GORGY RULA
Kapansin-pansin ang pagiging protective ni Rabin Angeles kay Angela Muji sa media conference ng bagong drama series ng Viva One na Dating Alys Perez na ginanap sa Viva Café noong Huwebes, May 28, 2026.
Talagang nakaalalay si Rabin kay Angela kapag nasa gilid ito ng stage na baka mahulog.
May pagkakataon pang siya mismo ang humahawi ng buhok ng kaparehang aktres.
Binanggit ito ng PEP Troika kay Rabin nang sandali namin siyang nakatsikahan pagkatapos ng Q&A.
“Wala po. Tinitingnan ko lang po,” sabi ni Rabin.
“Dapat ko po talagang protektahan si Angela. Sa kanya ko lang po ginagawa yun.”
Close daw talaga sila at hindi raw pilit yun para sa fans. Hindi raw nila pinepeke para sa kanilang loveteam.
Sabi naman ni Angela: “Sa amin po kasi, hindi kami napre-pressure sa ganung bagay. Because, what you see is what you get.
“So, kung ano lang po kami oncam, ganun lang po kami.”
Dugtong ni Rabin, “Hindi po namin pinipilit.”
Tumango si Angela, na ang sabi, “Oo. Ayaw po namin ipilit.”
Sa June 12 na magsisimulang mag-stream sa Viva One ang Dating Alys Perez, na pagpapatuloy sa kuwento ng Seducing Drake Palma.
Mula ito Wattpad novel na isinulat ni Ariesa Domingo o Beeyotch. Si Crisanto Pablo pa rin ang direktor.
Read: Christian Esguerra dismayed by takedown of YSpeak 2.0 guesting
JERRY OLEA
Sabi nina Rabin at Angela, itong Dating Alys Perez ang first serious roles na ginagampanan nila.
Ibang-iba raw ito sa mga nagawa nila na kinatuwaan ng RabGel fans.
“Hindi na po kami pa-sweet. This time, challenging na po yung gagawin namin dito as nagma-mature na rin yung roles namin,” pakli ni Angela Muji.
Sabi naman ni Rabin: “Mas mabigat po talaga siya, e. Parang iba po yung kaba, kasi mas mabibigat na yung mga eksena.
"Kaya mas focused po talaga kami sa set ngayon. Parang less kulitan, pero nandiyan pa rin.
“Mas matured na po ito. Dito niyo po kami makikita ni Angela sa mas mature role. Dito sa Dating Alys Perez.”
Dagdag na pahayag ni Angela: “It’s exciting because this Wattpad [series] used to be the book that we read as children... not children, siguro pre-teens naman.
"So, nakakakilig lang na dati mong binabasa, ngayon gagampanan mo na.
“It’s surreal. I really can’t explain the feeling na parang totoo ba? Really ba?”
Read: Amy Austria looks back on difficult journey to overcoming drug addiction
NOEL FERRER
Dito rin sa Dating Alys Perez papasok si Zeke Polina bilang Tripp Palma, na dating ginampanan ni Dylan Menor.
Galing si Zeke sa Hell University, at panibagong challenge daw sa kanya ang pagganap sa mahalagang role na ito.
Expected na raw niyang mataas ang expectation sa panibagong challenge sa kanya bilang aktor.

Ani Zeke: “Definitely, hindi ma-avoid yung mataas yung expectations from the fans, of course.
“Pero I think ano, its also… pressure is good din, e. You’re forced to do better. Kaya I’m thankful din at the same time.”
Malaki raw ang naitulong ng mga workshop nila kaya kaagad silang nagkapalagayan ng loob, at magaan na sa set.
“Thankfully naman, of course may mga workshops naman. And just a few days of workshops, mas nagiging closer ka na sa cast.
“May mga workshop na kaming dalawa ni Angela, may mga workshop na kaming tatlo, may mga solo workshops.
“Kaya just from that, magiging close kayo ng cast. And then sa set, may mga romantic scenes, we’re gonna do it naman comfortably,” saad ni Zeke.
Read: Robin Padilla faces backlash over "force majeure" argument
