PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Coco Martin on Julia Montes: “Siya ang reyna ng aming tahanan!”

Coco Martin opens up about the lessons he has learned from Julia Montes.
by PEP Troika
Published 10 hours ago
coco martin julia montes regasco
Coco Martin opens up about the lessons he learned from Julia Montes, saying faith, respect, and teamwork have become the foundation of their enduring relationship.
PHOTO/S: Jerry Olea

GORGY RULA

First time magsama nina Coco Martin at Julia Montes sa isang endorsement sa Regasco (Republic Gas Corporation) na ang tagline ay "Kitchen’s Perfect Match."

Sa mediacon noong Mayo 30, Sabado ng umaga, sa Shangri-La Plaza, Mandaluyong City, napag-usapan siyempre ang pagluluto at mga pagkaing pinagsasaluhan ng CocoJuls.

Sabi ni Julia, siguro ay gusto niyang i-reinvent ang kare-kare dahil paborito ni Coco yung kare-kare na luto ng kanyang lola.

“Yung kare-kare, matagal kasing lutuin. Mabusisi. So, kailangan-kailangan talagang pangmalakasan yung gamit mo doon,” sambit ni Julia.

“So, yun siguro yung gusto kong i-reinvent at saka talagang sabihing signature ng CocoJuls.”

Dagdag ni Coco: “Ang totoo po, si Juls, mga tatlo o apat na culinary school na po ang pinasukan niya.

“Kasi, talagang nag-aral siya, e. Ang pinaka inaano niya ngayon, si Chef Reggie [Aspiras], ang mentor niya talaga. At ganun na rin ang lola ko.

“Kaya talagang ang sabi ko nga, kung bakit sinasabi ko, napaka-blessed ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi biruin niyo, kahit anong hirap ng trabahong pinagdadaanan ko every day, pag-uwi ko naman ng bahay, siya naman talaga yung nag-aalaga sa akin.

“Na talagang siya yung nagluluto ng pagkain na kinakain ko. Mula breakfast hanggang sa pag-uwi ko, yun talaga kumbaga yung nilu-look forward ko.

“Na kahit anong hirap pero pag-uwi ko naman, nararamdaman ko naman yung pagmamahal at pag-aalaga sa akin.

“Sabi ko, okay lang. Tutal lalaki naman ako, e. Kaya ayun, shinare ko lang. Talagang sa totoo, si Julia naman po talaga yung nagluluto.

“Which is ako rin, kasi HR graduate ako. Kapag meron kaming break or wala akong trabaho, ako naman yung nagluluto para sa kanya.

“Pero yung mga simpleng Filipino food lang ang niluluto ko para sa bahay.”

PARES AND LECHON

Hindi nga raw maintindihan ni Coco na ang laging nire-request sa kanya ni Julia na lutuin ay pares.

“Simple lang naman, pero si Juls talaga yung magaling talagang magluto ng mga Filipino food saka yung mga Spanish food.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagsisiwalat ni Julia, magaling mag-lechon si Coco.

Natawa si Coco, “Pero puro paso naman ang inabot ko bago ko talaga natutunan siya, o na-perfect siya!”

JERRY OLEA

Alin ang mas matimbang, good food or quality time together?

Mabilis na tugon ni Coco Martin: “I think, para sa akin, pareho po. Hindi mo masasabing quality time lang, e.

“Kasi pag nilutuan ka… kasi, like kunyari si Juls kasi, ang pagluluto, mahabang oras, e, ginugugol mo diyan, e.

“Kumbaga, nagpapagod ka diyan, di ba? Sabi nga nila, kaya minsan mas masarap yung pagkain dahil may halong pagmamahal.

“Bukod doon, kapag naluto niya nang ganun, yung bonding naman namin sa pag-uusap namin, sa pagkukuwentuhan namin.

“Siyempre yung mga proseso, sabi ko nga… yung panahon ko, ako naman ang magkukuwento sa kanya tungkol sa mga pinagdaanan ko sa buhay.

“Kaya para sa akin, pareho siya. Pareho yung timbang niya.”

THE PERFECT MATCH

Sa dami ng pinagdaanan nila bilang magka-partner, paano nila made-define ang isang “perfect match”?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sagot ni Julia: “Sa akin, ano siguro, maganda po talaga yung may center kayo, which is si God.

“Iyon yung blessed kami na makakakita ako ng partner na ganun. Kasi, at the end of the day, lahat naman tayo bilang Pilipino, family-oriented, e.

“So, parang yun, lagi na yon kasama sa makikilala nating partner.

“Pero yun, talagang sa kahit na anong mangyari, ups and downs sa buhay natin, pero yung nasa sentro mo si Lord, iyon yung pinaka-blessed ako kay Coco.

“Kasi ganun siya kahit ano yung blessing na dumarating sa kanya, yung faith niya, sobra talaga.

