JERRY OLEA
Napapanahon ang pelikulang Habang Nilalamon ng Hydra ang Kasaysayan, kung saan tampok sina Mylene Dizon, Zanjoe Marudo, Jojit Lorenzo, Dolly de Leon, at Nanding Josef, sa panulat at direksiyon ni Dustin Celestino.
Pagtatapat ni Direk Dustin matapos ang screening ng nasabing existential drama noong Mayo 12, 2026, Martes, sa Sine Pop, St. Mary St., Cubao, Quezon City, nag-umpisa ang nasabing proyekto sa disillusion matapos ang presidential election noong Mayo 2022.
“May sinuportahan akong kandidato tapos hindi siya nanalo,” lahad ni Direk Dustin.
“And yung paniniwala ko noon, parang na-rattle ako, na-shatter. 'Paano na? Paano na? Ano na ang gagawin ko? Wala na bang pag-asa?'
“Tapos over the years of contemplation, siyempre pinag-iisipan natin ito, nadadagdagan yung karanasan natin… na-realize ko na it’s a matter of perspective.
“Na puwede tayong maglugmuk-lugmok, pero puwede rin natin siyang tingnan as a challenge for all of us as Filipinos to finally come together.
“Kasi hindi naman natin ito matatalo kung side-side tayo, e. Kasi dalawa lang naman talaga ang side — ang mga Pilipino, at ang mga umaabuso sa Pilipino.
“So siguro yung invitation ko is to hold our leaders accountable whatever surname they may have.
“Kung ako, I will hold the people I support accountable. Kasi pinag-invest nyo ako, e. Kaya gawin niyo yung trabaho nyo.
“Sana, lahat ng side, ganun yung attitude towards the leaders that they selected.
“So, inspiration ko talaga dito is una, kung paano ko ibabalik yung pag-asa sa sarili ko. Kailangan kong imagine-in at pag-isipan from a different perspective.”
Read: How celebrity lawmakers voted in Sara Duterte impeachment case
2026: A VERY CHALLENGING YEAR FOR DUSTIN CELESTINO AND HIS WIFE
Maraming pinagdaanan si Direk Dustin at ang kanyang wife ngayong 2026.
Pagsisiwalat ni Direk Dustin: “She was diagnosed last year of cancer. And now she’s finally in remission.
“It’s a minor miracle pero… major miracle pala! So, parang ano, parang di ba, nagbabago talaga iyong priorities mo.
“Na ano ba, para saan ba yung buhay? Kumbaga, ano ba yung puwede naming pahalagahan? For example, mawala ako bukas, makalawa.
“Ano yung puwede kong pahalagahan sa naging buhay ko? And it’s something that I can be proud of, na napanindigan ko yung integrity ko.
“It’s something that I can be proud of and something that I can go to my grave. Na taas-noo na kung sino mang Diyos ang kaharap, ‘Ginalingan ko, Lord!’
“Di ba? Ginalingan ko, lumaban ako. Ipinaglaban ko yung paniniwala ko sa inyo; ipinaglaban ko yung tama.
“So, kung anuman yung maging resulta ng buhay ko… kahit malungkot yan o masaya, mahirap o mayaman, at the end of it, taas-noo ko pong haharapin ang Creator natin.”
Read: Mel Tiangco, Karen Davila trend online after interviews with Bato
THERE IS STILL HOPE
Mula sa disillusion noong Mayo 2022, ano na ang pakiramdam niya?
“Hope. Hope hindi lang para sa bansa, pero hope in our people,” tugon ni Direk Dustin.
“Kasi if we can arrive, di ba, marami tayong pinagdadaanan, na kanya-kanya natin. Minsan, traffic pa lang, made-depress ka na.
“May time na ganun, na na-depress ako dahil transportation pa lang, tapos ang hirap kumita.
“Pero it’s the struggle we have to… parang si Sisyphus, kailangan natin siyang i-imagine na masaya. Di ba?
