GORGY RULA
Wagi ang pagbabalik-teleserye ni Dingdong Dantes sa The Master Cutter na nagsimula sa Kapuso Primetime noong Lunes, Mayo 11, 2026.
Noong Mayo 8, Biyernes, ito nagsimula sa Netflix.
Pagkalipas ng dalawang araw, sumampa na ito sa No. 1 ng Top 10 TV Shows ng naturang streaming service. Hanggang ngayon ay nangunguna pa rin ito.
THE MASTER CUTTER RATING ON FREE TV
Pagdating sa free TV ay mataas din ang ratings ng The Master Cutter.
Noong Lunes, Mayo 11, ay naka-10.5% ang pilot episode nito.
Ang katapat nitong Blood vs. Duty ay 4.6%, at ang A Secrets in Prague ay 1%.

Nadamay rin ang sumunod sa The Master Cutter na Never Say Die na naka-7.6%.
Last two weeks na ang seryeng ito nina Jillian Ward at David Licauco.
Ang The Alibi naman ay 3.7%, at ang My Bespren Eman ay 0.8%.
Pagkatapos nito ay ang The Secrets of Hotel 88 na 3.9%, at ang Queen Mantis ay 1.7%.
Sumunod ang Saksi na 2.1%.
Read: Bea Alonzo-Vincent Co Wedding: Is it on or is it off?
JERRY OLEA
Noong Martes, Mayo 12, ay tumaas pa ang The Master Cutter. Nakapagtala ito ng 10.9%.
Ang Blood vs. Duty ay 4%, at ang A Secret in Prague ay 0.7%.

Tumaas din ang Never Say Die sa 8.1%.
Ang The Alibi ay 3.5%, at ang My Bespren Emman ay 0.8%.
Ang The Secrets of Hotel 88 ay 4.1%, at ang Queen Mantis ay 1.4%.
Ang Saksi naman ay 2.4%.
Siyangapala, isang araw lang naligwak ang Blood vs Duty sa Top 10 TV Shows ng Netflix Philippines — noong Mayo 11, Lunes.
Kahapon at ngayon ay nasa Top 10 na muli ang Kapamilya series nina Richard Gutierrez at Gerald Anderson — nasa ikawalong puwesto.
Read: Robin Padilla, Kiko Pangilinan clash during heated Senate exchange
NOEL FERRER
Sabi ng ilang taga-telebisyon, tumataas talaga ang viewership ngayon lalo na sa panghapon dahil karamihan ay nasa bakasyon.
Pag bumalik na raw sa eskuwelahan ang mga kabataan, at ang ibang nanay ay nakatutok na sa kanilang anak na nag-aaral, inaasahan na ang pagbaba ng viewing level.
Pero marami rin kasing nagaganap sa Senado at Kongreso, kaya nakatutok ang mga manonood para abangan kung anu-ano pa ang susunod na magaganap.
AFTERNOON RATINGS
Noong Lunes , May 11, ay consistent pa ring mataas ang afternoon drama.
Simulan muna natin sa It’s Showtime na naka-5.6%, at ang Eat Bulaga! naman ay 2.8%.
Shine na shine pa rin ang Born To Shine na naka-6.1%, at ang Can’t Buy Me Love ay 0.7%. Ang Frontline Express ay 1.3%.
Ang House of Lies ay 5.5%, at ang High Street ay 0.2%.
Ang Apoy sa Dugo ay 4.7%, at ang Kapamilya Gold Hits ay 0.2%.
Ang Fast Talk With Boy Abunda ay 3.8%, at sinundan ng The Sweetest Taboo na 2.4%. Ang TV Patrol Express ay 0.7%.
Sinundan ito ng Family Feud na 5.7%, at ang Una sa Lahat ay 1.3%. Ang Junior Minute To Win It ay 1%.
Ang 24 Oras ay 11.5%, ang Frontline Pilipinas ay 1.9%, at ang TV Patrol ay 3%.
Noong Martes, Mayo 12, ay mas tumaas ang viewership ng panghapong programa.
Ang It’s Showtime ay 6.1%, at ang Eat Bulaga! ay 2.9%.
Ang Born To Shine naman ay 6.4%, ang Can’t Buy Me Love ay 0.7%, at ang Frontline Express ay 1.3%.
Ang House of Lies ay 5.5%, at ang High Street ay 0.3%.
Ang Apoy sa Dugo ay 4.8%, at ang Kapamilya Gold Hits ay 0.3%.
Sumunod ang Fast Talk With Boy Abunda na 3.3%. Ang The Sweetest Taboo ay 2.6%, at ang TV Patrol Express ay 0.6%.
Ang Family Feud ay 6.6%, at ang Junior Minute To Win It ay 0.8%.
Ang 24 Oras ay 10.9%, ang TV Patrol ay 2.8%, at ang Frontline Pilipinas ay 2.2%.
Read: Premyadong aktres, kumukuha ng Spanish citizenship dahil dismayado sa PH politics
