8%. Ang Tulfo in Action ay 0.7%.
Ang Bubble Gang ay 4%, at ang Rated Korina ay 1.8%.
Ang Stars On The Floor ay 5.7%, ang PBA Recap ay 2.4%.
Ang Deal or No Deal ay 2.8%, at ang PBA Game 2 ay 2.9%.
Sumunod ang Kapuso Mo, Jessica Soho na 11.3%.
Ang Everybody Sing ay 2%, ang Tik Talks ay 0.3%, at ang Maalaala Mo Kaya ay 0.9%.
Ang The Boobay and Tekla Show ay 2.8%.
