JERRY OLEA:
“Virgin at 62!”
Deklarasyon iyan ni Jackie Lou Blanco sa mediacon ng Virgin Lab Fest XXI: Hubo’t Hubad noong Mayo 19, 2026 sa Tanghalang Ignacio Gimenez (CCP Black Box Theater) sa CCP Complex, Pasay City.
Ang VLF ay isang annual theater festival na layuning magpakita ng "untried, untested, and unstaged one-act plays."
First time mag-VLF ni Jackie Lou. Kasama siya sa cast ng one-act play na Lualhati, na idinirek ni Mara Paulina Marasigan mula sa panulat ni Gab Mactal.
Magkatambal sila ni Angel sa play na may temang LGBT. a
Ang logline ng Lualhati, “A former nun turned Philosophy professor and Lualhati meet again. Their memories of faith and romance emerge on the last night of the wake held at the Our Lady of the Gate of Dawn convent.”
Ka-cluster ng Lualhati sa Set B: Kapit Tuko ang mga dulang Balos at Haram. Take note na lumabas si Jackie Lou sa dalawang run ng dulang The Foxtrot.
Originally, tampok ang The Foxtrot sa 19th Virgin Lab Fest: Pintog noong Hunyo 2024, bida sina JC Santos at Liesl Batucan-del Rosario. Itinanghal kapagkuwan ang The Foxtrot last year sa The Mirror Studio Theater sa Brgy. Poblacion, Makati City.
Noong una, sina Jackie Lou at JC ang magkatambal noong Marso-Abril 2025. Kapagkuwan ay si Royce Cabrera ang ka-partner ni Jackie Lou noong Agosto 2025.
“Yes, nauna dito [sa VLF] ang The Foxtrot with JC and Miss Liesl. Tapos nagawa ko with JC, tapos nagawa ko uli with Royce,” sey ni Jackie Lou.
“Tapos I got to do Anthropology also with Barefoot Collaborative. Tapos ito namang Lualhati, first VLF ko.”
Read: Jackie Lou Blanco nagsalita tungkol sa pagdadalamhati, korapsyon
JACKIE LOU BLANCO ON JOINING VLF
Ginusto talaga niyang mag-VLF?
“I really wanted after I was able to watch. Kanino ba ako nagsabi? I don’t know it I told Tata Nanding [Josef] or Sir Dennis [Marasigan],” lahad ng 62-anyos na aktres.
“Na sabi ko, ‘Uy! If are auditions or may role na bagay sa akin, let me know.’ So yun. And then natawagan ako at sinabing, ‘Can you do a reading with the director?’
“Sabi ko, ‘Yeah, of course.’ So iyun.” OK sa kanya iyong title role na Lualhati?
“Yes, kasi I had never done a role na ganoon. And then I was so happy because I was going to get to play opposite Angel Aquino,” saad ni Jackie Lou.
“Tapos si Iana [Bermudez], her daughter, tapos si Bea [Garcia-Choy], si Miss Banaue [Miclat] also.”
Kumusta so far ang kanilang rehearsal?
“Maayos naman. I mean, it’s always a work progress. Kasi, di ba, from the first rehearsal, merong madadagdag, may kaalaman,” pahayag ni Jackie Lou.
“May new perspective, di ba? But it’s been really, really nice. I mean, parang it’s something that pag napanood mo, you will be able to relate to even if hindi mo katulad iyong characters.
“But the feeling, for sure, naramdaman mo iyon at some point in your life maybe in a different situation.
“It’s very relatable also as far as what you go through.”
Read: KC Concepcion preparing for comeback, wants to regain screen look
VIRGIN LAB FEST LIST OF PLAYS
Ang theater festival na VLF XXI: Hubo’t Hubad ay gaganapin sa Hunyo 3-28 sa Tanghalang Ignacio Gimenez (CCP Black Box Theater), CCP Complex, Pasay City.
Labinlimang (15) one-act play ang main feature dito, na hinati-hati sa limang set — Tengang Kawali, Kapit Tuko, Balat Kalabaw, Pusong Mamon, at Dilang Matalim.
Bawat set ay may tatlong dula. Sa unang pagkakataon ay apat na linggo na ang VLF. Ito rin ang most star-studded line-up ng VLF ever.
