JERRY OLEA
‘Kakaaliw si KaladKaren bilang host sa grand mediacon ng White Party Manila: Reignite noong Mayo 9, 2026, Sabado, sa Bigger Pictures Studio, Reliance St. cor. Sheridan St., Mandaluyong City.
Sa programa, ang unang pakilala ni KaladKaren sa sarili ay siya si "Bea Millan-Windorski, Miss Universe Philippines 2026."
Magkamukha naman daw sila. Agree ba kayo?
Kabilang siya sa Ambassadors ng White Party Manila: Reignite na gaganapin sa Hunyo 27, 2026, Sabado ng gabi, sa World Trade Center, Sen. Gil Puyat Avenue, Pasay City.
Ang description niya sa sarili nang i-enumerate ang WMP Ambassadors: “Next we have the most beautiful KaladKaren…”
Aba! Best supporting actress siya sa first and only Summer Metro Manila Film Festival noong Abril 2023 para sa pelikulang Here Comes The Groom.
Opo! Siya ang una at tanging transgender woman na best supporting actress sa kasaysayan ng MMFF!
PARTY WITH A PURPOSE
Nakatsikahan namin si KaladKaren bago umpisahan ang mediacon ng MWP 2026, na hatid ng Mentorque Productions at Love Yourself.
“Nakakatuwa kasi hindi lang siya basta lasingan, baklaan. It’s a party with a purpose!” bulalas ni KaladKaren.
“Ganun na dapat ngayon, e. Dapat laging may kaakibat na advocacy.”
Bahagi ng proceeds ng White Party Manila 2026 ay susuporta sa HIV Awareness programs, testing, and care.
Komento ni KaladKaren: “Sabi nga nila, di ba, maraming nagpapa-test kaya maraming nagpa-positive. Hindi ba mas magandang malaman nila so they can start the treatment early [kung positive sila]?
“And para malaman din natin iyung number of cases. Maging aware yung mga tao na, ‘Ay! Medyo tumataas. Kailangan nating paigtingin iyong laban natin against HIV!’”
Hindi naman niya kailangang magpa-HIV test dahil may dyowa na siya at hindi na siya mapaglaro?
“Oo, pero nagpapa-test pa rin ako for safety,” pagsisiwalat ni KaladKaren.
“Kasi siyempre, parang ang sinasabi nila, every six months, magandang magpa-test.
“So ako, pag may time akong magpa-test, nagpapa-test talaga ako. Kahit may partner ako.
“Pero hindi naman ako nakikipag-chorvahan sa iba! Graduate na ako diyan!”
Read: Pro-Duterte senators oust Tito Sotto from Senate seat; rato Returns for surprise coup
NOEL FERRER
Known as the ultimate symbol of freedom, unity, and love, White Party Manila: Reignite brings brings in a powerful new era for the LGBTQIA+ community and its allies.
Ang 2026 edition ng MWP ay bigger, bolder and brighter.
Magpe-perform dito sina Gloc-9, Maki, Marina Summers, at Ben & Ben.
Aside from KaladKaren, ang iba pang ambassadors ng WPM 2026 ay sina Vice Ganda, Andoy Ranay, John “Sweet” Lapus, Joey Mead King & Angie King, Ice Seguerra & Liza Diño-Seguerra, Janella Salvador & Klea Pineda, Alex Diaz, Chie Filomeno, Mimiyuuuh, Kirk Bondad, at Kenneth Marcelino.

Streetwear designer Bang Pineda will unveil the White Party Manila Collection.
Read: WHAT PEP KNOWS. Bea Alonzo-Vincent Co Wedding: Is it on or is it off?
WILL THEY INVITE ALVIN ARAGON?
Mabuti kayang imbitahan sa WPM 2026 si Alvin Aragon?
“Everybody is welcome, kahit si Alvin Aragon pa iyan, o kahit si Hudas pa iyan!” sambit ni KaladKaren.
“Basta gustong makiisa sa laban natin sa LGBTQIA+ community at makipag-share sa atin ng ating mga advocacy, e, go!
“Let’s go here! Pero siya ba, gusto niyang pumunta?”
GORGY RULA
Bilang member ng LGBTQIA+ community, ano ang pinakalaban niya?
“Ako, ang advocacy ko bilang LGBTQIA+ member is pushing always for equal rights,” mabining tugon ni KaladKaren.
“Parang… of course, love is love. I want our love to be recognized by the law.
“Yun ang mga gusto ko, yung magkaroon tayo ng national legislation against discrimination with regard to your SOGIESC [Sexual Orientation, Gender Identity and Expression, and Sex Characteristics].
“Mga ganun. Yun ang mas laban ko.”
Posible kaya iyong ma-achieve sa generation ngayon? Hindi siya priority ng lawmakers ngayon, di ba?
“Actually, hindi masama na ipaglaban siya ngayon even though I think, it’s not really the priority of our government,” saad ni KaladKaren.
“Siyempre wala pa nga tayong divorce, di ba? But dapat hindi tumitigil yung kilusan. Dapat hindi tumitigil iyong paglaban.
“Because once you stop, lalong uurong nang uurong. Mas maganda yung malayo pa, pero malayo na. Di ba?”
VICE GANDA AS PRESIDENT?
Bet ni Direk Lav Diaz na maging Presidente ng bansa ang Asia’s Unkabogable Superstar na si Vice Ganda.
Umayaw na si Vice.
Pero posible ba iyon? May chance, if ever?
“Oo, nag-no na naman si Meme pero… I think… kung gugustuhin niya, bakit hindi?” sey ni KaladKaren.
“Kasi, alam ko ang puso ni Meme na meron talaga siyang malasakit para sa buong Pilipinas, e.
“So, kung gugustuhin niyang maging public servant, I’m here to support her 100 percent!”
At puwede siyang maging vice-president ni Vice?
Natigilan si KaladKaren bago sumagot, “Puwede bang Senate President na lang? Charot!”
Read: Vice Ganda reflects on comedy, politics, and cancel culture
