JERRY OLEA
PHP12M ang first-day gross ng pelikulang Tayo Sa Wakas (PG) starring Donny Pangilinan and Belle Mariano, ayon sa ABS-CBN News ngayong Mayo 28, 2026, Huwebes ng umaga.
Ito nga raw ang highest opening day gross para sa local films ngayong 2026.
Ang latest (and last?) DonBelle movie ay 33rd anniversary offering ng Star Cinema, na mula sa direksiyon ni Cathy Garcia-Sampana.
Nag-open ito sa 200+ cinemas noong Mayo 27, Miyerkules.

Ang kasabay nitong Filipino film na Desperada (R-18) kung saan bida sina Robb Guinto, Yasser Marta, at Mhack Morales ay nag-open sa 11 sinehan lamang.
Dahil R-18 ang MTRCB rating ng Desperada ay wala ito sa SM cinemas.

Ayon sa Facebook page ng Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP), pitong banyagang pelikula ang kasabay ng Tayo Sa Wakas at Desperada na nag-showing umpisa Mayo 27.
Ang mga ito ay Colony (R-13), Passenger (R-16), Enhypen: Immersion in Cinemas, That Time I Got Reincarnated As a Slime The Movie: Tears of the Azure Sea (PG), Umamusume: Pretty Derby - Beginning of a New Era (PG), Obsession (R-16), at New Life: Nouvelle Vie (PG).
TAYO SA WAKAS
Ayon pa sa ABS-CBN, mahigit 250 na ang mga sinehan nationwide ng Tayo Sa Wakas ngayong Huwebes.
Umiikot ang kuwento nito sa “lovers turned rivals” na sina Cisco (Donny Pangilinan) at Cheska (Belle Mariano), na haharapin kung paano naaapektuhan ng ambisyon ang kanilang relasyon.
Sasailalim sila sa isang breakup trip para pag-usapan kung panahon na ba talagang bumitaw o pwede pang ipaglaban ang kanilang pagmamahalan.
Mapapanood din ang Tayo Sa Wakas (Us In The End) sa Australia at New Zealand simula Hunyo 11; sa US, Canada, at Guam simula Hunyo 12; at sa Hong Kong at Macau simula Hunyo 21.
Ipapalabas din ito sa Malaysia ngayong Hunyo, sa Taiwan simula Agosto 7, at sa Middle East sa nalalapit na panahon.
Read: DonBelle confirms break from loveteam after Tayo Sa Wakas
NOEL FERRER
Maganda ang naging feedback ng mga nakapanood na ng Tayo Sa Wakas.
They were all talking about how mature and different the movie is for Donny and Belle.
At nandoon ang papuri sa mga reliable actors like Epy Quizon at siyempre si Joross Gamboa.
It is noteworthy too na nandoon din sa cast sina River Joseph, Yayo Aguila, Alan Paule, Matthew Mendoza, Emilio Daez, Jude Hinumdum, at Miah Canton.
Overall, positive and feedback ng lahat. At sa ganitong good word of mouth, expect better box-office results this coming weekend.
Aabangan natin yan!
Read: Child abuse complaint vs Rob Sy and partner junked
GORGY RULA
Noong nakaraang Enero ay isang pelikulang Pilipino lamang ang nag-open sa ating mga sinehan, yung A Werewolf Boy na launching film ni Rabin Angeles.
\Noong Pebrero, nag-open sa local cinemas ang Spring in Prague, The Loved One, The Lotto Winner, Batang Paco, at Until She Remembers.
Noong Marso, ipinalabas ang Sisa, A Special Memory, Songs for Selina, Graduation Day, Pater Noster, at ang anim na kalahok sa Sinag Maynila filmfest na Desperada, All About Her, Ang Bangkay, Sweet Escape, Pinikas, at Lanaya.
Nag-rerun umpisa Marso 25 ang tatlong pelikula sa Bayaniverse — Heneral Luna, Goyo, Ang Batang Heneral, at Quezon.
Noong Abril ipinalabas ang I Fell, It’s Fine, Wonderful Nightmare, Huwag Kang Titingin, Umbag, 3 Words, at She Who Must Not Be Named.
Ngayong Mayo, naunang nag-showing ang Almost Us at Midnight Girls.
Maganda ang playdate ng Tayo sa Wakas dahil nataon sa holiday. Tingnan natin pagdating sa weekend kung lalo pa itong lalakas.
May mga block screening na sinisikap ng DonBelle na mapuntahan nila.
MTRCB CLASSIFICATION
Nakatakda sa Hunyo 3 ang showing ng Habang Nilalamon ng Hydra ang Kasaysayan, at yung Love, NGO.
Matapos dumaan sa mahigpit na review process at serye ng konsultasyon kasama ang National Council on Disability Affairs (NCDA), pinayagan na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang pagpapalabas ng Love, NGO na may R-16 classification.
Ang pelikula ay sumailalim sa pagsusuri ng isang Komite na binubuo ng mga abogado at Board Members na sina Cesar S. Pareja, Maria Gabriela R. Concepcion, at Mynoa R. Sto. Domingo.
