PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ron Angeles admits video scandal helped boost his career

Ron willing to take on daring projects, including roles that require nudity.
by PEP Troika
Published 8 hours ago
ron angeles
Ron Angeles says the viral video scandal opened more opportunities for him in showbiz, adding that he is now willing to take on daring and artistic projects, including roles that require nudity.
PHOTO/S: Facebook

JERRY OLEA

Mula Pebrero 28, 2026, mahigit isang dosena na ang kumalat na videos ng male celebrities na nakikipagtalik sa babaeng maraming tattoo.

Umamin sina Ron Angeles, Nikko Natividad, Gil Cuerva, Arron Villaflor, Nico Locco, Andre Cue, at Jayden Fernandez.

Ang iba, deadmadela. Walang pagtanggi, wala ring pagkumpirma.

Ano ang nagbunsod kay Ron Angeles para maging open sa pinagdaanan niyang ordeal?

“Siguro po, kung sarili ko lang ang iisipin ko, ganun yung gagawin ko,” pagmamatuwid ng hunk actor sa mediacon ng White Party Manila: Reignite noong Mayo 9, 2026, Sabado, sa Bigger Pictures Studio, Reliance St. cor. Sheridan St., Mandaluyong City.

“Na parang hayaan na natin iyan, isyu lang yan, mawawala rin naman yan. Pero katulad nga po ng sinabi ko, it’s for awareness na rin.

“Para mabawasan na yung mga ganitong gawain. I mean, kasi hindi siya biro, e. Hindi siya OK, e.

“I mean, kung like personal ko yon, I mean, personal na kumalat lang yung video ko, na alam ko naman na meron akong ganun, and yung girl din as well, pero kasi ito, ibang usapan na ito, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I cannot really imagine na magagawa yon ng isang babae sa aming mga lalaki. Na kahit ako, like… ni minsan, hindi sumagi sa isip ko na gagawin ko yun sa isang girl.

“Na parang iba-blackmail mo siya, tatakutin mo siya for a video, o kukuhanan mo siya without permission.

“So ako, like, nag-stand ako doon sa experience ko. Kasi wala namang ibang gagawa nun kundi kami lang na mga biktima, e.

“And I hope, sana patuloy. Kahit hanggang ngayon po, sinasabihan namin sila, ine-encourage namin sila to talk.

“To file a case, formal case. Para mahanap talaga namin kung sino yung mga tao sa likod nitong malaking sindikato.”

HIS FAMILY'S REACTION

Ano ang reaksiyon ng kanyang pamilya sa eskandalong kinasangkutan niya?

“Cool naman yung family ko. Erpat ko, yung mom ko, ahh lahat. Hindi na nga namin ito napag-usapan,” tugon ni Ron.

“Like, nung time lang na nag-boom ito, nung gabi na iyon, nasa family na ako. Nandun na ako sa tatay ko and we’re doing a session that night.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, sabi lang ng tatay ko sa akin, na mag-ingat na lang ako next time. And alam naman ng tatay ko kung gaano ako ka-strong. So yun, nakaalalay naman sila sa akin.”

Read: Ron Angeles says he has moved on from controversial video scandal

NOEL FERRER

Napasama sina Ron Angeles at Andre Cue sa Kapuso afternoon drama series na Apoy Sa Dugo, kung saan gumanap sila bilang mga lover boy ni Sylvia (Pinky Amador).

May ginawa ring advocacy movie si Ron, kung saan co-star niya si Kelvin Miranda.

“Thank you, Lord! Thank God! Yun lang po ang masasabi ko. Yes, gumawa ako ng pelikula kasama ko si Kelvin,” lahad ni Ron.

“Yeah, ginawa namin ito sa Nueva Ecija, at ipapalabas ito, I think, sa mga school. Hindi ko lang alam kung kailan siya ipapalabas pero we did the film.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

May mga kasunod pa siyang projects?

