GORGY RULA
Nakakamangha ang napakalaking bahay na ipinost ni Dennis Trillo sa social media kahapon, Mayo 11, 2026.
Parang munisipyo sa isang bayan.
Ito na pala yung ipinapatayo nilang bahay ng misis niyang si Jennylyn Mercado.
Proud si Dennis na iflinex iyon sa Facebook.
Caption niya: “Kung magsisikap at gugustuhin ang mga pangarap, balang araw ay matutupad din.”
Tama naman at natupad nga nila ito.

JENNYLYN AND DENNIS' NEW HOME
Nabanggit din ito ni Jennylyn nang nakatsikahan siya ng PEP Troika sa renewal niya bilang endorser ng Reverie ng Beautederm noong nakaraang linggo.
Tinanong kasi siya kung magkakaroon ba uli ng CoLove Live sila ni Dennis.
Naging successful ang concert nila noon, pati ang kanilang YouTube content, kaya puwede nilang ituloy iyon.
Sabi ni Jennylyn: “Yung CoLove studio namin, naging kuwarto na ni Dylan. So ngayon, malapit nang matapos yung bahay, nagpagawa kami dun ng CoLove studio.”
Tinanong din namin si Jennylyn tungkol sa ipinatayong bahay.
“Ano yun…. dugo’t pawis namin yun. Talagang ano siya, pinagplanuhan, pinag-ipunan.”
Meron pa silang malaking bahay rin sa Tanay, Rizal, na ginawa raw nilang weekend house.
Read: Bea Alonzo-Vincent Co Wedding: Is it on or is it off?
NOEL FERRER
Ang maganda lang talaga, isinaayos ni Dennis Trillo ang buhay niya.
Thriving both ang kanyang career at ang buhay-pamilya.
Alam ko ring may bago siyang pelikulang tatampukan at ipo-produce kasama ng GMA Pictures na intended for the Metro Manila Film Festival.
Gusto rin siyang kunin ng grupo ni Sir Ricky Lee sa isang passion project tungkol sa buhay ng isang makulay na National Artist.
And chill and relaxed lang lagi si Dennis, kahit napakarami na niyang achievements ay nakatutok siya sa kanila ni Jennylyn. Kaya lubos siyang pinagpapala.
Happy Birthday, Dennis!
Read: Kim Domingo finally breaks silence on malicious rumor about her
JERRY OLEA
Good vibes, good life!
Sabi nga ni Jennylyn Mercado, graduate na sila ni Dennis Trillo sa stage na may selosan.
Naka-focus sila sa career, at sa kanilang pamilya.
Advance happy birthday sa Biyernes, May 15, Jennylyn!
Oh, yes, parehong Taurus ang zodiac sign nila ni Dennis — reliable, practical, sensual, patient, and stubborn.
Read: Pro-Duterte senators oust Tito Sotto as senate president; Bato surfaces for the coup
