JERRY OLEA
Inilabas na ng Dreamscape Entertainment ang official poster ng Coco Martin’s Sigabo ngayong Hunyo 3, 2026, Miyerkules.
Bahagi ng online post ng Dreamscape: “May tapang na hindi sumusuko at pusong hindi umaatras. Kapag puso ang iyong pinupuntirya, siguradong tatamaan ka.
“Ang tambalang matagal mong hinintay sa Primetime — Coco Martin at Julia Montes sa kwentong puno ng aksyon at emosyong didiretso sa puso mo.
“Coco Martin's Sigabo, paparating na ngayong June 22, 8:00 PM!”

Opo! 8:00 P.M. ang timeslot ng Coco Martin’s Sigabo, katapat ang The Master Cutter ni Dingdong Dantes sa GMA-7.
Ang nasa 8:00 P.M. timeslot ng TV5 ay ang A Secret in Prague nina Enrique Gil at Andrea Brillantes.
Hintay-hintay pa tayo kung mapapanood din ba sa Kapatid Network itong Coco Martin’s Sigabo.
BLOOOD VS. DUTY TIMESLOT CHANGE
Sa ngayon, ang nasa 8:00 P.M. timeslot ng Kapamilya primetime ay ang Blood vs. Duty nina Richard Gutierrez at Gerald Anderson.
Nangalahati pa lang ang Blood vs. Duty. Malamang na iurong ito sa 8:45 P.M. timeslot umpisa Hunyo 22.
Read: Atasha Muhlach, Jacob Ang spotted getting cozy at a wedding
COCO MARTIN'S SIGABO
Official nang Coco Martin’s Sigabo ang title ng bagong teleserye ni Coco, kung saan Gabo ang pangalan ng kanyang karakter.
May mga online post kasi before na Sigabo lang ang title niyon.
Take note na bago ang Coco Martin’s Sigabo, bumida si Coco sa FPJ’s Ang Probinsyano (Setyembre 2015-Agosto 2022) at FPJ’s Batang Quiapo (Pebrero 2023-Marso 2026).
May mga mungkahi o usap-usapan noon na ang susunod na teleserye ni Coco ay FPJ’s Ang Maestro.
Pero bumalik ang mga pelikula ni Fernando Poe Jr. sa Kapuso Network, kaya heto… Coco Martin’s Sigabo!
NOEL FERRER
Paiba-iba ang leading lady o love interest ni Coco Martin sa FPJ’s Ang Probinsyano at FPJ’s Batang Quiapo.
Pero sa Coco Martin’s Sigabo, ang real-life partner niyang si Julia Montes ang “one and only” partner niya.
Noon ngayong Mayo 30, Sabado, sa Shangri-La Plaza, Mandaluyong City, nag-mediacon ang CocoJuls para sa first endorsement nila together na Regasco (Republic Gas Corporation). Ang thrust ng campaign, "Kitchen’s Perfect Match."
Kasi nga, perfect match sina Coco at Julia, na "Tatay" at "Nanay" ang tawagan sa isa’t isa.
Ibinalita rin ni Coco na may bagong movie sila ni Julia. Intended kaya iyon para sa MMFF 2026?
Read: Matty Juniosa fianishes fourth in Britain's Got Talent Season 19
GORGY RULA
Ratsada sa ratings ang The Master Cutter ni Dingdong Dantes.
Malaking challenge sa kanila ito kapag tatapatan na sila ng Coco Martin’s Sigabo. Ang sabi kasi, hitik na hitik sa aksyon itong bagong teleserye ni Coco.
Ang The Master Cutter naman ay may halong pa-comedy at kuwelang-kuwela si Ibyang dito na ginagampanan ni Sienna Stevens.
Okay rin ang pagka-Bisaya ni Shuvee Etrata, at mas okay sana kung dagdagan ng patawa ni Ketchup Eusebio dahil magaling siya talaga.

Ang A Secret in Prague naman ay mas nakakatawa ito at epek ang pakuwela ni Enrique Gil.
Huwag naman sana itong lampasuhin nang husto ng Coco Martin’s Sigabo at The Master Cutter.

PRIMETIME RATINGS
So far, mataas pa rin ang ratings ng The Master Cutter. Noong Lunes, June 1, ay 10.9% ito.
Ang Blood vs. Duty ay 3.5%, at ang A Secret In Prague ay 0.8%.
Noong Martes, June 2, ay naka-10.8% ang The Master Cutter.
Ang Blood vs. Duty ay 3.6%, at ang A Secret In Prague ay 0.6%.
