PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

KC Concepcion preparing for comeback, wants to regain screen look

KC Concepcion misses hosting, hints at exciting comeback project.
by PEP Troika
Published 6 hours ago
kc concepcion showbiz comeback
KC Concepcion says she misses hosting and is now preparing for a possible comeback by working on her fitness and “screen look.” The actress also hinted at new projects, a budding business venture, and a future “special announcement” about her love life.
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

“Na-miss niyo ako?” bati ni KC Concepcion nang pinagkumpulan siya ng entertainment press sa birthday party ni Jun Lalin noong Miyerkules, Mayo 20, 2026, na ginanap sa Five Private Dining, Greenhills, San Juan City.

Medyo malayo raw ang tinitirhan ni KC kaya bihira na siya nakakadayo sa mga lugar na dating napupuntahan niya nung active pa siya showbiz.

“Kasi for now po, medyo malayo yung tinitirhan ko. So, na-miss ko makakita ng mga taga-QC, taga-ABS, taga-GMA,” pakli ni KC.

KC CONCEPCION PREPARING FOR HER COMEBACK

Gusto na raw ni KC bumalik sa showbiz, kaya seryoso na siya sa pagpapapayat.

“Actually, nami-miss ko po mag-hosting. Nakaka-miss po mag-host,” bulalas ni KC.

“But I’m really trying to get as fit as I can… back to… yung aking screen look.

"So, I’m excited to work on my sexy body, hanggang makuha ko na yung look na gusto ko.

“Kasi meron din akong gusto for myself. Kapag napapanood ko yung sarili ko, gusto ko yung meron akong particular na hitsura na hinahabol.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, ako rin po yung biggest critic ko.”

Ayaw pang idetalye ni KC ang tungkol sa pagbabalik niya, pero nakikipag-meeting na raw siya.

“Nag-meeting po,” sambit niya.

“Actually, hindi po ako nag-iisip in terms of comeback.

"Ang iniisip ko lang po is yung project na nakaka-excite. Hindi lang po para sa akin, pero para sa fans.

“And then… dito lang naman po ako. I just wanna look my best. And then, as natural as possible.”

Read: Priscilla Meirelles finds strength in her struggles as a single mom

NOEL FERRER

Hindi mabilis ang pagpayat ni KC Concepcion dahil mas gusto raw niya sa natural lang na proseso.

“Kailangan as natural as possible ang weight loss,” pakli niya.

“Natatakot po ako sa mga gamot na nauuso ngayon. Hay! Nag-try po before. Pero parang mas gusto ko po na mas natural.

“Although, mas matagal kapag natural yung weight loss. Pero mas healthy po siguro, I’m not sure….

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hinahabol ko yung sexy body ko na gusto kong makita.”

Bilib nga raw siya sa kanyang ina na si Sharon Cuneta dahil na-maintain na nito ang magandang pagpayat.

“Ang galing-galing ni Mama,” sambit ni KC,

“Sabi niya, ‘Sige lang, anak. Keep going.’ Ganun!

"Pag kunyari nagda-diet, nag-exercise. ‘Sige lang, anak. Kaya mo! Keep going,’ ganun lang.

“'Don’t pressure yourself too much sa mga sasabihin ng tao,' ganun.”

IGNORING THE BASHERS

Hindi naman daw siya nagbabasa sa mga komento, mga bashing ng ibang netizens.

“Parang ano po. Hindi po ako nagbabasa. If ever parang… minsan agree din naman ako sa kanila.

“Pero minsan, hindi na rin po ako nagpapa-affect kasi hindi naman po nila ako kilala or part na rin po yun, e. Tahimik na lang po ako,” saad ni KC.

Isa ako sa mga nag-aabang ng pagbabalik ni KC as a host.

Mahal natin ang batang yan. Hanggang sa huli, anak-anakan pa rin ang turing natin diyan!

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Derrick Monasterio admits losing hope in Philippines amid political controversies

JERRY OLEA

Pagdating sa lovelife ay tahimik din si KC Concepcion.

Hindi naman daw niya itatago kapag meron na siyang puwedeng ibahagi sa lahat.

Aniya: “You know po, kapag meron akong special announcement, I promise I will let you know. Ima-manifest natin yan!

“Kailangan makikita mo, malalasahan mo, parang mapi-feel mo yung gusto mong mangyari, and mangyayari siya.”

Nagugulat na lang daw siya sa mga napapabalita noong magpapakasal na siya.

“Oo nga po! Bakit nga po ganun?” bulalas niya.

“Wala po talaga. Wala pa po. Pero ganun po ang showbiz minsan. Magugulat din yung tao.

"'Ha? Nangyari ba sa akin yun?' Hindi po lahat totoo.

“Right now, I will let you know po ng info kapag meron na po talagang serious or something. I promise. I will let you know.”

NEW BUSINESS VENTURE

Meron daw sinimulang negosyo si KC na talagang hands-on daw siya sa pag-aasikaso. Pero hindi pa raw muna niya sasabihin kung ano ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Meron po ako isang business na super excited about.

“Hindi ko pa po puwedeng i-share. Kasi, parang baby steps. First early stages pa lang.

“I’m so excited to let you know. Pero not yet. Kasi hindi pa hinog yung product,” napangiting pahayag ni KC.

Read: Amy Austria explains why she never stresses over "pasaway" co-stars on set

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
KC Concepcion says she misses hosting and is now preparing for a possible comeback by working on her fitness and “screen look.” The actress also hinted at new projects, a budding business venture, and a future “special announcement” about her love life.
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results