PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Coco Martin, Julia Montes address each other as "Tatay," "Nanay"

Julia Montes reveals why relationship with Coco Martin works.
by PEP Troika
Published A day ago
coco martin julia montes tatay and nanay
Coco Martin and Julia Montes prove that even "perfect matches" have misunderstandings. The longtime couple reveal how trust, communication, and teamwork help them overcome challenges and strengthen their relationship.
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

"Perfect match" man sina Coco Martin at Julia Montes, may mga pinagtatalunan pa rin daw sila.

“Baka akala nila, maldita ako,” sambit ni Julia sa Regasco mediacon noong Mayo 30, 2026, Sabado ng umaga, sa Santan room ng Shangri-La Plaza, Mandaluyong City.

Sambot ni Coco, “Normal kasi kaming tao, e, in all aspects, di ba? Normal kami pag nasa bahay kami.

“Totoo kaming… hindi kami artista, hindi kami yung karakter namin. Marami rin kaming maliliit na isyu na pinag-aawayan, or pag merong mga bagay na di pinagkakaintindihan.

“Pero ang pinakaimportante, sabi ko nga, kung ano yung natutunan namin dun.

“Siyempre nung nagsisimula kami, pareho kaming passionate, e. Lalo na ako, galing ako sa indie, e, di ba?

“Pero ngayon, sabi ko nga, nung… siguro papunta ka sa alam mo yung nagma-mature ka na, nauunawaan mo na na magbigay.

“And then, para rin maramdaman niya na parang meron siyang say dun sa inyong tahanan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BIGGEST ISSUE ON COCOJULS RELATIONSHIP

Ikinuwento afterwards ni Coco ang isa sa pinakamatinding hindi nila pagkakaunawaan ni Julia.

Pagtatapat ni Coco: “Kapag bumibili kasi ako ng kahit anong bagay, gusto ko, pareho kami. Kung meron ako, meron din siya, ganun. Corny ako, e.

“One time, namimili ako, bili ako nang bili para sa kanya. Siya naman, ayaw niya. ‘Huwag na, Tatay, huwag na. Sobra ito.’

“E, ako, yung kaligayahan ko; siya naman, nahihiya. Tapos hanggang sa nagkatampuhan kami.

“Pero nung namimili kami, nagkatampuhan kami. Binibilhan ko siya, ayaw niya. Nahihiya siya sa akin.

“Siyempre nagkaroon kami ng hindi pagkakaunawaan. Hindi kami nag-uusap. Hindi kami nagpapansinan.

“Pero nung na-realize ko, ang ganda rin! Bakit? Kasi, siyempre yung iba, di ba, sinasabi nga natin na parang, pabili dito, pabili diyan, pabili dito.

“Siya naman, napakatipid… Tinitingnan niya kung OK pa naman siya at ano, hindi siya maluhong tao…

“Inaano ko sa sarili ko, ‘Ang suwerte ko!’ Kasi alam ko… sinasabi ko nga, yung finances, lahat ng ano naman, siya ang may hawak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kaya alam ko na nasa safe ako na posisyon o lugar sa aming tahanan.”

Read: Vlogger Ser Geybin hospitalized following emotional struggles

GORGY RULA

Ang tamis ng ngiti ni Julia Montes sa mga papuri sa kanya ni Coco Martin.

Reaksyon ni Julia: “Actually, pakiramdam ko po, birthday ko ngayon. Kasi parang naha-highlight ang pagiging babae ko. Thank you.

“Yun nga, siguro sabi namin, kaya kami nagwo-work, kasi hindi siya bilang alpha sa amin.

“Kumbaga, leader talaga namin siya sa family. Hindi mo mapi-feel na hindi nga siya naggi-give. Open siya to any advice, any communication.

“So siguro parang ako din as babae, naa-appreciate ko. Kasi ang sarap din na napapakinggan ka, e.

“Tapos siyempre, ang goal ko naman in life as partner po niya, siyempre magabayan ko rin siya sa mga bagay-bagay na ano man yung puwedeng makabawas sa problema niya, puwedeng makabawas sa intindihin niya, makatulong man lang.

“So, yung tandem namin, kaya namin masasabi rin sigurong matatawag din namin na perfect, kasi nga it takes two to tango.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Laging tulungan, laging iisipin yung isa, lagi kayong tandem talaga in life.”

