GORGY RULA
Apektado ang rehearsals pati ang staging ng musical play ng Ibarra… Ngayon sa GSIS Theater, Pasay City.
Katabi ng GSIS Theater ang Senate building kaya nakadepende raw sa nangyayari sa Senado ang schedule ng rehearsals nila.
Pati ang ticket sales nila ay apektado na rin.
Ibinahagi ng direktor ng Ibarra… Ngayon na si Frannie Zamora na nasa GSIS Theater sila nang nagkaputukan sa Senado noong May 13, 2026. Nahirapan daw silang lumabas.
Magmula nun, hindi na madali sa kanila ang schedule ng rehearsal.
“Day to day kami rito, e,” sabi ni Direk Frannie nang nakapanayam ng PEP Troika sa kanilang rehearsal noong nakaraang linggo.
IBARRA... NGAYON REHEARSALS AFFECTED BY SENATE CONFLICT
Pabagu-bago na raw ang schedule nila, depende sa nagaganap sa Senado.
“Let’s say, 'O 11:00 na kayo magpunta, kasi magkakaroon ng something sa kabila. Isasara ang gate ng 1:00 o’clock.'
"'So, ano ang next schedule? 'Ah, puwede na kayo ng 1:00.'
“So, ang hirap. Nagbibigay kami ng leeway sa mga rehearsal hours or days na puwede kaming maalis sa venue.
"Because we’re very near the ano… kumbaga sa ano, e, war zone, di ba?
“Nandiyan lahat ngayon, di ba?” napapabuntong-hininga na pahayag ni Direk Frannie.
Kaya napaka-challenging daw ng pinagdadaanan nila para maituloy lang ang kanilang palabas.
“Sorry for my term. Pero, yun nga, as producer with Jomar [Fleras), nahihirapan i-clear.
"Eto yung greatest challenge ng Ibarra… Ngayon. Yung ngayon, yung sitwasyon ngayon,” dagdag niya.
Sa June 18 na magsisimula ang Ibarra… Ngayon, na tatampukan ng Kapuso actor na si Derrick Monasterio.
Kasama rin sa cast sina Andrea Manuel-Stevenson bilang Maria Clara; at sina Jay Mangui at Bon Gonzales na parehong gaganap bilang Padre Salvi.
Ito’y handog ng Tanghalang Una Obra sa pakikipagtulungan ng GSIS o Government Service Insurance System at Nickel Asia Corporation, para sa Rise Against Hunger Philippines.
Ito’y sa panulat at libretto ni Jomar Fleras.
Read: Priscilla Meirelles finds strength in her struggles as a single mom

JERRY OLEA
Dagdag na pahayag ni Direk Frannie Zamora, magmula nang nagkagulo sa Senado ay naapektuhan na rin ang kanilang ticket sales.
Lahad niya: “Before kami mag-start mag-promote sa social media, naka-25,000 views kami… engagement, malaki.
“Nung mag-start yung mga gulu-gulo, wala na. Nabawasan na kami unti-unti. Ano nangyari, e, ang lakas namin.
“Ang lakas ng Ibarra… Ngayon. Tapos yung ticket sales namin, sa halip na gumanun [pataas], wala, baba, baba, baba.
“So, may problema. Pag may problema, solusyon ang kailangan, di ba?
“Kasi sa atin, sa nangyayari ngayon, may problema ang bayan, walang solusyon.
“Kung may solusyon man, band-aid solution. Kanya-kanyang interes. Yun lang ang gusto nilang i-solve.
“Tayo naman tahimik as taumbayan, e, di ba? Sila ang magulo. Hindi tayo.
“E, dapat ang gobyerno ang taumbayan. Bakit naiiba na yung thrust, naiiba na yung dapat gawin?
“Yun ang hindi ko maintindihan. Bakit palubog tayo nang palubog, imbes na umangat?” patuloy na himutok ni Direk Frannie.
Read: Derrick Monasterio admits losing hope in PH amid political issues

NOEL FERRER
Para sa lead star ng Ibarra... Ngayon na si Derrick Monasterio, kailangan talaga ng edukasyon sa ating lahat para mamulat tayo sa mga nangyayari ngayon.
Ani Derrick: “So ako, yung feeling ko, parang nakakawala ng hope.
“Actually, sa panunulat ni Rizal, yun na nga, e. Sinasabi na nga niya kung ano yung solusyon, e, which is mag-aral.
“Yun lang naman. Mag-aral ang taumbayan, maging educated.
“Ang liit lang ng Pilipinas, e. Madali lang siyang ayusin, di ba? Pero yun nga, parang… kung ang pinaka sa kataasan-taasan.
“Wala, e. Kailangan lang talagang gumising.”
JAY MANGUI
Pahayag naman ng isa sa cast member na si Jay Mangui: “Nakakagalit yung nangyayari sa Pilipinas. Kasi, yun nga ang sabi ni Derrick, wala nang pag-asa.
“Pero siguro in time, darating yung panahon. I’m still hoping. Pero matagal pa siguro yun pag yun nga kailangan ang mga tao ay edukado.
“Pero siyempre, kahit yung mga edukadong tao, usually, sila pa rin mismo… gaya ni Padre Salvi... nagpapaikot kasi si Padre Salvi.
“May isang part sa musical na ginagamitan ng pera para mabagsak si Ibarra.
“So I think it’s the same sa panahon ngayon na hanggang ngayon, nangyayari pa rin yun.
“Kaya nakakagalit, yung mga taong nababayaran para may mapabagsak siguro na tao.”

ANDREA MANUEL-STEVENSON
May dagdag namang pahayag ang gumaganap na si Maria Clara na si Andrea Manuel-Stevenson.
Ani Andrea: “Nanood ako ng news kahapon, it’s a big joke.
"Nawala po ako ng few years, going to London and coming back a bit longer, nakita ko talaga yung need for education. Need for people to step up.
“And dito nga po sa Noli Me Tangere din, Maria Clara sings about the country. And sabi niya nga, ‘Kaytamis ng mamatay nang para sa bayan.’
“And we all have to make sacrifices, especially people who have more.
“Mamatay ka na sa sariling gusto mo para mapaunladang mundo.
“Be selfless. Yun po talaga.”

BON GONZALES
Nagbigay rin ng komento ang isa pang gumaganap na si Padre Salvi, si Bon Gonzales.
Saad niya: “Nakakagalit din, and it’s a joke yung nangyayari sa atin.
“Parang pinaglalaruan na lang, e, di ba? Pero that calls the question na, 'Ano ang gagawin natin as Filipinos? How do we step up?'
"And I think Rizal answers that clearly, that everyone has to be educated.
“Everyone has to know their facts. Everyone has to be informed about the truth.
“And, of course, kaya nga ang sinabi ko kanina, kung ire-rewrite daw si Salvi, paano siya ire-redeem?
“Accountability. He has to be accountable for everything that he did.
“So he has to repent, accountable for everything.
“Siguro call na rin yun for anyone who has broken the law. He has to be accountable din.
“Ang hirap naman na masa lang ang nagdudusa, habang ang iba na bigger fish are doing worse. Andiyan pa rin. Nabubuhay nang matiwasay.
“I think yun yung part na nakakagalit. Bilang ang Flipino, nagtatrabaho nang honest, lumalaban ka nang patas.
“Then there’s these people that pull their strings that are just that one thing to get their way with everything.”

Read: Enrique Gil, 34, owns farm, beachfront property, home in Spain, 7 prime lots
