PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kelvin Miranda misses late father who worked as a rider

Kelvin's father passed because of a vehicular accident.
by PEP Troika
Published 5 hours ago
Kelvin Miranda says late father worked as a rider till the end
Kelvin Miranda recalls his father worked as a rider by choice; says he misses his father's presence, energy, and constant advice.
PHOTO/S: Gorgy Rula / @iamkelvinmiranda Instagram

GORGY RULA:

Hanggang ngayon ay nagdadalamhati pa rin si Kelvin Miranda, 27, sa biglaang pagpanaw ng kanyang amang si Patricio L. Miranda.

Hindi pa rin daw nagsi-sink in sa kanya, at ang buong pamilya na hindi na raw nila nakakasama ang kanyang ama.

Pumanaw ang ama ni Kelvin dahil sa isang vehicular accident.

Nakapanayam ng PEP Troika ang Kapuso actor sa story conference ng bagong pelikulang gagawin niya, na ginanap sa Lancaster Hotel, Mandaluyong, noong Miyerkules, Mayo 13, 2026.

Ito iyung Crawlers After Dark, ang maiden offering ng Z Studios Productions na sinulat at ididirek ni Ralston Jover.

Kasama ni Kelvin dito sina RK Bagatsing, Zaijian Jaranilla, Therese Malvar, Ruby Ruiz, Marnie Lapuz, Adrian Araneta, at si Cherry Pie Picache na hindi lang nakadalo doon sa storycon.

Pagkatapos nilang humarap sa ilang miyembro ng entertainment press, nakapanayam namin si Kelvin at sinabi niyang hanggang ngayon ay hindi pa rin daw nila matanggap ang maagang pagkawala ng kanyang ama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ani Kelvin, “Medyo sariwa pa yung lahat na pakiramdam sa akin. Hindi pa rin ako nagpa-function, parang katulad before.

“Yung confidence ko, yung drive, yung passion. Ang laki kasi ng ano, e, yung nawala sa pagkatao ko.

"Nawala yung tatay na akala ko dati buo na ako. Pero na-realize ko lang recently nung nawala siya...

"Kahit lang presensya niya. Yung alam mong meron kang mauuwian, o uuwi yung tatay mo. Bahagi yun ng pagpupursige ko."

L-R: Kelvin Miranda with Crawlers After Dark co-stars Ralston Jiver, Marnie Lapuz, RK, Kelvin, Zaijan, Therese, Ruby, producer Yael Linaza, and Adriana Araneta. Kelvin Miranda (fourth from left) with Crawlers After Dark co-stars Ralston Jiver, Marnie Lapuz, RK, Zaijan, Therese, Ruby Ruiz, producer Yael Linaza, and Adriana Araneta.
Photo/s: Gorgy Rula
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

KELVIN MIRANDA STILL FILLED WITH GRIEF

Pinipigilan na ni Kelvin ang pag-iyak nang patuloy naming pinag-uusapan ang kanyang ama.

May panghihinayang at pagsisisi siya dahil kulang pa raw ang mga panahong gusto niyang makasama ang kanyang ama.

“Lahat naman tayo, ayaw natin na mawalan ng mahal sa buhay,” pakli niya.

“Gusto ko pa siyang makasama. Marami pa akong gustong maibahaging happiness sa tatay ko.

“Marami pa akong ipagmalaki sa kanya. Marami pa akong gustong ikuwento sa kanya.

“Mahirap matanggap. Hindi pa talaga nagsi-sink in sa amin, hindi lang sa akin na wala na yung tatay ko," emosyonal na pahayag ni Kelvin.

Sabi pa niya, "Kinikilabutan ako! Hindi mo ini-expect na uuwi ka na wala na siya."

Read: Kelvin Miranda mourns death of father Patricio

JERRY OLEA:

Kuwento pa ng Kapuso actor, ang ama niya ang nagbibigay-kasiyahan sa kanilang bahay.

Iba raw ang energy na dala nito sa kanilang tahanan.

“Sobrang masayahin siya. Parang ano lang din, parang kapatid na tropa na tatay, ganun siya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Strong personality kasi siya, e. Parang siya talaga yung kinatatakutan namin sa bahay.

"Kaya nung nawala talaga siya, total silence," madamdamin niyang pahayag.

Nagulat na lang daw siya na ang daming pumunta sa burol ng tatay niya, dahil palakaibigan daw talaga ito.

“Walang entertainer sa bahay. Walang sumasalubong sa mga bisita katulad ng mga ginagawa niya.

“Kahit hindi niya kakilala yun, magiging kaibigan pa niya kesa sa yo.

“Ako, naniniwala ako sa Diyos na sa susunduin Niya yung tatay ko na makakasama na Niya,” medyo garalgal na ang boses ni Kelvin.

Read: Mayor Vico Sotto, celebrities react to Senate gunfire incident

NOEL FERRER:

Ibinahagi rin ni Kelvin na nagtatrabaho bilang rider ang kanyang ama noong nabubuhay pa ito.

Nakatira na raw ang mga magulang sa poder niya, at sinusustentuhan niya ang mga pangangailangan ng mga ito.

Pero gusto raw ng ama niya na may sarili itong diskarte sa trabaho.

“Si Daddy kasi, yung motor na yun, niregalo ko sa kanya,” sabi ni Kelvin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi buong buhay ng tatay ko ano siya, rider. As in door-to-door talaga. Iyun ang trabaho niya.

"Natigil lang naman siya magtrabaho nung naoperahan siya sa ulo [dahil sa] brain aneurysm.

"Kailangan niyang magpagaling, magpalakas, mag-recover. Hindi siya sanay na sa bahay lang.

"Ganun siyang tipo ng tao na kapag nasa bahay lang yan, hahanap siya ng paraan para makaalis yan, makalabas yan. Ganun siyang klase ng tao.

“Si Erpat, yung trabaho lang naman na yun, e, pagra-rider niya, by his choice. Para meron siyang panggastos sa sarili niya, sa pangangailangan niya.

“Hindi naman siya obligated na… Kasi sinama ko na sila sa bahay, e, sila ni Mommy. Sinama ko na sila sa space ko para kasama ko sila,” saad ng Kapuso actor.

Hinahayaan daw niya ang kanyang ama na magtrabaho, dahil gusto nitong ipadama sa kanilang pamilya na ito pa rin ang haligi ng tahanan.

“Ako naman, hindi ko sinasabi na established na ako, mayaman na ako. Pero kaya ko naman sila i-suporta sa pang-araw-araw naming buhay. Pero hindi kami magarbong pamilya. Simple pa rin yung buhay namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nagkaroon lang kami ng maayos na tahanan, na nakaalis na kami sa dati naming tinitirhan sa Caloocan. Pero hindi ibig sabihin, sobrang asensado na.

“So, ang tatay ko, he wants to be still na maging father o kahit man lang sa asawa niya.

“Madiskarteng tao lang talaga siya. Saka hindi naman namin siya mapipigilan, e.

"Yung kinikita niya, sa kanya na lang talaga yun, e,” sabi pa ni Kelvin.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kelvin Miranda recalls his father worked as a rider by choice; says he misses his father's presence, energy, and constant advice.
PHOTO/S: Gorgy Rula / @iamkelvinmiranda Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results