PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mr. M retains TV5 roles despite rumored exit, sources claim

Johnny Manahan reportedly offered to work for free to keep Vibe alive.
by PEP Troika
Published 7 hours ago
johnny manahan vibe
Johnny Manahan remains at TV5, according to sources. Despite reports of an alleged move to remove him from Vibe over budget concerns, the veteran director and Star Worx consultant is said to have retained his roles with the network.
PHOTO/S: Star Worx PH Facebook

GORGY RULA

Sa totoo lang, wala pa ring tatalo sa nangyayaring gulo ngayon sa Senado.

Pero may slight na kaguluhan ding nangyayari sa bakuran ng TV5.

Pinag-usapan kamakailan ang kumalat na balitang tinanggal na raw si Johnny Manahan o Mr. M.

Hindi lang tiniyak sa amin kung tinanggal si Mr. M bilang direktor ng programang Vibe o sa mismong TV5 bilang consultant ng Star Worx, ang talent management arm ng network.

Nagsimula ito bilang isang blind item. May mga pumik-ap, at may kasunod na balitang tinanggal na siya sa TV5.

Hindi pa nagbigay ng pahayag si Mr. M kaugnay rito.

Pero sabi ng ilang taga-TV5 na nakausap ng PEP Troika, nakikita pa nila si Mr. M sa bakuran ng Kapatid network.

Personal din daw nitong inaasikaso ang mga gagawin ng ilang taga-Star Worx.

WHAT HAPPENED ACCORDING TO SOURCES

Nagtanung-tanong ang PEP Troika sa ilang sources.

Base sa mga nakuha naming impormasyon at salaysay, ganito raw ang nangyari...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong Sabado, Mayo 30, 2026, sa studio ng Vibe ay inabutan daw si Mr. M ng notice na huling araw na niya sa show.

Hindi lang pinabanggit kung sino ang nagbigay ng notice kay Mr. M.

Pero nakasaad daw sa notice na hindi na raw kaya ang talent fee ng director at starmaker dahil kailangan nilang mag-cost-cutting.

Dalawang tao raw ang gustong ipatanggal si Mr. M sa Vibe nang nalaman nilang balak ng direktor na i-reformat ang show.

Patapos na rin naman daw ang kontrata ng director/starmaker. At hindi na raw nila ito ma-renew dahil sa mataas na talent fee nito.

Pero sinabi raw ni Mr. M na sana ay sinabihan siya tungkol sa problema.

Willing daw syang magtrabaho sa Vibe kahit wala munang talent fee.

Gusto lang daw talaga niyang tutukan pa ang show ng talents ng Star Worx at sa mga kabataang inilunsad ng talent management arm ng TV5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinanong daw ni Mr. ang isa sa boss ng TV tungkol sa natanggap niyang notice.

Nagulat daw ang boss. Lumalabas na wala itong ideya na pinapatanggal si Mr. M bilang director ng Vibe.

Maliban dito, wala na kaming alam kung ano pa ang napag-usapan ni Mr. M at ng boss ng TV5.

Ang ending: inilipat na raw sa ibang departamento ang dalawang taong gustong ipatanggal si Mr. M.

Nanatili pa rin sa Vibe si Mr. M, at siya pa rin ang may hawak ng Star Worx.

Read: Star Worx denies rumors of Johnny Manahan’s exit from TV5

NOEL FERRER

Sabi pa ng ibang napagtanungan ng PEP Troika, meron daw pag-uusap sa pagitan ng TV5 at ABS-CBN.

May posibilidad daw na magkakaroon ng pagbabalik-collab.

Posibleng mapanood din sa TV5 ang Coco Martin’s Sigabo at ang iba pang mga programa ng Kapamilya network.

Okay lang daw na maurong ng timeslot ang A Secret in Prague at My Bespren Emman dahil marami naman daw silang bukas na oras.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kung mapapansin, itong A Secret In Prague at ang My Bespren Emman pa lang naman ang naidagdag na bagong programa ng TV5. Kaya puwede pa raw ipasok ang mga content ng ABS-CBN.

Tinanong uli ng PEP Troika ang isang taga-AllTV kung okay lang ba sa kanilang sasali na uli ang TV5 sa pag-ere ng mga ABS-CBN shows. Wala ba itong conflict sa kontrata?

Sabi ng tiga-All TV, wala pa silang ideya sa ganung usapan. Titingnan pa raw sa kontratang pinirmahan. Kaya wala muna silang maibigay na reaksiyon.

Pero kung matutuloy ito, posibleng lalamang sa ratings ang shows ng ABS-CBN dahil mas marami na silang makukuhang numbers sa aggregated ratings.

Bukod sa TV5, meron pa sa AllTV, A2Z at sa Kapamilya Channel.

Samantala, ang Kapuso shows ay sa GMA-7 at GTV lang napapanood.

Read: ABS-CBN, TV5 eye new collaboration after short "breakup"

JERRY OLEA

Sakaling umere ang Coco Martin’s Sigabo sa TV5, puwede namang manatili ang My Bespren Emman sa 8:45 P.M. timeslot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Yung A Secret in Prague ay puwedeng gawin pre-programming ng Coco Martin’s Sigabo.

Di ba, noong umeere ang FPJ’s Batang Quiapo sa Kapatid Network ay pre-programming dito ang Totoy Bato ni Kiko Estrada?

Kung anu’t ano man, subaybayan natin ang mga kaganapan sa Senateserye, maging sa TV5 primetime brouhaha.

SHAKE SENATE & ROLL!

Recent Facebook post ni FDCP Chairperson Jose Javier Reyes: “The saga continues. ANG DRAMA NG MGA NASA ITAAS!!!

“ABANGAN ANG SUSUNOD NA KABANATA: Ito ang SHAKE SENATE & ROLL!

“MAY KAUNTING ACTION, DAMING IYAKAN, DRAMANG NAKAKAGULANTANG AT HANEP SA HORROR!

“A NATIONAL BOX OFFICE HIT.”

Naghuhumiyaw pa niyang FB post, “UTANG NA LOOB! TAMA NA ANG DRAMA. MAGTRABAHO NA KAYO PARA SA BAYAN AT HINDI PARA SA KATROPA!”

Read: Coco Martin’s Sigabo set for primetime showdown with The Master Cutter

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Johnny Manahan remains at TV5, according to sources. Despite reports of an alleged move to remove him from Vibe over budget concerns, the veteran director and Star Worx consultant is said to have retained his roles with the network.
PHOTO/S: Star Worx PH Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results