Trigger Warning: Mention of suicide
JERRY OLEA
Goodness gracious ang open dress rehearsal ng Set E: Dilang Matalim ng Virgin Lab Fest XXI: Hubo’t Hubad noong Mayo 27, 2026, Miyerkules ng gabi, sa Tanghalang Ignacio Gimenez (CCP Black Box Theater), CCP Complex. Pasay City.
Nakaka-“Bato”!!!
Hindi ito dapat panoorin ng dyed-in-the-wool supporters nina Senadora Pia Cayetano at Pastor Apollo Quiboloy.
Baka bigla kasing mapakanta sila ng "Kumusta Ka" ni Nonoy Zuñiga, lalo pa’t merong reference sa Canadian sports bromance nina Shane Hollander (Hudson Williams) at Ilya Rozanov (Connor Storrie). IYKYK.
Ang wish ko lang, sana’y ginamit sa ending ng Presidential Suite #2 ang kantang "Hawak Mo Ang Beat." Ang maleta… bow!!!
Kabilang sa nanood ng naturang open dress rehearsal ang magkuyang Jerom at Elijah Canlas.
Si Jerom ang playwright ng dulang Footprint na na kabilang sa Set D: Pusong Mamon ng VLF 2026. Nasa cast niyon si Elijah.

E, yung dulang The Late Mr. Real na nasa Set E, may konek sa suicide — na sangkap din sa Footprint.
Ano ang naramdaman ni Elijah nang mapanood niya ang The Late Mr. Real na sinulat ni Rolin Cadallo Obina?
“Kilala namin yung playwright actually… Ahh, ganun talaga, e, maraming kuwento about it,” lahad ni Elijah.
“And the more we talk about it actually, the better. Sana, di ba, sensitive yung pagkakausap kagaya nito.”

A HARD SUBJECT TO TACKLE
Ang bunsong kapatid nina Jerom at Elijah na si JM ay pumanaw noong Agosto 3, 2023, dahil sa suicide, sa edad na 17.
Alay nina Jerom at Elijah itong itong one-act play na Footprint kay JM.
Umarte before sa VLF sina Jerom at JM. First time ni Elijah na mag-VLF. Kumusta ang VLF debut niya?
“Purposeful. Kasi sulat ng kuya ko. Ito yung importante sa kanya. Dito siya nag-cope, through this,” tugon ni Elijah.
“So being able to perform that and be that character para sa piyesa niya, karangalan para sa akin, and also special para sa akin.
“Gusto ko talagang gawing maayos, kasi sa kuya ko yon.”
Mahirap ba dahil sa paksa ng Footprint na pagdadalamhati?
Tumango si Elijah: “Opo, yes, mahirap! Mahirap kada rehearsal, mabigat talaga.
"Pero ganun talaga, kailangang pagdaanan yun para mailahad yung kuwentong ganito.
“Tapos mai-share pa sa maraming tao. Kasi like I said — the more we talk about it, the more na mas mawawala iyung stigma.”
Read: Virgin Lab Fest 2026: schedules, plays, key details to know
GORGY RULA
Co-actors ni Elijah Canlas sa Footprint sina Jojo Cayabyab, Omar Uddin, Pappel, at Meryll Soriano.
Sa pagkakabilang ni Elijah ay ikaapat na proyekto na nila ito ni Meryll kung saan mag-ina ang kanilang papel.
“Parang nanay ko na rin po siya sa totoong buhay. So, OK na OK na yung rapport namin,” sambit ni Elijah.
Pareho silang first-timer sa Virgin Lab Fest (VLF).
“Matagal na naming pangarap ito. The first time po na nag-theater kami, VLF talaga yung pinapangarap namin back then,” sabi ng premyadong aktor.
“So, masaya kaming natupad yung pangarap namin, piyesa pa ng kuya ko, na anak-anakan din niya.
“So special! Special para sa aming dalawa especially.”
Mas iba na ang dynamics nila this time sa pagganap bilang mag-ina?
“Yes, ibang-iba. Ibang-iba po dito, kasi very specific. Ang specific nung relationship nung anak saka nung ina,” sagot ni Elijah.
“Hindi katulad sa mga dating play namin na iba rin yung relationship ng mag-ina. So, pinaglalaruan namin.
“Actually, excited ako na mapanood niyo.”
Read: Jerom Canlas honors late brother JM through VLF play Footprint

NOEL FERRER
Mas madali na silang nagkakaintindihan ni Meryll Soriano sa pagganap sa Footprint? Mas swak agad?
“Opo, oo naman. Tsaka hindi na ilangan sa isa’t isa kahit iyakan, tumutulo uhog, ganito kalapit yung mukha ko, OK lang po sa amin yon,” pagmumuwestra ni Elijah.
“Kasi mataas ang respeto ko para sa kanya. And I think, mataas din yung respeto ni Mama para sa akin.
“And tunay na mahal namin ang isa’t isa. So, pinu-push lang namin ang isa’t isa, kasama din po yung iba sa cast. Kasi importante yung hindi lang kaming dalawa, e.
“Kailangan lahat kami, may chemistry.”
Tulo-uhog sa rehearsal? Performance level na talaga?
“Opo! Nandun na kami! Kailangang i-test na namin yung performance level!” bulalas ni Elijah.
“So kung ano, sigaw… sigaw! Kung iyak… iyak! Nandun na po kami.”
Ipapalabas ang mga dula ng VLF 2026 mula Hunyo 3 hanggang 28 (Miyerkules hanggang Linggo) sa Tanghalang Ignacio Gimenez.
Ka-cluster ng Footprint sa Set D ang Taksyapo! starring Christian Bables and Mosang, at Buhaghag tampok sina Krystele Valentino, Adrienne Vergara, Jigger Sementilla, Gena Suelto, at Ethan King.
Read: John Lapus finally breaks into Virgin Lab Fest main lineup
