PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

John Lapus admits watching leaked videos involving male celebs

Sweet Lapus calls out alleged exploitation behind viral celebrity videos.
by PEP Troika
Published 5 hours ago
john lapus leaked video
While admitting he watched some of the clips, John "Sweet" Lapus says he felt more upset over the alleged exploitation and invasion of privacy surrounding the leaked video controversy.
PHOTO/S: Facebook

Trigger Warning: Mention of video scandal, adult content

JERRY OLEA

Streaming na sa Cignal Play ang 50-episode vertical drama series na My Husband Killed Me Three Times.

Tampok dito sina Kim Domingo, Dom Corilla, Paolo Gumabao, Lienel Navidad, Giovanni Baldisseri, Ella Sheen, at Rowena Cardona, sa direksiyon ni John “Sweet” Lapus.

Campy ang palabas. Very Sweet ang atake.

“Yes! Yun naman ang idea, yun ang gusto ng producers,” sey ni Sweet sa mediacon ng Virgin Lab Fest XXI: Hubo’t Hubad noong Mayo 19, 2026, Martes, sa Tanghalang Ignacio Gimenez, CCP Complex, Pasay City.

“Malolokah kayo. Yun lang! Sinadya talaga siya. Camp, comedy. Well, obviously, kaya sa akin ibinigay."

my husband killed me three times
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Oktubre naman daw ipapalabas ng Cignal Play ang second vertical series directed by Sweet, yung My Amnesia Wife starring Ana Ramsey and Nikko Natividad.

“Maganda rin ito. Yung honeymoon nila, yung wife, nagkaka-amnesia,” sabi ni Sweet.

“Every time na nagkaka-amnesia siya, nagiging tatlo siyang celebrity na idol niya. So, abangan nyo, ang galing-galing ni Ana Ramsey rito.

“Baklaan! Nagigi siyang si Rufa Mae, nagigi siyang si Cherie Gil, at nagigi siyang Jolina. And nangyari siya in the span of two days. Kasi nga, honeymoon nila yon.

“Masaya! And of course magaling din si Nikko Natividad.”

Read: John Lapus finally breaks into Virgin Lab Fest main lineup

NIKKO NATIVIDAD'S SCANDAL

Napanood ba niya ang hubo’t hubad na Nikko, isa sa "The Big Four" na pinagpiyestahan umpisa Pebrero 28, 2026?

Natawa at papatungo si Sweet: “Oo naman, Diyos ko, nagkalat… buti na lang, tapos na kaming mag-taping ng My Amnesia Wife bago lumabas itong video niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Otherwise, makakatikim siya sa akin ng bonggang-bonggang punchline, okray. Ako pa ba?

“Alam mo, last weekend, nanood kami ng friend ko ng Michael. Nakasalubong ko siya, kasama niya ang misis niya. Tapos naka-mask na ganyan.

“Ang hindi naka-mask, yung si Zeus Collins. Si Zeus ang una kong nakita, ‘Direk…’ ‘Hoy, Zeus.’

“Nakita ko, si Nikko pala yung naka-mask. ‘Hoy, Nikko! Ikaw pala yan! Ingat-ingat ka sa susunod!’ Tapos tumawa lang siya.”

Read: Nikko Natividad admits video scandal: "Nademonyo ako, natukso."

GORGY RULA

Aminado si John “Sweet” Lapus na napanood niya sa group chat ang sex videos ng iba pang male celebrities o personalities na nakipagniig sa babaeng maraming tattoo.

Naawa ba siya sa mga lalaking “biktima” na kinabilangan nina Nikko Natividad, Gil Cuerva, Arron Villaflor, Ron Angeles, Andre Cue, Nico Locco, at Jayden Fernandez?

“To be honest, hindi ako naawa, e. More on nainis ako doon sa babae,” saad ni Sweet.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nainggit?

“Not really! Sa tingin ko, mas maganda ako sa kanya!” mabilis na sagot ni Sweet.

Sabi, tatlo iyong mga babaeng may tattoo na nakipagniig sa male personalities…

“Well, dalawa lang yung nakita ko, yung binack-to-back ni Arron Villaflor,” sambit ni Sweet.

“Nainis ako doon sa mga babae to do that. Kasi nga, one, it’s private. Two, di ba, parang invasion of privacy na nakakaawa naman yung ano.