“Hindi ko pa po alam yung mga future plans. Pero sabi ko nga po, I’m so thankful and grateful,” saad ni Ron.

“Kasi, hindi po ako nawawalan ng work ngayon. Like andami ko pong tapings ngayon. May teleserye ako, nag-guest din ako sa Wish Ko Lang.”

Noong Mayo 9, Sabado ng 4:00 P.M., kasama ni Ron sina Jo Berry at Arra San Agustin sa episode ng Wish Ko Lang! sa GMA-7.

Dagdag ni Ron: “Sa events naman po, I have a lot of events na kumukuha sa akin. And kung may aabangan po sa akin, super-active naman ako sa social media ngayon.

“I handle my own social media. So ako po lahat ang nagpo-post or nakakaisip ng kung ano mang ginagawa ko sa social media.

“All the postings. So, doon po, abangan nyo na lang po kung ano ang mga susunod.”

HOW THE VIDEO SCANDAL AFFECTED RON'S CAREER

Nakatulong ba sa kanyang career kahit paano iyong video scandal?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napabuntong-hininga si Ron: “Siguro po. Siguro po, yes.

"Aminado naman ako doon na siguro, mas maraming nagtiwala sa atin because mas maraming humanga po doon sa…

“Hindi po sa scandal, e. Pero kung paano tayo nag-stand up after that... after the bad situation.

“So siguro po… talaga! Talaga! Nakatulong siya… let’s take it positively po. So, ganun naman po yung iniisip ko ngayon.”

Ngayong araw na ito ang second day ng taping ni Ron sa summer special ng Pepito Manaloto.

Ibang klaseng blessing din ang sumapit kay Ron after ng video scandal.

In fairness, mabait naman kasi siya, di ba, Tito Jerry?

Read: Encantadia Chronicles: Sang'gre finale dominates ratings with 11.5%

GORGY RULA

Mapangahas ang papel ni Ron Angeles sa Cinemalaya 2025 film na Raging, kung saan bida si Elijah Canlas.

Handa ba siyang gumawa ng mas daring na project?

“Oo naman, Tito. Tulad nga ng sinasabi ko, being an actor, kailangang handa kang tumanggap ng mga proyektong hindi mo kaya,” sagot ni Ron.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And for me, mas gusto ko po iyong ganoong bagay, yung hindi ko pa nagagawa. And parang once in a lifetime ko pa lang gagawin. So, yun po.”

Hanggang saan ang kaya niyang gawin sa paghuhubad?

“Tito, depende sa materyal. And depende kung saang platform ito.”

Aba, yung Raging ay nag-Cinemalaya, at nag-international filmfest. Sa shooting ay naghubad si Elijah, may butt exposure, pero in-edit out iyon ng direktor.

“Cinemalaya, yes, yes! I can do it for the craft talaga. Kahit ano pa yan, kaya kong gawin,” sabi ni Ron.

“In-advise ko na iyan kina Sir Bryan [Dy], sa management ko. Na yes, pagdating sa ganyang bagay, I’m willing to do it as long as maganda yung platform na paglalagyan natin.

“And it’s more on art, ang pag-arte. So, yes.”

If ever, handa siya sa frontal nudity. Mabilis at walang pag-aatubiling tugon ni Ron, “Oo naman, oo naman.”

Si Ron ay mina-manage ng Mentorque Productions, na ang producer ay si Bryan Dy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magkatuwang ang Mentorque at Love YourSelf sa paghahatid ng White Party Manila: Reignite na gaganapin sa Hunyo 27, 2026, Sabado ng gabi, sa World Trade Center, Sen. Gil Puyat Ave., Pasay City.

Read: Bea Alonzo-Vincent Co Wedding: Is it on or is it off?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ron Angeles says the viral video scandal opened more opportunities for him in showbiz, adding that he is now willing to take on daring and artistic projects, including roles that require nudity.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results