GORGY RULA:
Sa Hunyo 3, 2026, Miyerkules, nakatakdang ipalabas sa mga sinehan ang Habang Nilalamon ng Hydra ang Kasaysayan.
Nakatatlong award sa Cinemalaya 2025 ang pelikulang ito.
Tinanghal na best actress si Mylene Dizon, best actor si Jojit Lorenzo, at best supporting actor si Nanding Josef. Iyong best supporting actress trophy ay nakamit ni Rochelle Pangilinan para sa Child No. 82 (Anak ni Boy Kana).
Very happy siyempre si Direk Dustin Celestino sa acting awards para kina Mylene, Jojit, at Nanding.
“As a director, tingin ko, na-award-an na din ako!” napangiting bulalas ni Direk Dustin noong Mayo 12, 2026 sa Sine Pop, St. Mary St., Cubao, Quezon City.
“Kasi, di ba, tinulungan ko sila to get to that point. Na ni-rehearse namin ito ng pagkadami-daming beses.
“At it validates the… medyo demanding kasi iyung process ko as a director, na I require my actors to rehearse. Na bago kami dumating sa set, bago kami umapak doon, dapat parang teatro na iyong disiplina dito.
“Na hindi sila masyadong magkakamali, kasi wala rin kaming oras magkamali. And the way they performed it, they performed it as if they were on stage.
“Ilalaban niyo bawat take. Hindi ko ika-cut iyan. Parang ano, you have to grind it out. Grind the scene out, tapusin niyo, as if you were doing theater at may audience kayo.
“So it validated that process na nabigyan ng recognition iyong mga actors na nag-participate, who took the time to participate. Na walang exemptions ito. Lahat sila, nag-rehearse talaga.”
Napakahusay ng ensemble nina Mylene, Jojit, Nanding, Zanjoe Marudo, at Dolly de Leon sa Habang Nilalamon ng Hydra ang Kasaysayan.

Read: Bea Alonzo resumes Whispers From Heaven taping amid wedding rumors
DUSTIN CELESTINO ON OPEN ENDINGS
Pero ang pinarangalan ng Cinemalaya 2025 bilang best ensemble ay ang Open Endings na bida sina Janella Salvador, Klea Pineda, Jasmine Curtis-Smith, at Leanne Mamonong.
OK lang ba iyon?
“Para sa akin naman po, mahusay naman din po talaga iyung cast ng Open Endings,” malumanay na sagot ni Direk Dustin.
“Si Jasmine Curtis lalo na, I’ve been a fan of her for a very long time. Iyung unang pelikula ko po, si Jasmine ang bida, iyung General Admission (2021). Ano po ako roon, writer.
“So I’m very happy for them that they got the award. And with regard to the cast po, parang iyung cast naman namin, of course I was hoping that they get acknowledged.
"Pero of course I don’t question naman, and they respect the decision of the judges… Very subjective naman po talaga ang pelikula at ang Art in general.”
Kasama rin si Dolly sa Cinemalaya 2023 film ni Direk Dustin na Ang Duyan ng Magiting.
Paborito ba niyang artista ito?
Mabilis na sagot ni Direk Dustin, “Of course! Dolly de Leon, isa sa mga favorite kong actresses.
“Although I collaborate with the same roster of actors… Miss Dolly kasi, grabe siyang mag-prepare. And matiyaga talaga siyang pag-aralan iyung role.
"Kaya alam ko na kapag si Miss Dolly, nasa cast ko, hindi mapapahiya iyung pelikula. Sigurado, maganda ang quality.”
DUSTIN CELESTINO COMMENDS JOJIT LORENZO
Naipanalo ni Direk Dustin si Jojit bilang best actor sa pelikula! Napansin finally si Jojit! Siguro po, by the audience, siyempre associated siya with his more popular role, iyung kay Enteng [sa FPJ’s Batang Quiapo],” pagmamatwid ni Direk Dustin.
“Pero sa mundo ng teatro, si Kuya Jojit, ano talaga siya… mas siguro, mas mataas iyung pagtingin ng mga peers ko kay Kuya Jojit.
“Na sa amin, siya iyung number 1 pag pinag-uusapan ang husay. Kaya kami, masaya kami lahat na nanalo siya.
“Na for once, nabigyan siya ng best actor award. Kasi ang pakiramdam namin, ang paniniwala namin, dati pa niya deserved iyon.”

