JERRY OLEA
Na-devirginize na si Glaiza de Castro sa theater festival na Virgin Lab Fest (VLF).
Tampok si Glaiza sa one-act play na She’s Electric, na kabilang sa Set C: Balat Kalabaw ng Virgin Lab Fest XXI: Hubo’t Hubad, ka-cluster ang mga dulang Elehiya at Betamax.
Sa premiere week ng VLF 2026, itinanghal ang Set C: Balat Kalabaw noong Hunyo 5, Biyernes ng 2:00 P.M. at 8:00 P.M. sa Tanghalang Ignacio Gimenez (TIG) o CCP Black Box Theater, CCP Complex, Pasay City.
Kumusta ang unang salang niya sa VLF?
“Ang firs- ever official show… parang ang surreal!” bulalas ni Glaiza noong Friday afternoon sa lobby ng TIG.
“Siyempre kinakabahan. Hindi mapakali, hindi makatulog. Pero worth it naman. Kasi kapagka nakikita mo yung mga tao na nagre-react.
“Actually, naririnig kasi parang pinipigilan kong tumingin sa kanila. Kasi baka ma-distract ako, or mawala ako sa linya.
“Pero ang sarap sa pakiramdam na finally, nasa stage na ako! Nasa teatro na ako. E, matagal ko na rin po kasi itong wini-wish na mangyari.
“So finally I was given the perfect opportunity and timing to do it.”
INFLUENCED BY ANGELICA PANGANIBAN?
Na-inpire o na-influence ba siya ng kaibigang si Angelica Panganiban, na nagpakitang-gilas sa dulang Don’t Meow For Me, Catriona sa VLF 2025?
“In a way, parang binigyan niya ako ng go-signal na parang, ‘Sige, go!’ Kasi, matagal ko na rin po talagang gustong mag-teatro na,” pagmamatwid ni Glaiza.
“Hindi lang talaga umaayon sa schedule. So, actually, before nag-audition na rin ako sa mga theater shows.
“Pero every time na kumbaga papasok na ako, may serye naman na gagawin ako.
“E, siyempre po, ang hirap ding pagsabayin lalo na kapag theater. Maraming mga rehearsal. At saka yung schedule, hindi basta-basta.
“So after nung Sang’gre, tapos nung may ginagawa lang akong pelikula, nagkaroon ng parang malaking gap doon sa schedule ko.
“Tapos sabi ko, ‘Ayun, puwede na!’ So nag-audition po ako dito, and then finally nung sinabi nila, ayun, sinabihan ko si Angge [palayaw ni Angelica] na, ‘Uy! Finally ako din, magvi-VLF!’
“So magkasunod kami.”
Maliban kay Glaiza, kabilang sa mga artista sa VLF 2026 sina Christian Bables at Mosang sa Taksyapo!; Jackie Lou Blanco at Angel Aquino sa Lualhati; Elijah Canlas at Meryll Soriano sa Footprint; Carlos Siguion-Reyna at Rafa Siguion-Reyna sa Elehiya; Gio Gahol sa Password 1 2 3, Pilipinas 3 2 1; CJ Navato sa Human Rights Story of the Year; Donna Cariaga sa Patayin ang mga Surot; Phil Noble sa Haram; Vincent Pajara sa Balos; Jorrybell sa Betamax; at Adrienne Vergara sa Buhaghag.
Read: Elijah Canlas opens up about grief and healing through Footprint
GORGY RULA
Ang husay ni Glaiza de Castro bilang android na si Rose sa dulang She’s Electric, na idinirek ni JP Habac mula sa panulat ni Ron Evangelista.
Patok sa audience ang dynamics nina Rose at Andrew (Aldo Vencilao), kasama ang tatlo pang characters na sina Robert (Joshua Cabiladas), Borgs (Ybes Bagadiong), at Stacy (Yesh Burce).

