GORGY RULA
Nag-react ang kampo ni Mr. Johnny Manahan o Mr. M sa Star Worx sa kumalat na intrigang aalis na raw siya ng TV5.
Nagsimula ito sa isang blind item na posibleng maligwak ang direktor at starmaker dahil hindi na raw kakayanin ng network ang mga gastos na gusto nitong gawin.
Sinabi pang pati ang show nito ay baka masibak na rin.
Obvious namang si Mr. M ang tinutukoy, dahil nabanggit pa ang kalulunsad na mga kabataang bahagi sa bagong talent management arm.
Kaagad nag-react ang taga-Star Worx. Hindi raw ito totoo.
“Mr. M is not leaving TV5,” text ng isang taga-Star Worx ng TV5 sa PEP Troika.
MR. M REUNITES WITH SHAINA MAGDAYAO
Sa ngayon ay abala si Mr. M sa workshops ng mga batang nasa Block 1 ng Star Worx.
Paghahanda raw ito sa roles na gagawin nila sa shows na gagawin ng TV5.
Bukod pa riyan ay natutuwa si Mr. M na nagkikita sila ng ilang dating taga-Star Magic na may programa sa Kapatid network.
Kamakailan lang ay nagkita sila ni Shaina Magdayao na nagte-taping para sa My Bespren Emman.
Read: Johnny Manahan finally reveals reason why he left GMA-7

NOEL FERRER
Kamakailan lang ay nag-guest ang ilang taga-Star Worx na sina Nico Matugas, Adam Buck, Chan Martin, Keisha Serna, Selina Griffin, at Marthena Jickain sa Nanay Nation mall show na ginanap sa SM City Manila.

Si Adam Buck ay may pelikula nang gagawin, at nagge-guest na ang iba sa A Secret In Prague.

Kaya marami pang gagawin si Mr. M sa mga bagong lunsad na taga-Star Worx.
Siya rin ang direktor ng Sunday music countdown show na Vibe, na pinag-uusapan ding matsutsugi na.
Wala raw alam ang mga taga-Vibe sa ganung intriga. Tuluy-tuloy pa rin naman daw sila.
Isang TV5 executive ang tinanong ng PEP Troika kung totoo ito.
“Hindi pa…” kaagad niyang sagot.
Noong Sabado, Mayo 30, ay naka-0.6% lang ang rating ng Vibe.
JERRY OLEA
Wala pa raw alam ang insiders na nakatsika ng PEP Troika tungkol sa pinag-uusapang collaboration umano ng TV5 at ABS-CBN.
Itatanong pa raw nila ito sa mga boss.
Pati ang taga-AllTV na hiningan namin ng reaksiyon tungkol dito ay clueless din daw.
May conflict kaya ito sa kasunduan nila sa ABS-CBN?
Aalamin pa raw nila at kukumpirmahin kung totoo ang bali-balita.
