PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tom Rodriguez has nothing but good words for co-star Bea Alonzo

Tom Rodriguez says he has no idea about Bea Alonzo's love life.
by PEP Troika
Published 8 hours ago
Tom Rodriguez says Whispers From Heaven co-star Bea Alonzo is easy to work with
Tom Rodriguez describes working relationship with Whispers From Heaven co-star Bea Alonzo; gives update about his family life.
PHOTO/S: @akosimangtomas / @beaalonzo Instagram

GORGY RULA:

Kagagaling lang ni Tom Rodriguez sa ilang araw na bakasyon sa Japan nang nakatsikahan namin sa birthday party ni Jun Lalin noong nakaraang linggo.

Na-enjoy raw ng mag-ina niya ang kanilang bakasyon.

Kaya nung nag-break daw sila sa taping ng Whispers From Heaven, nagpaalam na siyang magbabakasyon muna.

TOM RODRIGUEZ FAMILY LIFE

Natutuwa pa si Tom dahil nagustuhan na raw ng asawa’t anak niya dito sa Pilipinas.

Nakapag-adjust daw agad sila rito.

“Sobra! Kinukuwento ko nga na nagulat ako sa pag-acclimate nila dito,” bulalas ni Tom.

“Akala ko, mahihirapan sila. Pero they like the Philippines, they like the community, they like the people.

"Sobrang happy,” sabi pa ng Kapuso actor.

Hindi na rin sumagot si Tom nang sinabi ko sa kanyang parehong masaya na sila ni Carla Abellana sa kani-kanyang buhay.

“I hope so. Labas na ako dun. Basta my own path… I’m happy with. I wish others well in their own journey,” napangiti niyang pahayag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Child abuse complaint vs Rob Sy and partner junked

JERRY OLEA:

Na-enjoy rin daw ni Tom Rodriguez ang taping niya sa Whispers From Heaven.

Pangalawang beses na itong nakatrabaho niya si Bea Alonzo.

Siya ang kasama ng aktres nung nag-guest ito sa Magpakailanman. Magaan daw katrabaho si Bea sa set.

“Sobra,” bulalas ni Tom. “Kung ano yung na-experience ko sa Magpakailanman, parang similar.

“Parang one taping day lang kami dun. Pero ito, same din. She’s very easy to work with.

“Kaya nagulat ako, kasi siyempre sino ba ang hindi fan ng isang Bea Alonzo? So, kailangan in the morning… I’m thankful for it, kailangan ko siyang isantabi.

“Akala ko magiging mahirap. Pero on the set, she’s not ano, kahit ang laki niyang artista, wala siyang ganung ere.

“So, she really makes everyone feel comfortable around with,” dagdag niya.

NO IDEA ABOUT BEA'S LOVE LIFE

Sinubukan pa rin ng PEP Troika na itanong kay Tom ang mainit na isyu ng wedding nina Bea at Vincent Co.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napapag-usapan ba doon sa set?

“Wala akong alam sa ganun. Kasi pag work, work naman,” safe niyang sagot.

Read: Rere Madrid and Kai Sotto are now married

NOEL FERRER:

Nagpapasalamat si Tom Rodriguez na napasama siya sa Unmarry, dahil dito napansin ang pag-arte niya.

Pagkatapos niyang manalong Best Supporting Actor sa nakaraang MMFF 2025, napansin siya uli sa katatapos lang na Houston World Fest sa Texas, USA.

Nominado rin si Eugene Domingo sa kategoryang Best Supporting Actress. Pero hindi nila ito napanalunan.

Huli lang daw niya nalaman na napansin siya sa naturang international filmfest.

Aniya, “Hindi ako nagso-social media e. So, nagugulat ako minsan na yeah!

"Yung wife ko ang nagsabi sa akin na si Tita Joji [Atty. Joji Alonso], may pinost daw tungkol dun. “Of course, very flattering lagi. May ganung nomination.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tom Rodriguez describes working relationship with Whispers From Heaven co-star Bea Alonzo; gives update about his family life.
PHOTO/S: @akosimangtomas / @beaalonzo Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results