JERRY OLEA:
Pinanood ni Rikki Mae Davao ang pagganap ng mama niyang si Jackie Lou Blanco (JLB) bilang isang queer na madre sa one-act play na Lualhati.
First performance ni JLB sa nasabing title role noong Hunyo 4, 2026, Huwebes ng gabi, sa Tanghalang Ignacio Gimenez o CCP Black Box Theater, CCP Complex, Pasay City.
Ang Lualhati ay isa sa labinlimang dula na main feature ng Virgin Lab Fest XXI: Hubo’t Hubad. Ka-cluster nito sa Set B: Kapit Tuko ang mga dulang Haram at Balos.
Read: Jackie Lou Blanco explores edgy roles at 62
Saksi si Rikki sa lahat ng paghahanda ng ina dahil siya ang personal assistant (P.A.) nito para sa proyekto.
“Sobrang special niya sa akin,” sabi ni Rikki Mae nang makausap namin noong Hunyo 5, Biyernes ng hapon, sa Tanghalang Ignacio Gimenez matapos ang unang pagtatanghal ng Set C: Balat Kalabaw ng VLF 2026.
“Kasi ako yung P.A. niya basically. So nakita ko talaga yung from start hanggang nag-show na sila. Yung dedication ng buong cast, hindi lang si Mama.
“Pero kay Mama kasi, first Virgin Lab Fest din niya. Kaya sobrang ninenerbiyos siya. Basta sobrang ano, the whole experience, sobrang intimate. Sobrang special, special sa akin.”
First time ginampanan ni Jackie Lou ang ganoong klaseng role bilang Lualhati, ka-alternate si Banaue Miclat. Inibig niya, at umibig sa kanya, si Jacinta (Angel Aquino).
Alternate sina Bea Garcia-Choy at Sarah Monay bilang young Lualhati. Si Iana Bernardez ang gumanap na young Jacinta.
“Siyempre close to my heart din as part of the LGBT community, di ba?” sambit ni Rikki Mae. “
So minsan parang habang nagpapraktis siya, tinatanong din niya ako. How do I see it? Kasi yung material is also about two queer nuns, di ba? So yun, so parang the whole thing is so special for both of us din.”
RIKKI MAE DAVAO ON VLF CELEBRATING PRIDE MONTH
First time ba niyang manood ng theater festival ng CCP na VLF?
"Hindi naman. Kasi si Papa [Ricky Davao], sobrang favorite niya manood talaga every year,” saad ni Rikki Mae.
“Every year, nanonood iyan ng VLF. Pero hindi lang ako as consistent as him, but I’ve watched before.
“Pero yung this run, sabi ko, bumili talaga ako ng pass for the whole week. I really want to watch all of the shows.”
Hunyo 3-28 ang 21st edition ng VLF, swak sa Pride Month.
“Happy Pride Month!” pagbati ng festival directors na sina Marco Viaña at Toni Go-Yadao bago mag-umpisa ang pagtatanghal ng bawat set sa VLF 2026.
Pagpapatuloy ni Rikki Mae: “Although iba-iba yung mga topics na tinatalakay nung mga set, meron din talaga silang dedicated for Pride, which is very nice. Which is OK nga, yun nga ang parang maganda.
"Sana hindi lang dito. Sana even sa ibang mainstream, puwede ring pag-usapan. Di ba?”
Sa unang tatlong araw ng panonood niya sa Virgin Lab Fest XXI: Hubo’t Hubad, kumusta ang experience?
“Ang ganda! Sobrang ganda!” bulalas ni Rikki Mae. “Nagugulat ako na parang sabi ko kay Mama, ‘Wow! Ang ganda nitong set!’ Sobrang ganda.
“Each set, may nakuha ako. ‘Eto, umiyak ako dito.’ Tapos yung today, ‘Ang ganda, Ma! Dapat panoorin mo din!’
“Parang nagre-report ako sa kanya. Kasi each one, may mga lesson talaga na makukuha. Parang different lessons na you will get talaga.”
Ano ang nakita niyang hubo’t hubad sa performance ng kanyang mama? Paano niya ire-relate iyon sa sariling danas?
“In terms of Mama’s performance, parang she really leaves everything on the stage talaga,” pahayag ni Rikki Mae.