Maliban kina Jackie Lou, Angel, at Iana, magpapakitang-gilas sa VLF XXI: Hubo’t
Hubad sina Elijah Canlas, Meryl Soriano, Glaiza de Castro, Christian Bables, CJ Navato, Mosang, Gio Gahol, Carlos Siguion-Reyna, Rafa Siguion Reyna, Adrienne Vergara, at Donna Cariaga.
Read: Ogie reveals Regine underwent voice treatment ahead of concert
NOEL FERRER:
Aminado si Jackie Lou Blanco na medyo nahirapan siya sa schedule kamakailan.
Lahad niya: “Iyung nahirapan lang siguro ako, when I was finishing House of Lies, I was also rehearsing for this [Lualhati], and then I was also finishing Cinemalaya.
“So medyo nagkasabay-sabay siya. So ang nangyayari sa akin dati, during breaktime ng TV ko, nagmememorya ako ng VLF.
“Parang I’m using the time, those hours na wala akong eksena, na magme-memorize. And then pag rehearsals naman, nandoon ako sa rehearsals.
“It was just medyo mahirap kasi parang naging simultaneous siya. But I’m happy now na natapos na iyong TV, at tapos na rin iyong Cinemalaya. Itong VLF na lang.”
ON JUGGLING ACTING STINTS
Noong Mayo 22, Biyernes ng hapon nag-finale ang teledramang House of Lies sa Kapuso network. Sa Cinemalaya filmfest last October ay kasama siya sa pelikulang Paglilitis bilang asawa ni Leo Martinez.
Sa darating na Cinemalaya sa Agosto, tampok naman siya sa pelikulang Mag-iina, sa direksyon ni Giancarlo Abrahan. Originally ay stage play iyon na akda ni Guelan Luarca. Kakaiba ang mga project na ito, ha?!
“Tuwang-tuwa nga ako, lalo na iyong sa Cinemalaya. Ibang-iba siya. Ito ring sa VLF, ibang-iba!” bulalas ni Jackie Lou.
Nandoon ang fulfillment, na hinahanap niya dati?
“I think yes. Because like itong role ko dito sa Lualhati, hindi ko ito magagampanan on TV,” sambit ng beteranang aktres.
“Puwede ko sigurong gampanan sa movies, pero sa TV, hindi, with the theme.
“Iyong sa Cinemalaya, ibang-iba talaga. As in ibang-iba! I have never done that. At iyong tema, it was very different pero it was very challenging.
“Doon sa Mag-iina, I play a much, much, much, much older woman. So ibang-iba talaga siya.”
Masaya ako na nasa actress era talaga itong si Jackie, o kilala rin sa initials niyang JLB.
Kahit anong mapanghamon na papel, hindi niya inuurungan. Sana, dumating din ulit ang kanyang singer at host at endorser era.
Grabe, ano, kung kailan naging Virgin at 62 ay she is more active and purposeful as ever! All the best, JLB!
GORGY RULA:
Napaka-visible ni Jackie Lou Blanco ngayon, sa totoo lang. Katatapos lang ng House of Lies, pero may special participation pa siya sa pagsisimula ng The Master Cutter. Ang galing niya!
Nagawa pa niyang isingit sa taping schedules niya ang rehearsal ng stageplay. Pagkatapos nitong VLF, tiyak na masusundan siya ng drama series. Ang naririnig ko sa ilang production staff, magaan siyang katrabaho.
This coming week ang technical dress rehearsals ng 15 one-act plays sa main feature ng VLF.
Bakit kamo Hubo’t Hubad ang tema ng VLF sa ika-21 edisyon nito?
Ang sabi nga ng festival directors na sina Toni Go-Yadao at Marco Viana, ito ay isang “celebration of adulthood, raw energy, and fearless storytelling. This is where the Filipino voice and spirit are laid bare to tell stories without restraint.”
Ano ang hubo’t hubad kay JLB sa dulang Lualhati at sa kanyang personal na buhay?
“Siguro personally, hubo’t hubad at my age, it’s iyong acceptance of certain things,” tugon ni Jackie Lou.
“It’s being honest about where you are sa buhay mo, ano iyong challenges. Ano iyong things na kailangan mong tanggapin.
“At dito naman sa play, hubo’t hubad in being able to verbalize at sabihin kung bakit niya ginawa iyong ginawa niya para maintindihan siya nung co-actor ko, the role of my co-actor.”