Kagaya ng Taksyapo! na obra ni John “Sweet” Lapus ay crowd-pleaser itong She’s Electric.
Ngayong midweek ng VLF 2026 ay sold-out na ang pagtatanghal ng Set C: Balat Kalabaw (Elehiya, Betamax, She’s Electric) ngayong Hunyo 10, Lunes ng 8:00 P.M..
Ang dalawa pang pagtatanghal na sold out sa second week ng 21st VLF ay yung Set D: Pusong Mamon (Buhaghag, Footprint, Taksyapo) sa Hunyo 12, Biyernes ng 2:00 P.M.; at iyong Set B: Kapit Tuko (Haram, Balos, Lualhati) sa Hunyo 14, Linggo ng 8:00 P.M.
Read: Taksyapo! emerges as Virgin Lab Fest 2026’s crowd favorite
GLAIZA DE CASTRO ON HER FIRST TIME ON STAGE
Ano ang pakiramdam ni Glaiza noong sandaling sasalang na siya sa unang pagtatanghal ng She’s Electric?
“Parang nananaginip ako,” sambit ng Kapuso actress.
“Parang ganun, parang hindi totoo yung nangyayari. Tapos siyempre nandun yung… kahit na parang panaginip siya, kailangan kong mag-focus.
“Yung parang kailangan aware ako mentally. Kumbaga, muscle memory naman yung mga linya namin.
“Pero may mga times talaga na katulad kanina, nag-buckle din ako. Kasi parang medyo nadi-distract ako, yung ganun.
“May preparations po kami like warm-up, prayers siyempre. Tapos kapagka sumalang na, ayun parang hinahayaan na lang po namin lahat kung magkamali man or may makalimutan mang linya.
“Iyon yung teatro, e. Walang take 2 kumbaga.”
Ang isa pang pagtatanghal ng Set C: Balat Kalabaw (Elehiya, Betamax, She’s Electric) para sa midweek ng VLF 2026 ay sa Hunyo 11, Huwebes ng 2:00 P.M..

NOEL FERRER
Apart from the main features, VLF continues to expand its offerings with stripped-down reading performances of selected scripts from the Virgin Lab Fest XXI: Hubo’t Hubad submissions, reading performances of works from the diaspora, and a showcase from the VLF Writing Fellowship Workshop.
The staged readings are composed of three sets, each featuring two scripts selected from the VLFXXI submissions.
For Set 1, Jose Victor Torres’ Mga Tatsulok and M. Manalastas’ The Devoured will take the VLF stage on June 12, 2026.
Set 2 takes the stage on June 19, 2026, featuring Dingdong Novenario’s Manang and Rafael Jimenez’s Suor.
Set 3, meanwhile, will spotlight Juan Ekis’ Kasal(anan) and Jay Fernandez’s Ang Huli on June 26, 2026.
The special staged readings will feature works of Ihot Sinlay Cihek’s How Romantic: A Guide To Modern Pangcah Life from the Taiwan International Play Reading Festival on June 10, 2026, and Prison Dancer from the Canada’s National Arts Centre on June 21 and 24, respectively.

All staged readings will be at 5:00 P.M. at the Bulwagang Roberto Chabet, 3/F Tanghalang Ignacio Gimenez (CCP Blackbox Theater).
Admission is free to the public, on a first-come, first-served basis.
Also part of the lineup is the culminating presentation of the VLF Writing Fellowship, a two-week mentorship program focused on the study and practice of writing for the stage under the guidance of playwright Glenn Sevilla Mas with direction by Rafael Jimenez, slated on June 28, Sunday, 5:00 P.M., at the TIG Bulwagang Roberto Chabet.
For more updates on the festival schedule and ticket-selling, visit the official pages of VLF, CCP, Tanghalang Pilipino Foundation Inc., and Writers’ Bloc across Facebook, X, Instagram, and TikTok.
Read: Virgin Lab Fest 2026: schedules, plays, key details to know