“Very heart-wrenching yung sa kanila, e. It’s about longing, it’s about love. Tapos every time I watch this — totoo ito — umiiyak ako.
“Kahit rehearsals, umiiyak ako. Parang I watched it na five times… tapos every time, I cry. Kasi nararamdaman ko talaga yung hubad kung hubad, lahat ng emotion, nandoon talaga.
“Not just Mama but all the other cast, Miss Angel, Iana, Sarah, Bea, si Miss Banaue. Lahat sila.”
Read: Rikki Mae Davao remembers last thing she told dad Ricky
GORGY RULA:
Napaluha ako nang mapanood ang dress rehearsal ng dulang Elehiya na tungkol sa mga mag-ama.
Nasa Set C: Balat Kalabaw ang Elehiya, ka-cluster ang Betamax at She’s Electric.
Komento ni Rikki Mae Davao kaugnay sa Elehiya, “Nagulat ako na parang… Pinipigilan ko talaga yung… Sa tatay kasi…”
Naka-relate siya?
Sagot niya, “Just about the whole, in general lang. Like about forgiveness in general. Tapos siyempre about fathers, wala na si Papa. So parang medyo ano… tapos ang galing, ang galing ng lahat. Walang tapon talaga. Ang galing ng lahat.”
Kumusta siya ngayon?
“Ngayon po, OK naman po. Kakatapos lang ng project, teleserye sa ABS, yung Roja,” lahad ni Rikki Mae.
“So ngayon, habang waiting for the next project, I’m working on myself. Trying to keep busy. Self-love era natin ngayon, this year.”
Bakit self-love era?
“Self-love, kasi iyung 2025, sobrang sama ng taon na iyon for me,” paliwanag ni Rikki Mae.
"Namatay iyung lola [Pilita Corrales] ko, iyung daddy ko. Tapos other things pa in between na parang… basta, andami!
“Catalyst siya sa akin na kailangan ko ng growth and healing talaga.”
Nasimulan ang paghilom ngayong 2026?
“Yeah, sobra, oo. Kaya tuluy-tuloy lang ang… Mahirap pa rin. I mean, in terms of grief and everything,” sabi ni Rikki Mae.
“Pero parang part na rin iyon... Dine-dedicate ko rin kay Papa, kay Mamita, na they passed away na, itong pagbuti ko sa sarili ko.”
Anong mensahe niya para sa mga concerned sa kanya?
Napangiti si Rikki Mae, “Meron ba? Mga concerned, wala, ano… ako, ano naman ako, e. Parang what you see is what you get.
“So even sa mga friends and family ko, basta happy lang ako pag kasama ko sila. And siguro ano, always be kind. Always be kind lang.”
Read: Ellen Adarna praises Isabel Santos for being the "best stepmom"
NOEL FERRER:
Speaking of Jackie Lou Blanco, i-flex ko lang, ha, nag-audition siya para sa play na ito na Lualhati sa VLF. This is even if she was saddled with her schedule in the GMA teleserye na House of Lies.
At the same time, meron rin siyang linagare na kakaiba ring Cinemalaya entry na Mag-iina na mula sa Palanca award-winning play ni Guelan Luarca now directed by Giancarlo Abrahan.
This comes after her acclaimed performance in The Foxtrot where she won the Aliw Award for Best Lead Actress In Play at ngayo’y nominated din sa darating na PhilStage Gawad Buhay award.
So, JLB is truly in her actress era! At anumang sakit at hirap ang dinanas niya sa pagkawala ng kanyang ina at asawa ay nagsisilbing hugot niya sa mga epektibo at malalalim na karakter na kanyang ginagampanan ngayon.
Bilib ako kay Jackie Lou, kasi ang tapang tapang niya sa pagtanggap ng mga roles, at hindi (lang) pera kundi artistic fulfillment ang habol niya ngayon!
And heto, first from PEP Troika, in the next few days, malalaman natin na isang kakaiba ring karakter ang isusunod ni JLB sa kanyang pagiging Lualhati. Dito, kakanta at sasayaw naman siya.
At mula sa habito na subdued ang colors, magiging makulay na makulay naman siya. Ito na ang reinvented JLB at 62. As a talent at mahal kong kaibigan, nakakatuwa talaga siya, nakaka-inspire at nakaka-proud!
