GORGY RULA
Naniniwala si Dennis Padilla na ang pagra-rant niya sa social media, pagkatapos ng kasal ng anak niyang si Claudia Barretto kay Basti Lorenzo noong April 8, 2025, ang dahilan kung bakit nag-file si Claudia ng petition para tanggalin ang apelyidong Baldivia sa pangalan nito.
Baldivia ang tunay na apelyido ni Dennis.
“Siguro. Siyempre, sumama rin yung loob nila nun e… sa wedding,” sabi ni Dennis nang eksklusibo siyang nakapanayam ng PEP Troika noog Martes, June 9, 2026.
“Di ba, nag-post ako nung mga rant na mali? Kasi, kung hindi ko pinost yung mga nararamdaman ko nun, siguro, one step closer na sana ako na makausap sila.
“Pero dahil dun sa nangyari na yun, na alam mong mali nga, dahil nadala ako ng bugso ng damdamin ko, para ba ngang pakiramdam ko, lalo silang napalayo.
“Yun nga! Hindi ko alam kung papano gagamutin yun, e,” may panghihinayang na pahayag ng komedyante.
Read: Dennis heartbroken at being treated as "visitor" at daughter's wedding
DENNIS PADILLA'S EFFORTS TO CONTACT CLAUDIA
Sinubukan daw niyang tawagan si Claudia.
“I tried calling her after the wedding, pero hindi ko naman siya nakausap,” sabi ni Dennis.
“I tried lang. Once or twice. I tried lang, pero hindi ko naman siya nakausap.
“Ito na yung chance na maiparating sa kanya na sana, magkausap kami muli.
“Kaya humahanap ako ng paraan para maka-relay ako ng messages sa kanila. Which is, yun nga… nag-try ako mag text or mag-message sa Viber saka ito.
“Itong interview na ito na sana makarating sa kanila.
"Gusto ko lang sana magkausap kami before dun sa supposed to be initial hearing today na na-move ng September. Sana, magkausap kami.
“Pag nagme-message ako… kunwari Christmas o gusto ko lang bumati pag birthday, I tried pa rin using yung Viber or X. Pero walang reply, e.
“So, hindi ko alam kung nakakarating o hindi.”
NO RESPONSE FROM HIS CHILDREN
Sa kabila ng hindi pagsagot sa mga mensaheng ipinarating niya sa kanyang mga anak kay Marjorie Barretto, patuloy pa rin daw siya sa pagbati na idinadaan na lang niya sa social media.
Tuwing Pasko, New Year, Valentine’s Day, at birthday ng mga anak niya ay nagpaparating daw siya ng mensahe. Pero hindi raw siya sinasagot ng mga ito.
“Wala, e. Sanay na,” malungkot na tugon ni Dennis.
“Siguro that’s their way of expressing na masama ang loob nila. Kasi kung nagri-reach out ka tapos hindi nagre-reply sa iyo, ibig sabihin, may sama sila ng loob.
“So, kailangan kong unawain yun dahil may mali naman talaga akong nagawa.”
Umaasa si Dennis na sa pamamagitan ng panayam niyang ito sa PEP Troika ay makarating ang mensahe niya sa kanyang mga anak, lalo na kina Julia at Claudia.
Ang gustong iparating ni Dennis kina Julia, Claudia at Leon Barretto…
“Message ko sa aking mga anak, again, I’m sorry. Kung anuman yung mistakes na nagawa ko at yung mga pagkukulang ko, I hope magkaroon ako ng chance na mapatawad niyo pa ako sa mga darating na panahon.
“To Claudia, with or without the Baldivia family name, hindi nagbabago ang pagmamahal ko sa iyo.
“I’m still the father na handang mag-defend sa iyo sa lahat ng bagay. I’m just a text or call away.
“Actually, iyon na lang yung natira sa kanila. I mean, yung dugo ng Baldivia na lang ang natira sa kanila.
“So, yung name na lang yung nawala, yung Baldivia.”
Read: Dennis Padilla saddened by Claudia's petition to drop Baldivia
JERRY OLEA
Nang pumunta si Dennis Padilla sa Quezon City Hall of Justice noong Martes, Hunyo 9, buo na raw ang pasya niyang hindi na kontrahin ang petition ni Claudia.
Tila may bumara sa lalamunan ng aktor nang sinabi niyang ipapagawa na niya ang affidavit na hindi na niya ipaglalaban ang apelyido niya sa kanyang mga anak.
Saad ni Dennis: “Ang importante lang sa akin na sana ay magkaroon pa kami ng chance na magkausap bago magkaroon ng initial hearing sa September.
