GORGY RULA
Sampung full-length features ang tampok sa 2026 Cinemalaya Philippine Independent Film Festival na gaganapin sa August 6 hanggang 18.
Isa sa entries na nadalaw ng PEP Troika ang shooting ay ang pelikulang Kaka Sa Yawan na salitang Tadyawan, isang tribu ng mga Mangyan na matatagpuan sa Oriental Mindoro.
Ang unang title na isinumite sa Cinemalaya ay May Buntot Ang Mga Yan, na pinalitan ito ng Kaka Sa Yawan, na ang ibig sabihin ay "Brothers By The River."
Ito’y isinulat at idinirek Alpha Habon.
A FILM ABOUT THGE MANGYANS
Ngayon lang tatalakayin sa isang pelikula ang buhay at kultura ng mga Mangyan na ilang buwan daw sinaliksik ni Direk Alpha.
“I’ve always wanted po to make a film about indigenous people. So, parang opportunity came across po na yun nga, para maisali ko siya sa Cinemalaya po.
“Kasi, sila po yung nagsu-support ng mga ganitong klaseng films. So, in support po… indigenous films, yun po yung naisip namin.
“It’s also a location film which is Mindoro,” saad ni Direk Alpha nang dinalaw ng PEP Troika sa location na pinagsyutingan nila sa Pinamalayan, Oriental Mindoro.
Bida ang dalawang baguhang batang artista: si Bryce Nicolo at ang totoong Mangyan na si Dennis Datu.

Paglaki nila sa kuwento ay ginampanan naman nina Beaver Magtalas at Benedix Ramos.

Bahagi rin sa pelikula sina Luis Alandy, Nikki Valdez, Karl Medina, at Queenay Mercado.

“It’s a coming of age-bestfriend story about a Manila boy na pumunta po dito sa Mindoro, na na-meet niya isang Mangyan boy.
“Nagkaroon po sila ng friendship. Then, 10 years later po, nagkikita po ulit sila.
“Because parang nag-promise po sila nung bata sila sa isa’t isa na magkita po sila ulit,” kuwento ni Direk Alpha.

Mahigit isang buwan ang buong team ni Direk Alpha sa Pinamalayan dahil maingat sila at sumusunod sila sa Eddie Garcia Law na kailangan masunod ang nararapat na working hours lalo na’t may mga batang artista.
Bukod pa riyan, kailangan din daw nilang sundin ang patakaran ng mga Mangyan, at ang National Commission on Indigenous People o NCIP.
Ani Direk Alpha: “Nag-communicate po kami sa elders ng community nila. Sinasabihan po sila how to go about pag may shoot, and may briefing din po for everyone.
“Ang pinaka-challenge po kasi dito, obtaining the permission from the community.
“Matagal po. Matagal na po kaming nagsimula, at pati ang approval ng NCIP, at pati ang mga sa tribu ng mga Mangyan na Tadyawan. Because NCIP is also protecting them.
“So, marami po kaming back and forth kung papano po magwo-work both parties.
“We’re representing their culture, pero of course there is this protection na they shouldn’t be expoited or anything like that, which also hindi naman namin objective.
“So, meron lang pong check and balances na nangyayari.”
Read: Jennica Garcia recalls emotional struggles after separation from Alwyn Uytingco

NOEL FERRER
Ipinaliwanag ni Direk Alpha Habon na ang mga Mangyan na matatagpuan sa Mindoro ay may pitong tribu.
Ang pinili nila ay ang Tadyawan, tribu na madali nilang nakakasalamuha at nakaka-adapt na raw sila sa makabagong pamumuhay.
Nakakagamit na raw sila ng cellphone at iba pang gadgets, at kilala pa raw nila ang ilang sikat na artista.
Nagpa-audition sila sa lugar ng mga Tadyawan. Doon nila nakuha ang batang si Dennis Datu, 14, at iba pang Mangyan na gaganap bilang farmers, charmers, at iba pa.
Dagdag ni Direk Alpha: “It’s a location shoot, tapos may sensitivities din po yung community that we have to follow according to the NCIP.
“Meron silang rules to follow. So, kailangan very precise po yung galawan namin, and na-achieve naman namin because of that.
“Merong representative ang NCIP pag nagsu-shoot po kami, also the community, meron po kaming representative na nasa tabi po namin, nagsu-shoot kami, to consult kung tama ba yung gingawa namin.
“Yung rituals na ginagawa kasi, we want to represent them the best way that we could. Kasi that film naman is for them as well.”
Ang sabi pa ni Direk Alpha, gusto niyang maipakita sa mga manonood ang kultura ng mga Mangyan at makita kung gaano kayaman ang Pilipinas, kahit magkakaiba ng kultura.
“So, iyon po yung gusto ko lang pong ipakita na the Philippine culture is very, very rich, very diverse.
“But at the same time, though we’re different, meron din po tayong mga similarity na we’re not so different,” wika ni Direk Alpha.
Read: Newlywed Pinoy couple in Canada dies after paddleboarding mishap

JERRY OLEA
Bukod sa Cinemalaya, tumulong sa pagpo-produce ng pelikula ang Bryce Entertainment Productions na nagma-manage ng mga talents na taga-Tondo, Manila.
Isa sa talents nito ang nine-year old na si Bryce Nicolo, ang apo ng may-ari ng naturang entertainment production.
Natutuwa ang buong team dahil sa mahigit isang buwan na magkasama sila sa Pinamalayan, Oriental Mindoro, naging close silang lahat, lalo na ang dalawang batang sina Bryce at Dennis Datu.
Kamakailan lang ay nagkaroon ng recital ang talents ng Bryce Entertainment sa SM Manila, at isa sa nag-perform ang batang si Bryce.
Habang kumakanta siya, bigla siyang sinorpresa ng Mangyan na si Dennis, at hindi napigilang maiyak ni Bryce.
Hindi lang sa kuwento ng pelikula, kundi totohanang nabuo raw ang magandang friendship ng dalawang bata.
beaver magtalas
Pati si Beaver Magtalas, na gumaganap na older Bryce, ay nagpapasalamat na napasama siya sa Kaka Ya Wan.
Isinisingit daw niya sa araw-araw na training niya sa Star Hunt Academy ang shooting sa Oriental Mindoro.
“Very thankful pa rin po ako sa ABS na despite my busy sched po sa kanila, pinapayagan nila ako dito. “
On the condition nga po na I’m only allowed to go here on Saturdays, Sundays.
“Ahh for the past three weeks po, bumibiyahe po ako after ng training papunta dito. Yeah! Every weekend.
“That was really challenging, and naging bago po ulit sa akin ang acting. Gusto ko pa pong makagawa ng ganito e,” saad ni Beaver.

Dagdag excitement pa rin daw sa kanya at may pressure din dahil first Cinemalaya movie niya ito.
“Yun nga po, e, yes! Andun din po yung pressure of course having that…na hindi nakapag-acting, tapos Cinemalaya na bigla yung papasukin mo na project.
“So, andun din po ang pressure na kaya ko nga ba itong gampanan?
“Like I said po, may tiwala po ako kay Direk, may tiwala po ako kay Coach, and at the same time nagtitiwala po ako sa sarili ko na kaya ko ito.
“And that’s why I’m here despite na everything na pinagdadaanan ko so far,” napangiting pahayag ni Beaver.
