GORGY RULA
Dalawang programa ng GMA-7 ang nagtapos noong Biyernes, Mayo 22, 2026 — ang afternoon drama series na House of Lies at ang primetime action-drama series na Never Say Die.
Maganda ang ratings ng mga ito.
Ang naitalang ratings ng dalawang programa nung araw na yun ay hindi yung usual na daily ratings nila.
Natapos na ang House of Lies sa Afternoon Prime, at nakapagtala ito ng 6.8% na rating.
Pero hindi nagpahuli ang Born To Shine na consistent namang mataas. Naka-6.8% din ito.
Ang sumunod sa House of Lies na Apoy Sa Dugo ay naka-6.1%.
Ang Kamao ni Anton Vinzon ang kapalit sa timeslot na iniwan ng House of Lies simula ngayong Lunes ng hapon, Mayo 25.

MAY 22 PRIMETIME RATINGS
Kinagabihan, finale na rin ng Never Say Die na may 8% na rating.
Ang mga katapt nitong The Alibi ay 2.7%, at My Bespren Emman ay 0.6%.
Mataas din ang sumusunod ditong The Secrets of Hotel 88, na naka-3.8%; at ang Queen Mantis ay 1.5%.
Pero mas sinusubaybayan pa rin ang The Master Cutter ni Dingdong Dantes, na consistent na double digit ang rating. Naka-10.2% ito nung Biyernes.
Ang katapat na Blood vs. Duty ay 3.3%, at ang A Secret in Prague ay 0.7%.
Read: KC Concepcion preparing for comeback, wants to regain screen look

NOEL FERRER
Noong Huwebes, May 21, 2026, ay winner pa rin ang ratings ng mga programa ng GMA-7 mula hapon hanggang primetime.
Ang It’s Showtime ay 5.6%, at ang Eat Bulaga! naman ay 2.9%.
Ang taas lalo ng Born To Shine na naka-7%; ang Can’t Buy Me Love ay 0.4%, at ang Frontline Express ay 1.5%.
Ang House of Lies ay 6.4%; ang High Street ay 0.2%; at ang Kapamilya Gold Hits ay 0.1%.
Ang Apoy sa Dugo ay 5.8%.
Ang Fast Talk With Boy Abunda ay 3.4%, at ang sumusunod na The Sweetest Taboo ay 2.3%. At ang TV Patrol Express ay 0.5%.
Ang Family Feud ay 6.2%; ang Minute To Win It ay 0.7%; at ang Una Sa Lahat ay 0.9%.
MAY 21 PRIMETIME RATINGS
Pagdating sa primetime, naka-11.2% ang 24 Oras.
Ang TV Patrol ay 2.6%, at ang Frontline Express ay 1.5%.
Sumunod ang The Master Cutter na 10.5%.
Ang A Secret in Prague ay 0.8%, at ang Blood vs Duty ay 3.6%.
Lalo pang tumaas ang Never Say Die na 8.8%.
Ang The Alibi ay 3 %, at ang My Bespren Emman ay 0.7%.
Sumunod ang The Secrets of Hotel 88 na 5%, at ang Queen Mantis ay 1.5%.
Ang Saksi ay 2.6%.
Read: Ogie Alcasid reveals Regine Velasquez underwent voice treatment ahead of Finale concert
JERRY OLEA
Ang nakakapanghinayang ay ang ASAP XP na inilipat ang timeslot sa 5:30 ng hapon at abot na hanggang primetime. Lalo pang bumaba ang viewership nito.
Narito ang ratings ng mga programa noong Linggo, Mayo 24, 2026:
All-Out Sundays, 2.5%; Sunday Noon Blockbuster, 1%.
Regal Studio Presents, 2.4%; Cine Astig, 0.7%; Tubig To Handle, 0.5%.
Resibo, 2.6%; May Puhunan, 0.3%.
FPJ Sa GMA, 3.1%; Rated Korina; 0.5%.
Marc Logan, 0.5%, TV Patrol Weekend, 0.5%.
24 Oras Weekend, 4.6%; Frontline Weekend, 0.4%; ASAP XP, 1.4%.
Bubble Gang 30, 4.9%; Aksyon kay Tulfo, 0.4%.
Stars on the Floor, 6.1%; Deal Or No Deal, 2.3%.
Mataas ang PBA sa RPTV na ang Recap ay 2.9%, at ang Game 2 ay 3.8%.
Ang Kapuso Mo, Jessica Soho ay 10.5%.
Ang Everybody Sing ay 1.9%, at ang Tik Talks ay 0.3%.
Ang Maalala Mo Kaya ay 0.9%.
Ang The Boobay and Tekla Show ay 3%.
Read: Faith da Silva and Sam Verzosa react to dating rumors after concert sighting
