PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pulitiko, ipinagpalit ng magandang starlet sa mayamang negosyante

Magandang starlet, may mamahaling kotse na may condo unit pa.
by PEP Troika
Published 3 hours ago
blind item pulitiko magandang starlet
ILLUSTRATION: Chat GPT

GORGY RULA

Hindi taga-showbiz ang nagkuwento sa PEP Troika tungkol sa kilalang pulitiko na nahuhumaling sa isang magandang starlet.

Starlet nga, kaya hindi kilala ng aming source kung sino itong Magandang Starlet na karelasyon nitong pulitiko.

Tinanong kami ng aming source kung kilala ba namin si Magandang Starlet.

Kaloka! Hindi ko rin siya kilala.

Kaya ginoogle ko pa at marami-rami na rin pala siyang nagawang pelikulang pawang supporting roles.

Matagal naging magkarelasyon ang pulitiko at starlet, at provided naman ni Kilalang Pulitiko ang mga pangangailangan ni Gandarang Starletik!

Pero kamakailan lang ay naghimutok itong si Pulitiko sa ilang kaibigan.

Iniwan na raw siya ng karelasyong starlet.

POLITICIAN'S EXTRACURRICULAR ACTIVITIES

Hindi na bago kay Pulitiko ang ma-link sa magagandang sexy stars, kahit alam ng lahat na pamilyado siya.

Pero hindi lang kami sure kung sila pa rin ng asawa niya o matagal na silang hiwalay.

Si Pulitiko ay naging kontrobersyal dahil nasangkot din siya sa mainit na iskandalo sa pulitika na iniimbestigahan pa rin hanggang ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero hindi sa kontrobersyang ito siya pinag-usapan ngayon kundi sa relasyon niya sa magandang starlet.

Ang nakarating sa pulitiko, nasulot sa kanya itong si Starlet ng isang mayamang negosyante.

Kilala ang pamilya ng negosyanteng ito.

Mas bongga raw ang naibigay ni Negosyante: isang mamahaling kotse, na ang sabi ng aming source ay worth PHP5M daw ang halaga.

Bukod pa riyan ay may bagong condo unit ang starlet sa bandang south.

E, itong si pulitiko, kotse at allowance lang ang naibigay sa starlet.

Tingin siguro ng starlet, mas malaki-laki ang makukuha niya sa negosyante.

Kaya sobrang sama raw ng loob ni Pulitiko na nagsumbong sa ilang kaibigan na ganun-ganun na lang ang ginawa sa kanya ng starlet.

Tinatapatan lang pala ito ng mas mayamang nagbigay sa babaeng minahal at inalagaan niya.

Read: Robin Padilla faces backlash over "force majeure" argument

NOEL FERRER

Pinag-uusapan tuloy si Pulitiko ng ilang kaibigan.

Hindi na bago ang ganung kuwento, at sa totoo lang ang dami na ring magagandang babae ang pumasok sa pag-aartista para tumaas lang ang market value.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lumalaki ang alok sa kanila ng mayayamang lalaki kapag nakakagawa na sila ng pelikula at medyo nakilala na.

JERRY OLEA

Andami nang platform para mag-artista ang mga babae at lalaki.

Matindi ang competition, lalo pa’t naghihikahos ang kabuhayan ng marami.

Ayon sa isang showbiz insider, karaniwang PHP15,000 lang ang talent ng mga baguhang artista na naghuhubad sa pelikula para sa streaming platform.

Bumabawi na lang daw ang mga ito sa "booking."

Read: Rere Madrid and Kai Sotto are now married

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Chat GPT
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results