“Tutal, hindi ko naman io-oppose na dahil adult na sila at saka meron na rin siyang sariling family.
“Kailangan ko lang gumawa ng affidavit, yung reply mo na you’re not opposing because of the… ‘whereas, whereas.’
“Siyempre, kailangan yung lawyer mo rin ang gagawa nun para formal and registered.
“Saka uulitin ko. Kung ang kapalit ng aking kalungkutan ay yung kaligayahan ng mga anak ko, okay naman ako. Okay na ako dun.
“Kasi if you are asking for something, yung something na yun is one thing na makakapagpasaya sa iyo.”
DENNIS PADILLA ACCEPTS HIS PUNISHMENT
Naniniwala raw si Dennis na ito ang parusa niya sa mga nagawa niyang mali sa kanyang mga anak.
“I consider it na parang one of the sacrifices that I have to do. Kasi meron naman akong mga maling nagawa.
“So, ito yung kumbaga, may pain para sa yo, kasi may mali kang nagawa. Kumbaga, ito na yung penalty ko,” sabi niya.
Pero umaasa pa rin daw si Dennis na mapatawad siya ng kanyang mga anak at magkausap sila nang masinsinan.
“Siguro naman, pagkatapos ko magampanan at magawa ko na yung mga penalty ng buhay, sana naman magkaroon kami ng chance na magkausap na lang.
“Magkausap na lang at magkapaliwanagan nang personal. Iyon na lang yung wish ko.
“Very important kasi na magkausap kami, e. Kasi, hindi naman tayo pabata, e.
“Ilang taon mo na akong kakilala,” sabi pa ni Dennis.
Read: Dennis Padilla accepts daughters' decision to remove his surname
NOEL FERRER
Humingi na rin daw ng patawad si Dennis Padilla sa kanyang dating asawa na si Marjorie Barretto.
Ani Dennis: “I think I had an interview before na nag-apolgize na rin ako kay Marjorie.
“Na kung anuman yung mga napagtalunan nating mga issues before, e, ako’y humihingi ng apology noon. Nabigkas ko na yun.
“Yun lang. Hindi ko lang alam kung ano yung reply.”
Bago nagpakasal at nagsama sina Dennis at Marjorie, may dalawa nang anak ang aktor sa una niyang nakarelasyon.
Ang panganay raw ay 35 years old, at 34 naman ang sumunod.
Sinasabihan daw nsya ng mga ito na kumalma na lang.
Lahad ni Dennis: “Sila… sinasabi nila, ‘Pa, kalma ka na. Hayaan mo na kung ano yung desisyon nila,’ parang ganun.
“'Hayaan mo na, para magkaroon ka na rin ng peace of mind. Basta mag-apologize ka na lang dun sa mga mali.
“'Ngayon, kung mapapatawad ka nila, e, di thankful. Kung hindi naman, hayaan mo na.
“'Basta magkaroon na lang kayo ng peace among each other,' parang ganun.”
Bukod sa kanila, may dalawa pang anak si Dennis na nasa Australia na. Edad 13 at 9 pa lang daw ang mga ito kaya hindi pa nila alam ang mga nangyayari.
DENNIS SAYS PARENTS UNDERSTAND HIS SITUATION
Naniniwala si Dennis na naiintindihan ng mga magulang na kagaya niya ang kanyang kalagayan.
Pero tanggap din niyang mas marami ang galit sa kanya, lalo na ang mga kabataan.
“Nung nagbabasa ako ng comments, nakikita ko yung mostly parents, ha? Yung mostly parents, nauunawaan nila ako.
“Pero yung mga bagets, siyempre ang daming fans ni Julia, ang daming fans nila Leon, nila Claudia, yun yung galit sa akin.
“Naunawaan ko naman kasi, unang-una, siyempre hindi pa sila parents, e.
“Iyon yung hindi ma-transfer yung nararamdaman ng magulang dun sa mga bata, e.
“So, siguro pag naging parents na sila balang araw, dun pa lang nila mare-realize na, 'Kaya pala nagkakaganun si Dennis.' Pag naging parents na sila.
“Kaya lang, mas marami talaga yung galit, kasi milyun-milyon yung mga fans nila Julia.
“Isipin mo na lang, si Julia has 10 million followers. O isipin mo kung 10 percent lang yung magalit sa akin, isang milyon na yun,” saad ni Dennis.
Read: Dennis Padilla reasserts love for Julia, Claudia amid surname-change controversy
