GORGY RULA
Napagkatuwaan naming i-ship ang Kapuso actress na si Jillian Ward at si JL Toreliza ng BGYO nang nakapanayam sila ng PEP Troika sa media conference ng The Clash Teens ngayong Martes, May 26, 2026.
Sila ang nasa Clash Panel, kasama si Christian Bautista, sa 8th season ng The Clash.
Magkatabi sila nang nakapanayam namin.
Sa totoo lang, bagay sila at puwede silang mag-partner sa isang series o anumang project.
Tila may chemistry ang mestisang Star of the New Gen at ang Chinito P-Pop Charmer.
JL ON POSSIBLE PAIRING WITH JILLIAN
Tinanong namin si JL kung okay ba siyang mag-acting at puwedeng magbida sa isang series na si Jillian ang ka-partner.
Ikinuwento ni JL na nag-guest ang BGYO sa Kapuso afternoon drama series na Born To Shine, kung saan nakasama nila roon si Zephanie.
“Actually, marami na kaming mga acting experiences. Ngayon, meron na kaming collab with Yumi sa Born to Shine na naere na,” saad ni JL, na ang tinutukoy ay ang fictional girl group sa teleserye.
“So, malay mo, kami ni Jillian, maka-work ko… kaming tatlo. Malay mo magkateleserye kami.”
Puwede raw kasama rin si Christian, dahil parang isang pamilya sila sa The Clash Teens.
“Magkaka-batch lang naman po kami. Maybe po this time, singing tandem, di ba?” pabirong sabi ni JL.
“Tapos ako ang tatay nila!” singit ni Christian.
“Magkapatid po kami,” giit ni Jillian.
“Magkakapatid po kasi ang turing namin sa isa’t isa e. Pinipilit nyo po talaga?” naniningkit na ang matang sabi ni JL, na natatawa na lang sa mga panunukso namin.
Read: Catriona Gray on rumored new boyfriend: “I’m happy.”

JERRY OLEA
Sabi pa ni Jillian Ward, “Alam niyo yung mga tao, basta pag nakatabi ko, bagay daw.
"Tropa ko ito, e. Kapatid ko na ito, e,” pagtukoy niya kay JL.
Nagpapasalamat si Jillian dahil laging maganda ang resulta ng pakikipag-tandem niya sa mga nagiging leading man niya.
Maganda rin ang resulta ng tambalan nila ni David Licauco sa katatapos lang na Never Say Die.
Saad ng Kapuso actress: “Siyempre po very grateful. Kasi sa akin po, sobrang bina-value ko po yung, kumbaga, ang rapport ko sa mga katrabaho ko.
“Kumbaga, tumatagal din po kasi nang sobrang tagal yung na-form ko na friendship with them, connections with them. Sumasaya po ako.
“I think, somehow, naging effective din po yung show na ginagawa namin. So, grateful po ako na may napapasaya kaming mga tao.
“Na kahit ano po yung gawing mga tandem sa isang show, e, natutuwa po sila,” saad ni Jillian.
IS JILLIAN WARD DATING KOBIE BROWN?
Nakabantay kay Jillian ang ilang taga-Sparkle, na obvious iniiwas pag-usapan ang tungkol kay Kobie Brown, na kasama ng aktres nanood ng concert ni Jessica Sanchez.
Ready na ba siyang magka-lovelife?
Sagot ni Jillian: “Alam niyo po, I think puwede naman po siguro, no? Twenty-one na po ako. Puwede na po siguro.
“Actually, yung mama’t papa ko po, open na po sila.
"Hindi naman po ako in my twenties forever. So, gusto ko rin po ma-enjoy yung pagiging young ko, yung pagiging 21 ko.
“Yes! I’m open naman po na maging happy na kiligin. Sana ano…tanggapin niyo yun.”
Dating lang ba yung spotted sila ni Kobie sa Jessica Sanchez concert?
“Dating agad?” bulalas ni Jillian.
“Well, basta po pag ano… ito na lang po ang masasabi ko lagi. If it didn’t come from me, huwag niyo sabihin agad na totoo o hindi,” pakli niya.
Read: Why is Mhack Morales removed from new Desperada poster?
NOEL FERRER
Excited si Jillian Ward sa bagong role niya bilang kasama sa panel ng The Clash Teens.
Ani Jillian: “Siyempre po nandun po yung pressure… very well-respected sa industry. And I’m so grateful for this opportunity po.
“And that’s why din po, sobrang sineseryoso ko po itong ibinigay na opportunity ng GMA na maging judge ng The Clash.
“Kasi sobrang big deal po siya talaga sa akin. Ayoko pong basta-basta lang po na mga advice na ibinigay ko.
“So, I made sure po talaga na pag-aralan ko po yung gagawin ko for this project.
“Nag-singing lessons po ako. Nag-research po ako.
"I don’t take this role — ang pagiging judge — lightly.”
JL: FROM THE CLASH CONTESTANT TO PANELIST
Si JL naman ay sumali sa Season 1 ng The Clash, at first time daw niyang sumali noon sa isang singing competition.
Marami raw siyang natutunan, at hindi niya akalaing nakaupo na siya ngayon sa The Clash Panel.
Sabi pa ni JL: “Ako naman po, bilang galing Season 1 ng The Clash, ang mga natutunan ko kay Ms. Lani [Misalucha], kay Ms. Ai Ai [delas Alas] ay mase-share ko dito sa The Clash Teens.
"And sobrang thankful po ako dahil na-meet ko sila.
“Ayun! Gaya ng sinabi ni Kuya Christian, i-continue namin yung legacy na sinimulan nila.”
CHRISTIAN BAUTISTA: LAST MAN STANDING
Nagpapasalamat naman si Christian sa Panginoon at sa GMA-7 dahil naiwan siya sa programang pinakamahalaga sa kanya.
Bago niya tinanggap ang pagiging miyembro ng panel ng The Clash Teens, tinawagan daw niya sina Ai-Ai delas Alas at Lani Misalucha para magpaalam at humingi na rin ng blessing.
Lahad ni Christian: “I gave them calls... I honestly asked for their blessing. I gave them calls.
"Sabi ko, ‘Hi, papasok po ako sa Clash Teens, kaya I’m asking for your blessing.’
“They’re happy na continue yung Clash. Continue yung legacy na sinimulan din nila. They will always be a part of The Clash family.”
Sa June 7 magsisimula ang 8th season ng The Clash, na nasa bagong konsepto na para naman sa teens edad 14 hanggang 19.
Read: Ogie Alcasid reacts to rumors about hosts leaving It’s Showtime
