GORGY RULA
Hindi kami makapaniwala sa nakarating sa aming balitang gay umano itong si Magaling na Aktor na minsang kumita nang triple o higit pa ang pelikulang pinagbidahan niya.
Never siyang natsismis, o pinagdudahan man lang na may bahid.
Masaya kasing kasama itong si Aktor, na kahit magbading-badingan ay akala mo nagpapatawa lang siya.
Marunong siyang makisama, pati sa press, at tahimik lang siya.
Hindi rin siya nasangkot sa kontrobersiya.
Iilan lamang sa mga malalapit niyang kaibigan ang nakaalam sa tunay niyang sexual orientation.
Pati ang pribadong buhay niya ay tahimik lang din.
Read: Why is Mhack Morales removed from new Desperada poster?
THE REAL STATUS OF THE ACTOR
Palaisipan pa rin sa amin kung may asawa’t anak ba si Aktor.
Basta ang sabi lang niya, very private ang buhay niya.
Sabi ng aming reliable source, hindi siya sure kung may anak si Aktor.
Ang alam daw niya ay may non-showbiz itong dyowa na lalaki, o baka gay rin. Basta, may karelasyon daw itong kapwa lalaki.
Tahimik at masaya lang ang kanilang relasyon. Kaya siguro masaya lang din ang aura niya at matutuwa ka sa kanya kapag magpatawa na ito.
Gusto tuloy namin subukang interbyuhin siya uli at subukan naming tanungin tungkol kung kabilang nga ba siya sa LGBTQIA+ community.
Kaya lang, baka umamin at isipin ng karamihan nagpapatawa lang siya.
Read: Bortang Actor, na-attract kay Hunk Actor na may video scandal?
NOEL FERRER
Talaga? Parang hindi.
Noong nasa isang network pa si Aktor ay may itinutukso sa kanyang girlash, pero hindi iyon nag-flourish.
Sakaling gay nga siya, e, weno ngayon?
Magaling at mabait ang aktor na ito.
Sana, masaya siya.
JERRY OLEA
Dadalo kaya si Aktor sa White Party Manila: Reignite sa Hunyo 27, 2026 sa World Trade Center Manila, Buendia Ave., Pasay City sakaling imbitahan siya?
Kung ano’t ano man, very much welcome siya roon kahit bilang ally lamang.
Lahat ay welcome sa White Party Manila 2026, sabi nga ng Mentorque producer na si Bryan Dy.
Read: Ogie Alcasid reacts to rumors about hosts leaving It’s Showtime