“May small moments of triumph siya, e. Kasi yung si Sisyphus, di ba, pagdating niya sa tuktok, gumulong pababa pero nakarating siya doon.
“At kaya niyang bumalik sa ibaba, yung resilience niya, na kaya niyang bumaba doon, at iakyat uli ang bato.
“There’s something heroic and mythical about it. Kaya nga iyon ang imahe natin, kasi nandoon tayo.
“Tapos na. Akala natin, nanalo na tayo. Umabot na tayo sa tuktok, EDSA, di ba? Napalayas na natin yung diktador.
“Tapos, sa ibaba uli. So, binibigyan tayo ng pagkakataon na gawin yung ginawa ng mga nauna sa atin, na lumaban din. Manindigan din.
“And para sa akin, it’s a beautiful challenge.”
Ang Habang Nilalamon ng Hydra ang Kasaysayan ay isa sa sampung kalahok sa 21st Cinemalaya filmfest noong Oktubre 3-12, 2025.
Ang siyam pang kasali roon ay Bloom Where You Are Planted, Child No. 82 (Anak ni Boy Kana), Open Endings, Republika ng Pipolipinas, Padamlagan, Raging, Warla, Paglilitis, at Cinemartyrs.
Ang commercial release ng Habang Nilalamon ng Hydra ang Kasaysayan sa mga sinehan ay umpisa Hunyo 3, 2026.
Read: Robin to file ethics complaint; Kiko claims Robin threatened him

NOEL FERRER
May mga hugot ba siya kaya napagtanto niya ang lagay ng ating bansa o lipunan ngayon?
“Siguro ano, yung sakit. Kasi di ba, sinasabi natin na yung Art naman, it’s something that you don’t choose to do,” saad ni Direk Dustin Celestino.
“It’s something that you have to do. Kasi, mahirap siya, ha? Hindi madaling gumawa ng pelikula, e. Andaming pagdadaanan, andaming sakripisyo.
“Pero pag importante sa iyo, pag mahalaga sa iyo, gagawin mo siya talaga.
“And yung earnest love for the Filipino people, meron kasi ako nun. Na iyon ang pinakamasaklap siguro, na para kang laging nabe-betray.
“Na yung pagkatao ng Filipino na mahal mo, na proud ka maging among them, tapos para kang napahiya kapag hindi mo nagustuhan iyong outcome.
“Pero at the end of the day, kailangan nating tanungin kung saan nanggagaling yung mga paniniwalang yon.
“And ito yung attempt ko rin to extend parang my understanding, yung parang saan ba nanggagaling yung ibang opinyon? And para rin mapalawak yung sarili nating pag-iisip.
“Kasi, kailangan nating i-redefine what it means to win. Kasi kung eleksyon ang usapan… popularity contest yan, e. Pero kailangan nating to redefine what it means to win for us.
“Kasi puwedeng ang win condition ko, mapalawak yung understanding ko of more Filipinos, where they come from, iyung mga pinagdadaanan nila kaya ganoon ang pinaniniwalaan nila.
“I can consider that a minor victory. And kailangan nating kunin itong mga maliliit na butil ng pagkapanalo na ito para sa sarili nating mental health, and para makagawa tayo ng magandang naratibo para sa mga buhay natin.
“Kaya ko siya tinawag na existential drama, kasi ang ipinaglalaban natin or ang pinag-uusapan natin, ano ba ang halaga ng buhay ko? Di ba?
“Paano ko ba susukatin kung tama yung pagkabuhay ko?”
GORGY RULA
Nakakapanlumo ang mga kadramahan sa Senado noong Lunes, Mayo 11.
Sobrang disappointed ang isang premyadong aktres sa mga nangyayari sa bansa.
Pananalig ng premyadong aktres, wala nang pag-asa ang ating gobyerno kahit magpalit pa tayo ng presidente.
Kaya nagpasya siyang sa ibang bansa na manirahan.
