PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Byuting aktres, panay reklamo at paangil mag-utos sa staff

Ayaw na siyang makasama ng co-stars sa isang dressing room.
by PEP Troika
Published 2 hours ago
Blind item: Byuting aktres, panay ang reklamo at paangil mag-utos sa staff
Byuting aktres, lumalabas ang ugaling magaspang at talakera kaya iniiwasan na ng staff at co-stars.
PHOTO/S: Chat GPT (not actual image of persons described in the blind item)

GORGY RULA:

Lumalabas na nga kaya ang tunay na ugali nitong byuting aktres ngayong matagal-tagal na siyang nakakasama ng production staff at co-actors sa trabaho?

Sa una kasi, ang gaan niyang katrabaho, walang problema, at okay makisama.

Pero nitong bandang huli, kinaiinisan na siya ng mga katrabaho niya. Panay raw ang reklamo ni byuting aktres sa production staff at paangil kung mag-utos sa kanila.

BYUTING AKTRES, INIIWASAN NG MGA KATRABAHO

Hindi nila alam kung may pinagdaraanan ba o ganun na siya talaga. Kaya iniiwasan na ito ng ilang staff at maski ng co-actors nito.

Ewan ko kung napapansin na ni aktres na ayaw na siyang makasama sa dressing room ng co-actors niya.

Ito raw kasing si aktres ay lumalabas daw ang pagkatalakera. Naririnig daw ng mga katrabaho kapag meron siyang tinatalakan.

Kapag may kausap sa telepono na kinagagalitan, dinig na dinig daw sa buong dressing room ang pagtalak niya. Hindi raw tuloy makapagpahinga nang maayos ang ilang kasama niya sa dressing room.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayon, umiiwas na ang ilang co-actors niya—nagpapalipat na sa ibang dressing room. Naiingayan na sila dito sa talakerang aktres.

Malapit nang matapos ang seryeng ginagawa niya. Baka bago matapos ang taping, mag-isa na lang siya sa dressing room.

MALAMBING SA PRESS

Katsikahan ko naman itong aktres na ito. Okay naman siyang makisama sa entertainment press.

Hindi ko lang alam kung ano talaga ang tunay niyang ugali kapag makakasama mo siya nang matagal-tagal.

Read: Reporters praised for live coverage at Senate amid gunfire panic

NOEL FERRER:

Alam mo, magkasama sila noon sa isang teleserye sa isa ring chikadorang aktres na best friend ng bayan.

Hindi naman masyadong nakaporma itong byuting aktres na ito dahil parang lesser star ang turing sa kanya ng production compared sa chikadorang aktres.

Kaya naman itong chikadorang aktres ang mas nagka-endorsement daw at pelikula kaysa dito sa byuting aktres. Buti na lang, wala pa akong encounter sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Kelvin Miranda misses late father who worked as a rider

JERRY OLEA:

Ilang beses ko nang nainterbyu ang byuting aktres, at malambing siya sa tuwi-tuwina.

Hindi ko ma-imagine na nagpapaka-talakitok siya.

Hindi naman siguro siya nati-trigger lang sa init ng panahon, o sa mga magugulong kaganapan.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Byuting aktres, lumalabas ang ugaling magaspang at talakera kaya iniiwasan na ng staff at co-stars.
PHOTO/S: Chat GPT (not actual image of persons described in the blind item)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results