GORGY RULA
Sa labinlimang (15) one-act play na main feature ng Virgin Lab Fest XXI: Hubo’t Hubad, bukod-tanging all-out comedy ang Taksyapo! na bida sina Christian Bables at Mosang.
Idinirek iyon ni Tuxqs Rutaquio, mula sa panulat ni John “Sweet” Lapus.
Ambibigat ng tema ng ibang dula sa VLF 2026, na bagamat may patawa ay mas matimbang ang drama.
Hirit ni Sweet sa talkback session matapos ang pagtatanghal noong Hunyo 6, 2026, Sabado ng hapon, sa Tanghalang Ignacio Gimenez, CCP Complex, Pasay City,
“Gusto ko lang talaga kasing magpatawa. Yun lang naman ang gusto ko talaga.
“Yung part ni Maya [karakter ni Mosang] na about talking ano, it was one thing na maganda talaga sa Virgin Lab Fest, kahit nagti-TDR na kami, itong aming mga festival directors, nagku-comment sila.
“It was one thing na nagustuhan kong comment nila is yung original namin, nagdadrama talaga si Maya doon.
“Tapos, they suggested, ‘Di ba, matagal nang nangyari? Dapat ikinukuwento lang niya na light.’
“So, mas naging effective siya. Madrama ang lighting, may scoring pa, pero yung deliver niya, ‘Huhhhhh,’ ganun. Part ng budol niya yun para makatinda ng plate.
“Yung eksena na iyon, lahat ng nagpupunta, ikinukuwento niya, ‘Nabudol ako…’ para bumili nang bumili. So, ganun siya ka-expert sa pagtitinda ng mga baso’t pinggan para ibato.
“So, basically, light. Gusto kong tumawa. And thank you na hinuli nila kami [sa Set D: Pusong Mamon]. Originally, kami yung gitna.
“So, nakatulong sa amin na yung sinusundan namin ay drama. Two, I hope nakatulong sa inyo na uuwi kayo na ang huli ninyong napanood ay tumawa kayo, hindi kayo umiiyak.
“So, makakatulog kayo nang may ngiti sa inyong mga labi.”
BASED ON REAL-LIFE EXPERIENCE
Yung JM character ni Christian sa one-act play ay base sa experience ni Sweet sa Tacsiyapo booth ng Isdaan Floating Restaurant sa Gerona, Tarlac.
Pagkunot-noo ni Sweet, “Twenty years ago…? So, basically, obvious naman na ako yun, nangyari sa akin yun. Nilagyan ko lang ng humor.”
Ka-cluster ng Taksyapo! sa Set D ng VLF ang mga dulang Buhaghag at Footprint.
Sa Buhaghag, bigay na bigay si Adrienne Vergara bilang Manlalayug na si Lala.
Sa Footprint, dinalirot ang pagdadalamhati ng ama, ina, kuya, at girlfriend matapos mag-suicide ang isang binatilyo.
Sa 15 dula ng VLF 2026, itong Taksyapo! ay MUST WATCH para sa “Virginatics”!!!
Read: John Lapus finally breaks into Virgin Lab Fest main lineup

JERRY OLEA
Ala-una ng hapon pa lang noong Sabado, Hunyo 6, ay may pila na sa Tanghalang Ignacio Gimenez.
Walang ganoong eksena sa naunang tatlong 2:00 P.M. shows noong Hunyo 3, Miyerkules, hanggang Hunyo 5, Biyernes.
Almost sold-out ang VLF show noong Sabado ng 2:00 P.M. Iilan lang ang bakanteng upuan.
Of course, marami ring excited noong Sabado sa Footprint kung saan first time mag-VLF sina Elijah Canlas at Meryll Soriano.
STRONG BUZZ FOR TAKSIYAPO!
Pero ramdam ba ng mandudulang si John “Sweet” Lapus na malakas ang buzz sa obra niyang Taksyapo!?
Napangiti nang matamis si Sweet: “Sobra! Andaming nagme-message sa akin… Actually, noong TDR [technical dress rehearsal], doon lang ako nawala yung nerbiyos ko.
“Kasi ito, nag-read ako with my friends, natatawa sila. During isang rehearsal namin, nagkaroon kami ng simulated na audience pero parang anim na tao lang yon, natatawa sila.
“So, until noong TDR, yung nakita ko yung reaksyon ninyong lahat, sabi ko, ‘OK na ako, OK na ako.’ So, doon ako nakahinga na nang maluwag.
“Doon na yung lahat nung stress at pagod ko, or even yung memories ko when the situation happened to me many years ago, nawala na siya.
“And I’m so happy and grateful na ang isang bagay na hindi magandang nangyari sa buhay ko, nagawa ko siya into something beautiful.
“Na nakakapagpatawa at nakakapag-inspire at entertain sa mga manonood.”
Naghilom na yung sugat makaraan ang dalawang dekada dahil sa dulang Taksyapo!?
Mabilis na sagot ni Sweet: “Yes! I think this is the perfect hilom nung ano ko. Baka tinanggal ko na yung band aid at walang peklat, tuyung-tuyo na…
“At makinis na muli.”
Read: Tessa Prieto opens up about ex-husband's "infidelity"

NOEL FERRER
Tatakbo pa ng tatlong linggo ang Virgin Lab Fest 2026 this month, mula Miyerkules hanggang Linggo.
Yung Set D: Pusong Mamon kung saan pangatlong dula ang Taksyapo! ang pinakahuling itatanghal sa Hunyo 28, Linggo ng 8:00 P.M.
“Kami ang finale sa June 28. Nakaka-stress kasi iyon ang finale! Nandoon lahat ng members ng Writer’s Bloc,” sey ni John “Sweet” Lapus.
“Saka yung mga taga-theater usually talaga ang nanonood ng last day, at saka last day ina-announce kung alin ang tatlong Revisited plays.”
WORD OF MOUTH
Sa VLF last year, nagkakaubusan ang tickets sa set na kasama ang dulang Don’t Meow For Me, Catriona kung saan bida si Angelica Panganiban.
This year sa VLF, ito ngang Taksyapo! na akda ni Sweet ang bongga ang word of mouth.
“Nalolokah ako kasi ang mga kaibigan ko, sa akin na dumidiretso sa tiket,” pagsisiwalat ni Sweet.
“Kasi sold out na nga. Technically na-sold out kasi may bumili na nung show. So, kailangan mong bumili sa showbuyer.
“Sold out na siya sa CCP dahil may showbuyers. Kailangang hanapin mo… well, pinost naman nila kung sino yung mga showbuyers. Sa kanila ka didiretso.”
May nakalinya nang next project si Sweet sa theater, pero meron siyang pinirmahang NDA (non-disclosure agreement) doon. Sa Hulyo 7 pa siya puwedeng magsalita tungkol doon.
Basta, masaya ang 2026 para sa kanya.
Tumango si Sweet: “Masaya, masaya, at saka you know, sabi ko nga, nalaos ako sa TV at saka sa pelikula.
“Tapos bumalik ako sa theater at doon ko na-realize, biruin mo, Delia D, comeback ko sa theater. Musical pa siya, tapos ngayon nominated ako sa Gawad Buhay, this coming July yung awards night.
“Pumasok pa itong Taksyapo! ko sa Virgin Lab Fest. Yun ang na-realize ko — sa theater, walang nalalaos. Meron lang bumabalik.”
Read: Christian Bables, Mosang deliver LOL performances in Taksyapo!