Susog ni Coco: “Nung araw kasi, siyempre bata sa akin si Juls. Ako lahat nagtuturo sa kanya.

"Ako nagturo sa kanya paano mag-drive, kumuha ng driver’s license, mag-ipon, mag-ano sa bangko.

“Lahat! Kasi, mas may edad ako sa kanya, e. Ngayon, siyempre si Juls, nagma-mature din. And eto na yung ano namin.

“Talagang inaano namin na tandem kami. Pero siyempre, sabi ko nga, ang posisyon ko… ako yung tagatrabaho, ako yung tagaisip.

“Pero after that, bago ako magdesisyon, ibinibigay ko muna sa kanya. Kasi, ayoko ngang magka-conflict, e.

“Ayoko yung nagdesisyon lang ako tapos hindi ko siya kinonsider. Lagi iyon, ibabato ko muna sa kanya bago ako mag-ano.

“At minsan, kadalasan, siya ang una. Kung ano ang opinion niya, titingnan ko kung sasang-ayon ako, saka kami magkakaroon ng final decision.

“Which is yung pinagdaanan din namin sa mahabang panahon. Na napakalaking bagay na nakatulong sa amin as a partner.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Bea Alonzo gives glimpses of Europe trip amid wedding rumors

TATAY AND NANAY

Si Julia ba ang nasusunod sa pagba-budget at mga pangangailangan sa bahay? Wala na soyang sey?

“Lahat, siya!” bulalas ni Coco.

“Wala na akong sey! Basta ang parte ko lang talaga sa bahay, tagatrabaho. Taga-check, lahat nung mga sira, lahat ng ano.

“Ako magsasabi sa kanya, ‘Nanay, ipagawa na po natin yun kasi…’

“Sa amin sa bahay, ngayon pa lang, sabi ko nga, sa age namin, in-insist ko na sabi ko very Filipino kami, e.

“Kumbaga ang inaano na namin, gusto namin, sabi ko… dati kasi, di ba, pag kayo, Babe, Hon, Love.

“Sabi ko, in-advance ko na. Sabi ko, gusto ko habang ano ako, ang tawag sa atin, sabi kong ganun, kaya ang tawagan namin — Nanay, Tatay.

“Kasi yun nga, e. Ang inaano ko, yung kultura natin. Which is yun kasi ang nawala sa mga Pilipino ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kaya sabi ko in all aspects na sana, sabi ko, kahit sa bahay lang namin, maibalik natin yung pagrespeto. Yung kultura ng mga Pilipino.”

NOEL FERRER

Concept ni Coco Martin ang official poster ng ABS-CBN primetime teleseryeng Coco Martin’s Sigabo kung saan astig ang pormahan nila ni Julia Montes, at pareho silang may hawak na baril.

Ang photographer ay si Jun de Leon.

coco martin's sigabo poster
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


“Happy ako na magkasama kami ni Julia sa poster. Nandun lahat ng elements — yung action, romance, tapos makikita mo yung komunidad na gagalawan ng kwento,” pahayag ni Coco sa interview ng TV Patrol.

Inilabas din ng CCM Film Productions ang behind-the-scenes pasilip sa photoshoot ng CocoJuls tampok ang iba’t iba nilang looks na may halong aksyon at pamatay na kilig.

Nagpatikim din si Coco sa official theme song ng Sigabo na inilabas online na siya mismo ang nagsulat habang si Yeng Constantino ang kumanta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa press release ng ABS-CBN, matutunghayan ang mga maaksyong tagpo sa Coco Martin’s Sigabo simula Hunyo 22, Lunes ng 8 PM sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Channel, iWant, at Kapamilya Online Live sa ABS-CBN Entertainment YouTube.

Katapat nito ang The Master Cutter ni Dongdong Dantes sa GMA-7, at A Secret in Prague nina Enrique Gil at Andrea Brillantes sa TV5.

Read: Coco Martin’s Sigabo set for primetime showdown with The Master Cutter

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Coco Martin and Julia Montes prove that even "perfect matches" have misunderstandings. The longtime couple reveal how trust, communication, and teamwork help them overcome challenges and strengthen their relationship.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results