PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aktres, kumukuha ng Spanish citizenship dahil dismayado sa Pinas

Premyadong aktres, nawalan na ng pag-asa sa Pilipinas.
by PEP Troika
Published 9 hours ago
blind item premyadong aktres spanishg citienship
ILLUSTRATION: Chat GPT

GORGY RULA

Kausap ko ang isang premyadong aktres sa telepono habang tinututukan ko sa radyo ang mga nagaganap na kaguluhan sa Senado noong Lunes, Mayo 11, 2026.

Napag-usapan tuloy namin ni Premyadong Aktres ang nakakadismayang nangyayari sa ating gobyerno.

Nakakapanlumo at parang nawawalan na raw siya ng pag-asang makakaahon pa tayo.

Dahil dito, sineseryoso na ni Premyadong Aktres ang pag-aayos ng hinihingi niyang citizenship sa Spain.

Balak daw niyang doon mag-retire kung may maiisip at makakahanap siya ng puwedeng inegosyo.

Kaya ito ang pinagkakaabalahan niya ngayon — ang makakuha ng citizenship by descent sa Spain.

CITIZENSHIP BY DESCENT

Ang citizenship by descent o jus sanguinis ay isang proseso kung saan ang mga indibidwal ay pinapayagang makakuha ng nationality base sa citizenship ng kanilang mga magulang o ninuno, at hindi base sa bansa kung saan sila isinilang.

Puwede rin siyang magkaroon ng dual citizenship, Pinoy at Kastila.

May ilang kilalang celebrities na ginawa na ito. Isang kilalang singer at aktres din ang nakakuha na raw ng citizenship through descent.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Na-interview na raw si Premyadong Aktres sa Embassy ng Spain.

Kasama niya ang kanyang ina at isang anak.

Nagpasiklab daw ang ina ni Premyadong Aktres sa interview dahil nakakapag-Espanyol ito. Kaya posible raw mabigyan sila ng citizenship ng Spain.

Read: Agot Isidro slams 13 senators who voted for Alan Peter Cayetano

JERRY OLEA

Nawawalan na raw ng pag-asa si Premyadong Aktres dahil ganito pa rin ang nangyayari sa ating gobyerno.

Aniya: “Parang wala nang pag-asang makaahon ang bansa natin. Palubog na tayo nang palubog. Wala na itong pag-asa.”

Sabi pa niya, nakailang presidential elections na raw, pero talo naman daw lagi ang kandidato niya.

Kahit sino pa ang presidenteng umupo, sa tingin ni Premyadong Aktres ay malabo nang makaahon kaya seryoso siya sa pag-asikaso ng Spanish citizenship niya.

Okay lang daw kung aabutin ng taon, basta makakuha lang siya dahil matagal ding paghandaan ang paglipat sa Espanya.

otheR celebs WHO HAVE GOLDEN VISA IN SPAIN

May mga kilalang artistang nakakuha na ng Spanish citizenship.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Di ba, itong kontrobersIyal na aktres ay nakakuha na ng golden visa dahil nakabili siya ng bahay sa Spain?

Ganoon din ang sikat na aktor.

Malapit lang daw sa binili niyang bahay ang binili rin ng kaibigang actor-politician. Pareho raw silang nakakuha ng golden visa.

Ang duda ng karamihan ay doon na dadalhin ng sikat na aktor ang mga anak nila ng dyowa niyang aktres.

Para mas tahimik, may privacy ang mga bata.

Bakit kaya sa Spain ang gusto nilang citizenship?

Anong meron sa naturang bansa na sumakop sa atin ng 333 taon?

Read: Dennis Trillo gives a glimpse of dream home with Jennylyn Mercado

NOEL FERRER

Marami tayong mga kaibigang konektado sa media ang nasa Spain na.

Isang dating news personality ang nandoon na at nagtuturo na ng English language.

Isang premyadong filmmaker na kaibigan ko ay nandoon na rin. Pero nananatili siyang gumagawa pa rin ng mga pelikula at umuuwi sa Pilipinas kapag Cinemalaya at QCinema.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

At masaya pa roon, e, nakahanap siya ng afam na jowa!

Bakit gusto nila sa Spain?

Dahil familiar ang kultura nila sa atin.

Dahil di ba’t sinakop nila tayo noon… at ok raw ang pace ng buhay roon, relaxed at chill lang.

Hindi katulad ng toxic na buhay rito at nakakadismayang estado ng politika.

At lugmok tayo sa kahirapan dala ng korapsyon ng mga lider na dapat sana'y nagsisilbi sa atin.

Read: Pro-Duterte senators oust Tito Sotto as senate president; Bato surfaces for the coup

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Chat GPT
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results