PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Why is Mhack Morales removed from new Desperada poster?

Mhack Morales's talent manager posts intriguing message online.
by PEP Troika
Published 16 hours ago
mhack morales desperada poster
Mhack Morales is noticeably absent from the newest poster of Desperada, sparking curiosity among netizens since the actor plays one of the movie’s key characters alongside Robb Guinto and Yasser Marta (right).
PHOTO/S: Facebook / File

JERRY OLEA

Tinanggal ang pangalan ni Mhack Morales sa pelikulang Desperada na nakatakdang ipalabas sa Mayo 27, 2026, Miyerkules, sa local cinemas.

Ang Desperada na idinirek ni Louie Ignacio ay isa sa anim na competing feature films sa 8th Sinag Maynila filmfest noong Marso 23-Abril 1, 2026.

Tatlo ang bida rito — sina Robb Guinto bilang Brenda, Yasser Marta bilang Lucio, at Mhack Morales bilang Hesus.

Prominent ang pangalan nilang tatlo sa dalawang official posters.

Sa isa ay si Robb na title role ang tanging may litrato sa poster.

desperada poster
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa isa pang poster ay litrato ng tatlong bida ang nakabalandra.

desperada poster

MHACK MORALES REMOVED FROM DESPERADA POSTER

Pero sa bagong poster ng Desperada, ang magkasintahang Robb at Yasser lang ang nakalagay ang malaking litrato, at prominente ang pangalan.

May maliit ding litrato nina Jorge Guda, Joko Rivera, at Julianne Richards.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nasa bagong poster din ang names nina Sue Prado, Mercedes Cabral, Julianne Richards, at Jorge Guda na above the title.

Below the title ang mga starring na sina Marife Necesito, Adda Musni, Tabs Sumulong, Joko Rivera, Maestro Po, Vhize Negra, Austin Romano Felipe, Byuti Veloso, Reyjune Pana Bunggo, at Elaine Bautista.

Waley ang pangalan ni Mhack!!!

desperada poster
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang executive producer ng Desperada ay si Lito de Guzman (LDG) na manager nina Robb, Mhack, Julianne, Jorge, at Joko.

NKKLK ang katwiran ni LDG sa recent Facebook post kung bakit wala ang pangalan ni Mhack sa poster.

lito de guzman post

Nag-reach out ako kay Mhack via Messenger noong Mayo 23, Sabado, at inusisa siya kung ano ang nangyari at naligwak siya sa poster.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

As we write this, wala pang reply si Mhack. Seen lang niya yung message namin.

Read: Threesome ng mga bida sa Desperada, nakakabaliw

NOEL FERRER

Napakaikli ang role nina Mhack Morales at Charles Nathan sa pelikulang Anak ng Macho Dancer (2021) na idinirek ni Joel Lamangan, at iprinodyus ni Joed Serrano.

Puwede ngang tanggalin ang roles nila, at wala iyong bearing sa plot.

Ganoon pa man ay above the title ang pangalan nila, at nasa litrato sila ng poster kasama sina Sean de Guzman, Ricky Gumera, at Miko Pasamonte.

Rumatsada si Mhack sa mga pelikulang nag-streaming sa VMX.

Kabilang diyan ang Pantasya ni Tami, Red Flag, at Sweet Release noong 2024.

Noong 2025 ay nagpauga si Mhack sa Bulong ng Laman, 69, Puri for Rent, at Next Room Affair.

This year ay nasa Sulutan siya.

MHACK MORALES'S ROLE IN DESPERADA

Importante ang role ni Mhack bilang Hesus sa Desperada.

Puwedeng tanggalin ang pangalan at mukha niya sa poster, pero hindi siya puwedeng alisin totally sa mismong pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matatandaang emotional si Mhack sa Sinag Maynila gala premiere ng Desperada noong Marso 23, 2026, Lunes ng 8:00 P.M. sa Gateway Mall, Cubao, Quezon City.

Maluha-luhang pagtatapat ni Mhack: “Nandiyan din pala yung mama ko, yung pamilya ko. Maraming-maraming salamat sa pagpunta ninyo. Tita ko, mama ko, at mga kapatid ko.

“At ito ay para sa lola ko na… nawala na… Yung movie ko… sorry po, ahhmm… ipinakita ko po ito sa lola ko, yung behind the scene po.

“Yun po yung umiiyak ako, akala niya po totoo. Gusto ko po sanang ipapanood sa kanya ito kaso wala na siya.”

Noong Pebrero 27, 2026 pumanaw ang lola ni Mhack.

Emotional at maluha-luha rin kaya si Mhack matapos makita ang bagong poster ng Desperada kung saan tinanggal ang kanyang pangalan?

Read: REVIEW: Desperada hooks you with characters you can’t ignore

GORGY RULA

Nagbabadya ng di magandang resulta ang Desperada kapag may kanegahan ang promo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod sa isyu ng di pagkasali ng pangalan ni Mhack Morales sa billing, sinimulan ito ng bangayan nina Yasser Marta at Jobert Sucaldito.

Pinatulan ni Yasser ang pagsita ni Jobert sa ipinakitang PDA ng Kapuso actor at ng kasintahan niyang si Robb Guinto.

Ang tindi ng sagot ni Yasser laban kay Jobert. Sana, hindi na ito pinatulan ni Yasser.

Hindi magandang nahahaluan ng negatibong vibes ang promo ng Desperada.

Ang pagganap ni Yasser sa movie ay nagpanalo sa kanya bilang best supporting actor ng Sinag Maynila 2026 filmfest.

Curious din ako kung kaya na ba ni Robb magdala ng pelikula dahil malakas siya sa telebisyon, e.

Madalas na nage-guest si Robb sa ilang weekly shows dahil nagre-rate kapag kasama siya.

Malakas ang dating ni Robb sa screen, kaya tingnan natin kung malakas din siya sa takilya.

Read: KC Concepcion preparing for comeback, wants to regain screen look

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mhack Morales is noticeably absent from the newest poster of Desperada, sparking curiosity among netizens since the actor plays one of the movie’s key characters alongside Robb Guinto and Yasser Marta (right).
PHOTO/S: Facebook / File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results