Read: Apple David hits back at critics of relationship with Chad Gammad
NOEL FERRER:
Facebook post ng Nathan Studios kaugnay sa nalalapit na showing ng Hydra, “May mga tanong na iniiwasan. May mga boses na pinatatahimik. At may mga katotohanang unti-unting nilalamon ng kapangyarihan.
“Ngunit hindi habambuhay ang dilim habang may mga taong handang magsalita, umalala, at ipaglaban ang bayan.
“Bilang isang Pilipino, anong klaseng bayan ang nais mong maiwan sa oras na tayo’y maging bahagi na lamang ng kasaysayan?”
HYDRA RELEVANT TO CURRENT EVENTS
Mas timely ang pagpapalabas ng nasabing movie considering ang mga kaganapan sa ating bansa?
“Sa palagay ko po, it’s unfortunate na relevant pa rin siya ngayon," pagtatapat ni Direk Dustin.
“Kasi, nang isinulat ko ito, 2022, and iyung hope especially nung panahon na iyon, e, by the time 2026 comes along, iba na iyung pinoproblema natin.
"Pero parang hindi naman nagbabago iyung pinoproblema natin. Paulit-ulit. Andiyan ang corruption, ang disinformation.
“Iyung pinag-aaway-away tayo. Kunyari magkakaiba tayong side pero isa lang naman talagang side dapat ng mga Filipino, which is Filipino.
“Tapos iyung kabilang side, iyung gobyernong umaabuso sa ating tiwala.”
Read: Boy2 Quizon brings back Cita Astals for Home Along Da Riles movie
HYDRA: A MOVIE ABOUT FINDING REAL PURPOSE
Existential drama ang genre ng pelikula.
“Kasi po, ang tinatanong niya is tungkol sa pagkatao natin. Like katauhan, ano ba ang gagawin natin sa mga buhay natin kung ganitong sitwasyon?” paliwanag ni Direk Dustin.
“Saan ba tayo makakahugot o makakahanap ng kahulugan sa mga buhay natin?
“Kaya drama ito ng paghahanap ng silbi natin sa mundo, ng ano ba ang mga dapat gawin, sino ba tayo?
“Iyung mga ganung tanong po ang sinusubukan niyang sagutin.”
Siyanga pala, sa Hunyo 10 naman ang showing ng Open Endings sa local cinemas.

JERRY OLEA:
Nakaka-excite din siyempre na kalahok sa Virgin Lab Fest XXI: Hubo’t Hubad ang dulang Elehiya na si Dustin Celestino ang playwright.
Nasa cast ng one-act play na Elehiya sina Dennis Marasigan, John Sanchez, Carlos Siguion Reyna, Rafa Siguion-Reyna, at Yan Yuzon. Ang direktor ay si Ron Capinding.
Ipapalabas ang mga dula ng VLF 2026 mula Hunyo 3 hanggang 28 (Miyerkules hanggang Linggo) sa Tanghalang Ignacio Gimenez o CCP Black Box Theater, CCP Complex, Pasay City.
“Maganda po iyong tema ng Elehiya. Tungkol sa mga fathers and sons na hindi masyadong nakakapagsabihan ng nararamdaman nila,” sabi ni Direk Dustin.
Mas busy raw si Direk Carlitos sa rehearsals ng Elehiya kesa sa pagmo-monitor ng mga kalahok sa Cinemalaya 2026?
Natawa si Direk Dustin, “Hindi naman po siguro, hindi naman po siguro."
Malapit lang din daw sa puso niya ang Elehiya.
"Kasi matagal ko na rin pong pangarap makatrabaho si Sir Carlitos.
“And lalo na, kasi ang tema namin, father and son. And it’s very exciting for me to be able to witness kung paano iyong… siyempre ang kaeksena niya rito, ang anak niya, si Rafa. Kaya ang interesting for me.”
Last year ay umakting sa VLF si Bibeth Orteza, ina ni Rafa, asawa ni Direk Carlitos. Nag-VLF na si Rafa sa dulang Edgar Allan Hemingway noong 2018, na revisited noong VLF 2019.

Read: Inside the home of Nico: Livin’ la vida Locco
RAFA SIGUION-REYNA RETURNS TO VLF
First ever sa Elehiya na co-actors ang mag-amang Rafa at Carlitos.
“Exciting, exciting… hindi sa pagmamayabang, pero everytime na nagvi-VLF ako, feeling ko talaga, gumagaling ako,” sambit ni Rafa sa mediacon noong Mayo 19, 2026 sa Tanghalang Ignacio Gimenez.
“Kasi ang gagaling ng mga artista dito! Ang gagaling ng mga writers. Naalala ko lang din ang experience. Kasi andaming magagaling na plays, andaming magagaling na artista. And iyung energy talaga na iyun is a very supportive energy.
“Lahat ng mga playwrights, kahit naglolokohan sila doon sa loob, ‘Hay, yung play ko, hindi na-select.’ Pero sa totoo lang, everybody here is very supportive of each other.
“Everybody’s excited to see each other’s work. And it’s a place to create, so andaming nagke-create, and yun, first time kong makatrabaho ang dad ko [as co-actor] in a play, which is is exciting.”
Noong Setyembre-Oktubre 2016 ay naidirek si Rafa ng ama sa dulang Pangarap sa Isang Gabi ng Gitnang Tag-araw, na saling Filipino ni Rolando Tinio sa A Midsummer Night’s Dream ni William Shakespeare.
“Ngayon lang kami nagkatrabaho ni dad as co-actors and it’s so fun, it’s so fun!” bulalas ni Rafa, na 12 years nang nasa showbiz.
“I realized na to work with your parents doesn’t happen every day. And every time na may job kami na nagkakatrabaho kami, I’m super thankful for it and I’m grateful for it. Ine-enjoy ko lang talaga siya…
“It’s such a rare thing na nakakatrabaho mo iyung parents mo sa industriya natin.”