Read: Premyadong aktres, kumukuha ng Spanish citizenship dahil dismayado sa PH politics
RESPECTING THE DECISION OF OTHERS
Taliwas iyon sa mensahe ng pelikulang Habang Nilalamon ng Hydra ang Kasaysayan.
“Ako, nirerespeto ko yung desisyon ng bawat tao,” malumanay na pahayag ni Direk Dustin Celestino.
“Like whether they fight or they choose to ahh not be involved in politics. Kasi minsan, ang ipinaglalaban nila — ipapakain nila sa pamilya nila.
“And my own mother migrated to the States to give herself and me a better life. Nagkataon lang na nung panahon na yon, overaged ako kaya iwan ako.
“Pero most of my family are abroad and in fact, ayun, dun sila nakatira. Naiwan kami ng younger brother ko.
“So, hindi ko yon nakikita as cowardice. We should never be made guilty about our survival.
“Kung iyon ang kinailangan niyang gawin para mag-survive siya, para maging masaya siya, kailangan nating respetuhin yun.
“And yung ibang tao, kung gusto nilang maging apolitical, kailangan din nating respetuhin.
“Kasi iyon nga, yung buhay naman natin, walang tamang yes or no answer yan, kasi magkakaiba tayong konteksto.
“Siguro yon din yung isa sa mga imahe ng Hydra na gusto ko ring i-reinforce.
“Kahit pare-parehas tayo ng kasaysayan, at least sa libro, iba-iba yung relationship natin dito.
“Kasi yung iba, ipinanganak na mayaman, mas may opportunity’ng lumaban. Mas may proteksiyon.
“Yung iba, mas vulnerable. Yung iba nga, walang access sa internet, di ba?
“Yung iba, pag nag-tweet, meron na silang… parang… at least maliit na platform para makapag-resist.
“Yung iba, kailangan physically pumunta sila doon. Mas malaki yung stakes. “
Kaya mahirap magdikta sa ibang tao kung ano yung dapat nilang gawin. Kaya para sa akin, napakapersonal ng mga desisyong yan.
“May kinalaman yan sa personal moral compass natin. Ano yung magfu-fulfill sa iyo, ano yung magpapasaya sa iyo?
“Ano yung palagay mo magbibigay-halaga sa buhay mo?
“None of us are gonna be here forever. Di ba? So, anong gawain ba yung pag next week, next year, wala ka na… you can still be proud of?
“Yun siguro yung gusto kong itanong. And our government, di ba, is giving us an opportunity for this kind of small heroism.
“Na kahit ang kaya lang natin minsan, mag-post, puwede pa rin yon. May something pa rin yon.”
Read: Robin and Kiko clash during heated Senate exchange
DIREK DUSTIN CELESTINO ON SENATE DRAMA
Anong eksaktong naramdaman niya sa mga kadramahan sa Senado noong Lunes
Napangiti si Direk Dustin: “Expected ko kasi! What else do we do, di ba? Parang it’s something that is part of our reality.
“Hindi siya nakakagulat. Kaya it’s just one of the things that will happen. It’s one of the things that we’ll process individually.
“Na alam naman natin matagal na, na mali. Na may maling nangyayari. Tapos, mahirap na pinagtatalunan natin, tayo yung nag-aaway-away na kung ano dapat yung gawin, di ba?
“So I guess, yung isang kailangang gawin, mag-usap. Pag-usapan natin. Puwede naman tayong mag-usap nang hindi nag-aaway siguro.
“Parang we don’t have a plan, e. We don’t have a plan; all we have are feelings.
“Siguro it’s time that people organize and develop a more practical plan to get to where we want to go.
“Kasi yung strategy ng kalaban, ng totoong kalaban natin, is pag-away-awayin tayo para hindi tayo makapag-organisa.
“So, siguro yung way to fight that is to be more open to our fellow Filipinos.”
Read: Pro-Duterte senators oust Senate President Sotto; Bato surfaces
