GORGY RULA
Ngayong Martes, June 9, 2026, naka-schedule ang initial hearing ng petition na isinumite ni Claudia Barretto.
Hinihiling sa korte ng anak ni Dennis Padilla at Marjorie Barretto na tanggalin sa kanyang pangalan ang apelyidong Baldivia, ang tunay na apelyido ni Dennis.
Maagang dumating si Dennis sa Quezon City Hall of Justice, pero doon niya lang nalamang na-reset ang hearing sa September ng taong ito.
Umalis siya agad at tinagpo namin siya sa labas ng QC Hall of Justice.
Ipinaliwanag ni Dennis sa PEP Troika na bagong petition itong isinumite ni Claudia.
Unang nagsumite si Claudia at ate nitong si Julia Barretto ng petition sa korte noong 2014.
Kinontra ito ni Dennis dahil menor de edad pa noon ang kanyang mga anak.
Hanggang sa nag-decide si Julia na huwag na nilang ituloy ang pagpapatanggal ng apelyidong Baldivia dahil okay na sila ng kanyang ama,
Saad ni Dennis: “Kaya naman ako nagkaroon ng opposition noon, because both of them, Julia and Claudia, are both minors.
“I think Julia was only 17. Tapos si Claudia was only 15.
“Sa akin, parang hindi naman yata priority ng buhay ng mga anak ko tanggalin yung family name nila. Saka parang legal name lang naman yun.
“So, legal name... merong alias. Alias Claudia Barretto or Julia Barretto.”
Pero iba raw ang petition na isinampa ni Claudia, 26, dahil nasa tamang edad na ito. Hindi pa raw niya alam kung nag-file din ng hiwalay na petition si Julia.
Tanggap na raw ni Dennis na ayaw nang gamitin ng mga anak ang kanyang apelyido.
“Ngayon, nagkaroon ng…. they filed the petition, I think, kung hindi April, last November 2025.
“So, today, supposed to be ang first hearing namin ng change of name na pagtanggal ng Baldivia. Pero according to the clerk of court, na-reset for September.
“Malayo, three months, e. Hindi ko alam kung nag-file din si Julia.
"Pero ang nag-file lang yata ngayon sa papers na hawak ko, si Claudia lang,” sabi ni Dennis.
Ang isa pang anak ni Dennis kay Marjorie ay si Leon Barretto.
Read: Dennis Padilla saddened by Claudia's petition to drop Baldivia
DENNIS PADILLA ACCEPTS HIS DAUGHTERS' DECISION
Mabigat daw para kay Dennis nang natanggap niya ang notice na dumalo sa hearing.
Pero tanggap na raw niya at hindi niya kokontrahin ang pagpapatanggal ng kanyang apelyido sa pangalan ng mga anak na babae kay Marjorie Barretto.
Ang tanging hangad na lang daw ni Dennis ngayon ay kapayapaan at ang kaligayahan ng kanyang mga anak.
Aniya: “Nalaman ko lang nang dumating sa akin yung invitation from the court na mag-appear today.
“So, na-receive ko yun, more or less two months ago. So, during that time, parang okay ako. Accepted.
“Kumbaga, parang okay lang na tanggalin na lang yung family name ko kung yun yung pine-petition nila.
“Kasi ako, maniwala ako… siyempre, tayo namang mga magulang, tayong mga parents, di ba, yung priority natin yung kaligayahan ng mga anak natin.
“So, nung papalapit na yung hearing, which is supposed to be today, parang ewan ko ba… nung una, parang magaan na magaan yung loob ko.
"Tapos, eventually, parang may heaviness.
“Last night I prayed. Sabi ko, ‘Lord, bigyan Mo na lang ako ng ano… bigyan Mo na lang ako ng peace ng isip, at saka nung puso.’
“I realized na ito palang sadness na nararamdaman ko, kung ito ay makakapagbigay ng happiness naman sa aking mga anak, okay na ako.
“Dahil, number one, adult na silang pareho. Adult na silang lahat.
“Puwede na silang makapag-decide on their own. Okay na ako dun,” pahayag ni Dennis.
Gusto lang daw iparating ni Dennis sa kanyang mga anak kay Marjorie na, kahit hindi nila dala ang kanyang apelyido, nananatili pa rin siyang ama ng mga ito.
“Ang gusto ko lang maiparating sa kanila, na kung may Baldivia man o wala ang kanilang family name, gusto ko lang malaman nila na mahal na mahal ko sila, and I’m still here to be a father to them.
“I’m just a text away or I’m just a call away, any time,” malungkot niyang pahayag.
JERRY OLEA
Ayon kay Dennis Padilla, hindi niya nako-contact ang mga anak kay Marjorie Barretto.
Kaya kung anuman ang gusto niyang iparating, sa social media na raw niya ito idinadaan.
Sa pag-post ni Dennis sa social media ay maaaring makarating daw ito sa kanila.
Paliwanag niya: “It’s my way of expressing my feeling, kasi alam ko namang hindi ko sila makakausap.
“So, my means na pagpapadala ko ng message sa IG o kaya sa Facebook, yun na lang yung inaasahan ko na sana makarating sa kanila yung message ko na, yun nga na, basta yung priority ko, yung happiness niyo pa rin.
“Gusto ko pa rin na maraming blessing pa rin na dumating sa buhay nila."
Inamin ni Dennis na ang posibleng dahilan ng pagpa-file ng petition ni Claudia para tanggalin ang Baldivia sa pangalan nito ay dahil sa pagra-rant ng aktor sa social media nung kasal ni Claudia kay Basti Lorenzo noong nakaraang taon.
“Aminado ako, mali naman talaga ako dun. Ilang beses akong nag-sorry dun,” pakli ni Dennis.
Read: Dennis heartbroken at being treated as "visitor" at daughter's wedding
NOEL FERRER
Muling ipinarating ni Dennis ang paghingi ng tawad sa ginawa niya sa kanyang mga anak.
Sana, mabigyan daw siya ng pagkakataong makausap ang mga ito.
Sabi niya: “I’m not getting any younger. So, ayoko na mag-keep ng kalungkutan.
"Gusto ko na lang mag-keep ng ano, peace na lang and… siguro sa mga darating na panahon, hindi natin alam kung kailan, sana mabigyan nila ako ng konting forgiveness.
"Kasi ako naman, publicly, nag-apologize naman ako sa kanila, e.
“Kung anuman yung pagkukulang, kung ano man yung naging pagkakamali ko, sana mabigyan naman nila ako ng complete na forgiveness.
"And sana magkaroon ng chance na magkausap kami muli.
“Siguro, bago mag-September, para dun sa initial hearing, iyon lang yung hope. Ang wish ko na sana magkausap kami ni Claudia na kaming dalawa lang.
“Kasi iba yung tina-type mo siya, e. Iba yung nakakausap mo nang personal, e.
“Kasi, iba yung magkaharap kayo na mata sa mata kayo na nagkakausap.”