“Medyo nainis din ako doon sa mga lalaki, especially sa mga may asawa na, may mga karelasyon na.

“Bakit niyo pa kailangang… ba’t nyo ba ginawa yan?! Siguro iniisip ko na lang, baka yan ang karma ninyo na nangaliwa kayo, or nambabae kayo. Baka yun na lang siguro yon.

“Pero nag-sympathize din ako doon sa mga kalalakihan at nainis talaga ako doon sa babae.

“Parang feeling ko talaga, the fact na ganoon kadami… talagang may intensiyon siyang masama. May intensiyon talaga siyang ibenta, may intensiyon siyang i-exploit ang mga kalalakihan na ito.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SWEET ON BEING DISCREET ABOUT HIS PRIVATE MOMENTS

Sigurado ba siyang hindi siya nabiktima ng ganoon? Halimbawa, tinukso siya ng lalaki at palihim na kinunan ang kanilang chorvahan?

Napamulagat si Sweet, “Ako, ibi-video? Ang ganda ko naman! Ako, ivi-video ng lalaki? Hindi, naku, bakit ba?

“Maingat ako sa ganyan. Usually, ang mga ka-sex ko, kakilala ko. Hindi naman ako basta… at saka nakikipagtalik ako sa mga lugar na you know, alam kong private.”

Lights on or lights off?

“Ay! Lumalaban ako nang lights on! Ang mga kalalakihan lang minsan, gusto lights off,” pagsisiwalat ni Sweet.

“Para ang nai-imagine daw nila, si Sheryl Cruz at hindi si John Lapus. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”

Read: Hubaderos 2026 1Q: The Big Four, Piolo, sexy actors on fire

NOEL FERRER

Isa si John “Sweet” Lapus sa ambassadors ng White Party Manila: Reignite na gaganapin sa Hunyo 27, 2026 sa World Trade Center Manila, Buendia Avenie, Pasay City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yes, it’s back! So nananawagan ako sa sangkabaklaan, sa aking mga anak, sa mga Gen-Z na mga apo ko na!” bulalas ni Sweet.

“Sa June 27, White Party Manila is back! Alam niyo naman, ginawa natin yan… noong Malate pa ang Gay Capital ng Pilipinas.

“Ako ang endorser niyan for ten, twelve years. Alam niyo yan, it was the peak of my career. Ano ko yan, tulong ko yan.

“Ang Mentorque na malaking film producer na rin sila, diyan nagsimula ang Mentorque. Events lang.

“Mga fresh graduate pa lang sina Bryan Dy at that time noong nilapitan nila ako na, ‘Kung puwede ba, ikaw ang mag-endorse.’ Libre! Walang bayad, alang-alang sa LGBT community.

“And ginawa ko yon for ten years. Imagine that. So, ngayon nga, sinusumbatan ko si Bryan, ‘Ano ba namang isama mo ang mama mo sa mga pelikula niyo?’

“Tutal naman, di ba? Umoo naman yung anak ko.’"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
white party manila
Photo/s: white party manila

THE RELEVANCE OF WHITE PARTY

Gaano ka-relevant ang White Party Manila 2026 sa mga nangyayari ngayon sa bansa?

“Ay! Importante! Para alam ng sambayanang Pilipinas, or even ng government, the politicians, na ang mga bakla ay one and strong and powerful,” hanash ni Sweet.

“So, mag-ingat-ingat na kayo sa darating na eleksyon. Kasi kaya naming… tulad ng ibang mga religious group, kaya din naming maglaglag or magpanalo ng isang kandidato sa darating na eleksyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ganoon kami kadami at makikita nila yan sa sanib-puwersa sa June 27 sa pagbabalik ng White Party Manila na nasa napakalaking venue, World Trade Center Manila!

“Bongga! Excited na kaming lahat. Kita mo naman, ang endorser, nakita ko. ‘May Vice Ganda ka na, ba’t kailangan mo pa kami?’ sabi ko kay Bryan.

“E gusto niya talaga, kumpleto yung LGBTQIA, well-represented. May lesbian, may bi, may trans, may ally. “Kaya may mga lalaki rin doon. Kasi, alay yon.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
While admitting he watched some of the clips, John "Sweet" Lapus says he felt more upset over the alleged exploitation and invasion of privacy surrounding the leaked video controversy.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results