GORGY RULA:
Muling nagpaka-active sa pag-aartista ang dating child star na produkto ng Eat Bulaga! na si BJ "Tolits" Forbes.
Sumikat ang batang si Tolits noong 2003 sa That’s My Boy na segment ng Eat Bulaga!
Hindi na naging active sa showbiz si Tolits nung nasa awkward stage na siya. Kalaunan ay nabalitaan na lang nating nagte-teatro na siya.
“Siyempre po, awkward stage po ako, sumabay din po yung downfall ng mismanagement ng financials, e. So, nagdoble-doble.
"Pero, para sa akin, it’s really the grace of God.
"Panalangin, at siyempre suporta na rin po ng pamilya, at saka siguro yung personality na rin na hindi ako masyado nagpa-down at hindi ko hinayaang magpalugmok ako.
"Pahinga lang. Tapos, na-regain din yung sarili.
“Siguro importante din po yung pahinga. Importante din yung makapag-isip-isip, makapag-reflect para maging ready ulit tayo,” saad ni Tolits.
BJ FORBES ON MOVIE COMEBACK
Okay na raw siya ngayon, at nagpapasalamat na kinuha siya sa pelikulang ito na Behind The Smile ng EVTR Trading ang Construction at GO Films.
“Nito lang pong 2026, as in na-gain ko na ulit yung confidence ko.
“Mas medyo kumbaga, kumpiyansa na rin ako sa kaya kong ipakita sa mga tao.
“Unlike nung nagpo-focus ako sa theater, medyo meron po kasi akong inferiority sa sarili ko. Medyo nawala yung confidence ko, because of what happened in my career before. Mas gusto kong maging pribado.
"Pero ngayon, ready na ulit at salamat sa mga nagbibigay ng proyekto, and I’m doing my best,” saad ni Tolits.
ON BEING ENGAGED
May isang anak na si Tolits sa kanyang fiancée. Kapag maayos na raw ang birth certificate ng fiancée niya, magpapakasal na raw sila.
“Malapit na po, kasi matatapos na yung papeles. Kasal agad yan!” napangiti niyang pakli.
Sa July na magsisimula ang mga special screening ng Behind The Smile. Kaya nagsisimula nang mag-promote si Tolits kasama sina Ejay Falcon, Jennica Garcia, at Dana Alexa. Ang direktor ay si Lawrence Roxas.
Read: Chinese star Jin Ze, 33, found dead at home
NOEL FERRER:
Seven years old na ang anak na babae ni Tolits Forbes at ng kanyang fiancée.
Sa pakikipagkuwentuhan niya sa PEP Troika, ibinahagi ang karamdaman ng anak.
“Yung anak ko po, meron po siyang cerebral palsy,” pakli ni Tolits.
“Hanggang ngayon, may seizure disorder. Hanggang ngayon, lagi po siya sa hospital. Lagi kami nagte-therapy. Mas malaki yung gastos namin dahil sa therapy and medication.”
Hindi iniisip ni Tolits ang hirap na pinagdaanan nila sa pag-aalaga sa kanilang anak.
Aniya, “Siguro mas mahirap. Pero para sa akin, mas ewan ko, ha? Parang mas fulfilling, dahil kahit iba yung sitwasyon namin, pero nakakaya ko.
"At nakikita ko na masaya yung wife ko, masaya yung anak ko kahit ganun ang sitwasyon niya.
"Hindi ako nagmumukhang kawawa sa ibang tao, dahil I don’t have to beg, dahil kaya ko namang magsumikap.
“Although, hindi naman ako magpakaipokrito na hindi naman sobrang laki ng kinikita ko. But enough and nagsusumikap. So, masaya na ako dun na maayos kami.”
Hindi siya nagpadaig sa kalungkutan at positibo ang pagtanggap niya sa nangyari sa kanyang anak.
“Siguro magiging mahirap siya pag hindi ka handa,” tugon ni Tolits.
“Pag yung puso mo, hindi matanggap yung sitwasyon. Ibig sabihin, hindi ka masaya dun.
"Pero sa akin kasi, kahit na mangyari yun, naibibigay pa rin sa akin ng anak ko yung fulfillment, e, ng pagiging tatay.
"Mas nakikita ko pa nga ang purpose ko, e. Na ito pala ang pagiging tatay— na hindi lang sa mismong pamilya mo.
"You also give inspiration to others, na kahit mas nauna sila magpamilya, dahil sa sitwasyon namin na iba, nai-inspire pa sila sa amin.
"So, sa akin po, iyun yung pinanghahawakan ko, na iba ako. Iba yung pagtanggap ko sa sitwasyon namin. And that is gift, that is a blessing from God na ginagamit niya akong instrument,” sabi pa ni BJ ‘Tolits’ Forbes.
Read: Newlywed Pinoy couple in Canada dies after paddleboarding mishap
JERRY OLEA:
Sabi pa ni Tolits Forbes, never daw nila kinuwestiyon ang Panginoon kung bakit nangyari ito sa kanilang anak.
“Wala po! Kahit po ang Panginoon, na sabi nila, nagtatanong kung bakit. Pero as in nung nagsimula, hindi ko tinanong ang Diyos kung bakit.
“Everything happens for a reason. And yung reason na iyun, iyun nga, gamitin ako para maging inspirasyon sa iba,” pagmamatwid ng dating child star.
Kumusta na ngayon ang kanyang anak?
“May improvement po. Very minimal. Hindi pa rin siya nakakaupong mag-isa.
“Wala siyang head control, hindi nakakatayo. Buti nakakapag-smile na siya unlike before.
“Hindi na siya nasa critical situation, and I’m happy with that,” saad ni Tolits.
Hindi pa niya masagot kung may pag-asa na gagaling ito.
“Wala pong assurance e. Kumbaga, case to case basis daw ho. Hindi nila masasabi kung gagaling, kung makakalakad o hindi.
“Hindi rin nila masabi kung the risk ba ganun… Wala naman pong ganun. Basta ang sabi sa amin, tuluy-tuloy lang.
“Just go with it, ituloy yung proseso. Kung maging maayos yung sitwasyon, maraming salamat. Kung hindi man, huwag lang siyang bawiin.
"Thy will be done. Amen," saad ni BJ Forbes.