“And nakatulong yun sa relationship namin. Kasi siyempre, wala namang perpektong tao, walang perpektong relationship.

“Pero lahat na mga pinagdadaanan, happy moments, ups and downs…parang lagi talagang siguradong matatag because meron kayong sentro.”

Ano ba ang fuel that keeps the fire burning sa relationship ng CocoJuls? Anu-ano pa ang nagpapa-excite sa kanila?

Pahayag ni Coco: “Honestly ngayon, itong mga negosyong pinapasok namin. Kasi ito ang nagiging pundasyon ng future namin at ng family namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi, sabi ko nga, tapos na rin kami doon sa mga ano, e… yung pag baguhan kayo, di ba, wala kayong nakikita kundi kilig, masasayang ano.

“Ngayon, every time na may pinupuntahan kami, bukod sa napapag-usapan, ina-appreciate namin ang isang lugar, nag-iisip kami, 'Ano kaya ang puwede nating gawing negosyo?

“Ano kaya ang puwedeng makatulong sa future natin? Kaya ngayon, katulad sa production namin, sa CCM Films, siya talaga. Ganun talaga yung key.

“Kaya nga sabi ko, ako sa creative, siya sa finances. Which is lahat ng bagay talaga ngayon, iyon yung dynamics namin.

“Na dapat yung mahal mo sa buhay, yun din yung katuwang mo sa lahat ng aspeto na ginagawa mo. Which is sa trabaho ko.

“Iyon ang mas nagpapalalim ng pagmamahalan namin ngayon. Kasi nga, magkatuwang kami sa lahat ng bagay.”

Made for each other, ika nga! Parang Regasco na “made for your home.”

NOEL FERRER

Magkasama ang CocoJuls tandem hindi lang bilang endorsers kundi pati sa Kapamilya seryeng Coco Martin’s Sigabo na mag-uumpisa sa Hunyo 22, 2026. Meron din silang bagong pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paano nila gustong maalala ng publiko ang CocoJuls, hindi lang bilang celebrity couple kundi bilang inspirasyon din ng pamilyang Pilipino?

Napangiti si Coco: “Honestly, kasi di ba, ngayon kasi… ano, wala na yung nakagawian nating kultura ng mga Pilipino, e.

“Di ba, yung pagrespeto — pagrespeto sa magulang, pagrespeto sa anak, pagrespeto sa kapwa.

“Which is, kaming dalawa talaga, makaluma kami. Dahil laki ako sa lola; si Juls, laki din sa lola.

“Iyon yun talagang baun-baon namin sa aming pagkatao. Kami, katulad kami, bilang partner, makaluma kami.

“Di ba, parang yung laging sinasabi natin sa mga Pilipino, ito yung ideal, dapat yung pamilya ang nagtutulungan.

“Ang mag-asawa ang nagsusuportahan sa isa’t isa. Which is, yun ang nakikita ko talaga sa amin ngayon.

“Ito ang tinatahak namin. Na iyun ang feeling ko, makakapagpatibay pa kung saan pupunta ang aming kinabukasan balang araw.”

THE QUEEN OF THEIR HOME

Si Julia ang reyna sa kanilang kusina. Hanggang saan ang power ng pagiging reyna ni Julia?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siya ang reyna ng aming tahanan!” bulalas ni Coco.

“Kasi isa pang sikreto bilang lalaki, e lalo na ako, kasi laking kalye ako, e. Sanay na sanay akong makipagsapalaran sa araw-araw na buhay.

“Natuto ako sa haba ng relationship namin, kaya ko sinasabi na siya ang reyna ng aming tahanan, bukod sa kusina, kasi natuto akong mag-adjust.

“Natuto talaga ako na kailangan, kahit ako bilang lalaki, ako yung may opinyon, ako ang ama ng bahay namin… later on, natututo ka na para ang bahay niyo maging masaya at maging tahimik, kailangan bilang lalaki, natututo kang manahimik.

“Manahimik, mag-adjust, at umunawa.

“Kaya, yun nga, sa bahay namin, pag sinasabi, ‘Itanong nyo kay Julia.’ Kasi sinadya ko na talaga na parang si Juls na lang ang tanungin niyo.

“Kasi baka mamaya, may opinyon ako, hindi niya gusto. Tapos magtampo sa akin… away.

“Ang gagawin ko ngayon, tahimik na lang ako. Sabi nga nila, pag mahal mo ang isang tao… di ba, may sabi sa English na parang kung gusto mo ng masayang buhay, dapat pasayahin mo yung… happy wife, happy life.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yun na lang ang nasa isip ko kung bakit ako ganun — tumahimik na lang ako, adjust na lang.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Coco Martin opens up about the lessons he learned from Julia Montes, saying faith, respect, and teamwork have become the foundation of their enduring relationship.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results